Chapter 19

350 8 3
                                    

Samantha's POV 

Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sakin at kahit bagong gising ako, hindi ko magawang sungitan 'tong lalaking nasa harapan ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko. 

Tinamaan na nga ako ng pana ni KUPIDO. x"> Nakakahiya mang aminin, pero oo. Sigurado ako. Sigurado akong pag-ibig na nga 'to. 

Tinititigan ko siya habang kumakain. Hahaha. Nasarapan ata sa luto ko, humirit pa ng kanin e. :D 

"What are you looking at?" napatigil siya sa pagsubo. Nahiya ata ang mokong. 

"Nakakapagtaka lang." kunwari seryoso ako. Pa-mysterious effect. x) 

"Ang alin?" napapakunot na siya ng noo. Kahit kelan talaga, ang dali mong maniwala. 

"Kase, sa pinayat payat mong yan, ang takaw takaw mo! HAHA." wala lang. Trip ko lang pakabahin siya. Kase alam kong eepekto sa kanya. 

"Phew. Damn. Pinakaba mo naman ako Sam. Akala ko, naguguluhan ka na sa mga nangyayari at posibleng nararamdaman mo." sang lupalop naman nanggaling yang sagot na yan Kevin. Lalim ng iniisip mo. -____- 

"E paano kung mangyari nga yun?" pero dahil diyan, may naisip akong bagong trip. Aga-aga lakas ng tama ko. x) Ganto ba talaga kapag puso na ang naasintado? :"> 

"Syempre malulungkot ako." biglang naging seryoso mukha niya. "Kasi, baka mawala sakin yung babaeng nagbibigay kulay sa buhay ko." he was looking into my eyes. So serious, so sincere. Damn, I want to melt right now. 

I held his hand. "Wag kang mag-alala, hindi mangyayari yun." Tinabi ko yung mga plato, at bahagyang nilapit ang mukha ko sa lalaking nasa harapan ko. "Dahil siguradong sigurado na ako ngayon." *wink* COUNTER ATTACK! Hahahaha. 

Nagtitigan lang kami. Matagal. 

Ngayon ko lang narealize, sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya. 

I can feel his breath. 

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. 

Pero wala akong pakialam at hahayaan ko lang 'to. 

Dahil ngayon, wala ng dahilan para mag-alinlangan.

Wala ng dahilan para itago ang tunay na nararamdaman. 

Basta ang alam ko, kaming dalawa ay nagmamahalan. 

Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. 

Hahalikan niya ba ako? Gaaaaaaddd. x"> Mahihimatay na ata ako sa kilig! 

Pero di pwede. Di niya ako makikiss pag nahimatay ako. x) 

Eto naaaaa. Malapit naaaaa.. 

BLAG! 

May pumasok sa pintuan. -.- Shocks. Panira ng moment. -____________________- 

_ _ _ 

Missed me? Sorry for the super late update. 

Naging busy lang. :/ But I'll be active again. ;)

Read, Vote, Comment and Fan. Thanks~  

Teenage Heartbreak </3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon