Chapter 8

566 12 0
                                    

Samantha's POV

Talaga 'tong mokong na 'to. Lagi na lang akong ginugulat. Tsss. Sabadong sabado ohh. Nakakahiya tuloy kanina. Malay ko bang pupunta siya. Kala ko naman kung sinong kapitbahay lang. -_____- 

Anyways, mabuti na rin 'to. Libre na ako sa pamasahe, may tagabitbit pa ako. Instant service at alalay. (^_^)\/ 

"Uhhhmm." biglang nagsalita yung driver ko. Napapanis na ata laway. 

"Oh baket?" taray! Parang amo lang talaga dating ko.

"Ah eh. I don't know where the supermarket is." anak ng! Yung totoo. Dito ka ba talaga sa lungsod na to nakatira? o.O Ayy. Oo nga pala. Di siya napunta ng ganung lugar. Pano kase, daming utusan. -___- 

"Ayy. Sorry. Nalimutan kong lamang lupa ka nga pala. :P Diretso ka lang, sabihin ko sayo pag dapat ng lumiko. :)" haha. Siya naman iinisin ko. Bat ba. Siya tong mang-aabala ng napagkaaga eh. 

Habang nasa byahe, ninamnam ko ang mga sandaling kasama ko si Murcie. Ang gwapo gwapo nya talaga. Mana sa may-ari. Nung makarating na kami sa may kanto na maraming nakasabit na mukha ng kandidato sa bawat poste eh pinaliko ko na siya. Ganto talaga sa lugar namin. Malayo pa eleksyon, nagpapalakas na ang mga gahaman sa kapangyarihan sa taong bayan. 

"Oh, andito na tayo.:)" sarap sa feeling pag mas may alam ka dun sa kasama mo. x) 

"Good morning Ma'am, Sir." sabi nung isang saleslady sa may bungad ng supermarket. Nagtitinda yata siya ng accessories. Nginitian ko siya, ewan ko lang dito sa bodyguard/driver/assistant ko kung nginitian rin nya. 

"Ang cute nyo naman pong tignan. Bagay na bagay po kayo. Gusto nyo po bang mag-avail ng couple ring?" what the?! Nahihibang na ata tong babaeng to na kita nga ang legs eh balot naman ng stockings. Yung totoo, mukha ba kaming magkarelasyon. Tsss. Sa ngalan ng benta, bumubula na bibig nya sa tamis ng mga salitang sinasabi nya. 

"Ah eh, hindi ko siya boyfriend.:)" magalang kong sagot kahit nakakaloka ang imahinasyon nya. 

"Ang galing noh? Sabi sayo bagay tayo eh ;)" bulong sakin ni Kevin. Eeeee. Kinikilabutan ako pag binubulungan nya ako. Nararamdaman ko yung init ng hinga nya. >.< 

"Oh? May sinabi ka? Natuwa ka naman. Tsss. Sinabi nya lang yun para makabenta." totoo naman.

"Kahit na. Cute pa rin tayo tignan. :)" assuming. -___-

Pumasok na kami sa supermarket, nagkahiwalay kami dun sa may entrance. Syempre, lalaking guard ang magche-check sa lalaki and vice versa. 

Pagkalampas namin sa may entrance, bigla na lang nyang hinawakan kamay ko na agad ko naman inalis sa pagkakahawak niya. 

"Uy! Problema mo?!" nakakainis. Nababaliw na ata 'to. Nakakainit na talaga ng ulo. 

"Sorry. Please don't be mad." he looks so serious while saying that.  

"Eh bakit ka ba kasi nanghahawak ng kamay?" nag-aaway kami habang naglalakad. 

"Eh kase nung nagkahiwalay tayo sa may entrance, narealize ko na ayokong malayo sa'yo, hindi ko kaya. Kaya dito ka lang sa tabi ko please." we stopped. Hinawakan na naman niya ang kamay ko. This time,  dalawang kamay niya yung hinawak niya sa kamay ko tapos tinapat sa mga labi niya. >.< 

"Pu-pwede ba? Wag mo na ulit hahawakan yung kamay ko? Di naman talaga kita iiwan noh. Tsss." di ako nakatingin sa kanya. Shocks! Parang ang init na naman ng mukha ko. Grrrr. >.< Bakit ba lagi nya na lang pinaparamdam sakin yung ganto? 

"Ta-talaga? Wag mo ko iiwan aa! :D" ngumiti na naman siya. Bumalik sa mukha nya ang sigla. Para siyang batang takot.. Ah! Alam ko na! HAHAHAHA. xD 

"Oo. Alam ko namang natatakot kang mawala! Hahahaha.>:P" onga pala. First time nya dito. Nagblush siya. Nadali ko ata si ego. x) 

Siya pinagdala ko ng basket. Pinagpilitan nya eh, hayaan na. Habang nasa fruits section kami ng supermarket. May naaninag akong tatlong pamilyar na tao. Lumingon yung isa at nakita ako. Di nga ako nagkakamali. Patay! Issue 'to! Lumapit sila saming dalawa. 

"OMG! What is the meaning of this sis? Why are you with my poging cutiepie? Hmmmm? Don't tell me may something?" yup. Wala ng iba kundi si Yhanny. As usual, parang may pupuntahan siyang party ngayon. Nakamake-up at pusturang-pustura. Ayos lang. Di naman siya OA tignan. Kasama niya sina Gette at Blyke. Napaaga ata sila. Hapon naman sila kadalasan pumupunta dito eh. 

"Mali mga iniisip nyo ah! Ano, uhm." rason, rason. Anak ng! Wala akong maisip. 

"Ano? Huli ka balbon! Dedeny pa 'te?" 'tong baklang 'to! Hahaha. Di ako balbon aa. xD

"Uhm, ako nagyaya sa kanya dito. Gette knows that. I asked her what Sam's address is." sinalo ako ni Kevin. Wew.

"Ah. Oo. Tama. Tinanong nya nga pala ako kagabi. Pasensya na Sam kung binigay ko ahh. Sobrang kulit kasi eh. Ayaw umalis sa tapat ng bahay namin." Gette calmly answered.

"Ayos lang yun Gette. Naiintindihan kita. Grabe talaga mambulabog 'tong pinsan mo." nginitian ko siya. Nililingkisan na pala ni Yhanny si Kevin habang nag-uusap kami. 

"How about me cutie pie? Don't you want to make punta to my house tonight?" yup. She's a flirt, but she's harmless. Biro lang nya yan. ;) 

"N-no thanks!" hahaha. Napatalon na lang sakin si Kevin. 

Sama-sama kaming namili. Ang saya. Kahit dapat nagpapahinga ako ngayon, ayos lang. Kasama ko naman sila. 

_ _ _ 

Pasensya na po kung lagi na lang late ang update. Tamad ang writer eh. x) 

READ, COMMENT, VOTE and FAN. Thanks. :* 

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon