PROLOGUE

6 1 0
                                    







"This is your destiny. This is who you truly are."


"Are you attempting to flee?"


"Your past? Who gives a damn about your past?!"






--

Deep within your past lies your true self, a secret waiting to be rediscovered.

•••

Isang masalimuot na umaga ang bumungad sa akin ng magising kinaumagahan. Napakalakas nang hangin at nag babadya ang malakas na ulan. Mabuti nalang at maaga akong nagising para kahit papaano ay hindi ako maabutan nang ulan.

May pasok kami ngayon at hindi pwedeng mag-absent. Finals kasi namin. Hindi ko naman inaakalang sasama ang panahon ngayon, kanina nga ay tinignan ko ang group chat namin nagbabakasakaling suspended ang klase, kaso tuloy parin daw.

"Suzanne, anak. Wag ka nalang kayang pumasok ngayon? nakakatakot nang lumabas ng bahay, ang lakas nang hangin at mukhang uulan malakas maya-maya lang!" Nag aalalang sabi ni Mama sa kabilang linya.

Tinawagan ko siya para ipaalam na papasok ako ngayon. Naka bukod kasi ako sa kanila, nakatira ako mag-isa sa isang maliit na apartment hindi gaanong malayo sa paaralang pinapasukan ko. Bukod sa malapit sa school ay nakakatipid din ako sa gastos galing sa byahe, malayo kasi ang bayan namin kaya naisipan kong mag renta nalang nang maliit na apartment.

"Bawal kasing mag absent Ma, exam namin ngayon." Sagot ko habang inaayos ang pagkakasintas nang sapatos. "Cge na Ma, ibababa ko na' to. Tawagan nalang kita mamaya pagkatapos nang exam, I love you."

Pagkalabas ko nang pintuan, sinalubong kaagad ako ng malakas na hangin. Mabuti nalang at tinali ko ang buhok ko at nagsuot narin ako ng jacket. Tiningala ko ang maitim na langit na para bang galit na galit ito sa mundo, alam kung maya-maya lang ay papakawalan na nito ang ulan na kanina niya pa pinipigilan.

Lakad-takbo na ang ginawa ko para mabilis makarating sa paaralan, mabuti nang hindi ako maabutan nang ulan habang naglalakad dahil paniguradong mababasa ako. Walang panlaban ang payong kung dala kong sakali, baka sirain lang ito nang hangin.

Saktong pagkapasok ko sa gate nang paaralan ay bumuhos ang malakas na ulan. Nagsitakbuhan ang mga kapwa ko studyante papasok sa kanya-kanyang silid para umiwas sa malamig na simoy nang hangin at sa talsik nang ulan, kasama na ako sa mga yun.

Marami-rami na din ang mga ka-klase ko na nandito, kasama na dun ang dalawa kong matatalik na kaibigan. Pagkaupo ko ay kaagad silang nagsilapitan. Pansin ko pang namamaga ang mata ni Ryl at mukhang kulang sa tulog. Magkakaibigan na kami simula Junior High kaya close na close kami sa isa't isa.

"Hayy! Akala ko talaga walang pasok ngayon, hindi tuloy ako nakapagligo." Reklamo niya.

"Girl, hindi lang ikaw ang hindi nakapagligo. Ako din, ang ginaw kasi ng tubig nong sinubukan kong mag shower." Sagot naman ni Bea sa kanya.

"Ang taray ah, may shower. Samantalang tabo lang ang sa amin." Pag bibiro naman ni Ryl. Sa totoo lang, masaya akong pumasok sa school araw-araw dahil sa dalawang' to.

Napailing-iling nalang ako habang nakangiti dahil patuloy parin sila sa pag re-reklamo.

Grade 12, HUMSS A. Yan ang year at section namin. Nakaka stress ang dami nang research na gagawin namin bago matapos ang last semester kaya habang may panahon pa, ginagawa namin ang lahat para matapos na ang mga iyon. At ito nanga, exam na. Ang huling kalbaryo sa aming buhay. Balak kong umuwi sa amin pagkatapos. Ayokong magkaron nang bagsak dahil ang hirap magkaroon ng summer class, gusto kong makapag pahinga para may sapat akong lakas pagka college.

Hindi nag tagal ay dumating na ang iba pa naming mga ka-klase. Nag review lang ako habang ang iba ay nag uusap tungkol sa kung ano-ano. At dahil nasa malapit lang sa akin iyong dalawa kung kaibigan, hindi ko mapigilang hindi marinig ang pinag-uusapan nila.

"Balita ko' nga may bago na namang na bektima. Sa kabilang school lang daw."

"Narinig ko din, parehong may gilit raw sa leeg at may dalawang maliliit na butas sa may collarbone nito. Giirrll, nakakatakot."

"Pang walo na yon sa kremin na nangyari sa school nayun, kaya naisipan nilang ipasara nalang para narin sa kaligtasan ng mga studyante."

"Ang sabi-sabi, may sumpa raw ang school nayun. Sana naman dito walang ganon, ayoko pang mamatay noh!"

"Baliw, hindi totoo ang mga sumpa-sumpa!"

Naputol lang ang usapan nila nang dumating na ang adviser namin. Dala-dala nito ang makakapal na test paper.

Aaminin kung ginanahan ako sa umpisa nang exam. Pero kalaunan ay pakiramdam ko eh unti-unting natutuyot ang mga braincells ko sa utak. Aabot ng 6 pages ang exam namin at mas marami ang essay kesa sa multiple choice, may spell in the blank pa.

Kaya nong lunch break, halos matuyot ang mga utak namin at parang naubosan kami ng dugo sa katawan. Idagdag pang mas lumakas pa ang ulan sa labas kaya hindi kami makapunta sa canteen, dadaanan pa kasi namin ang malapad na field bago makarating don. Alangan namang sumuong kami sa malakas na ulan, deba?

"Girl! Hindi ko na talaga kaya! sumasakit na ang tiyan ko sa subrang gutom. Pahiram nalang ako ng payong. May ipapabili ka' ba? Ikaw Bea?"

At dahil hindi na matiis ni Ryl ang gutom, hiniram niya ang payong ko para pumuntang canteen. Nagpabili nalang din ako ng mineral water at isang sandwich sa kanya, ganon din si Bea. Habang hinihintay naming bumalik si Ryl, pumasok sa isip ko ang pinag-usapan nila kanina.

Hinanap ko si Bea para sana mag tanong kaso mukhang nag CR. Kinuha ko nalang ang cellphone ko para e text si Mama. Pagkatapos kong ma send ang message ko may bigla nalang unknown number ang nag text sa akin. Nong tignan ko ay tanging, 'Hi' lang ang nakalagay.

Nagtaka ako dahil unregistered ang number niya sa cellphone ko, at isa pa. Hindi ko basta-bastang binibigay ang number ko sa ibang tao, sinasabihan ko panga yong mga taong may number ko na wag nilang ipamigay sa iba kapag may humingi.

Hindi ko nalang ito pinansin at dinelete nalang. Kaso nag text na naman ito.

From: 0908+

Ang ganda mo talagang kahit saang anggulo tignan >.<

Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa buong katawan nang mabasa ko ang text niya. Kahit kailan walang nag tetext sa akin nang ganito. Kahit mga kaibigan ko. Meron naman kasing messenger, kaya bihira lang din silang mag text sa akin. Kapag urgent or emergency lang. Hindi din naman ata nila ako pinag t-tripan, hindi naman nila gawain iyon.

Na curious ako sa kung sino ang taong to pero may bahagi sa akin ang natatakot. Pinatay ko nalang ang cellphone ko para hindi ko na mapansin ang mga text niya, mabuti nalang at dumating na si Ryl kaya kahit papaano nawala sa isip ko ang text message nayun.

~~~




THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, BUSINESS, PLACES, EVENTS, LOCALES, AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS Of THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USE IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL.




A/N: Hello, this is Kim. First I just wanted to say thank you and I'm sorry. Thank you kasi naisipan mong basahin ang story na' to, and I'm sorry kung may mga part nang story na hindi mo nagustuhan (in advance), sa mga wrong grammars at spellings. Iyon lang! Enjoy!

(There are some errors you guys might encounter. My phone was kinda crazy rn that's why I can't edit it. But surely once I transfer my acc to my laptop I'll edit this Asap. Thank you for understanding. Love you🫶🏻)

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon