THIRTEEN

1 1 0
                                    





"What happened between the two of you?"


"Nothing po, Tita."


Kasalukuyan kaming kumakain nang dinner ngayon. Halos matunaw na ako dito dahil sa hiya na nararamdaman. Lalo na at katapat ko lang si Leam na kanina pa tumitingin sa akin. Ako naman ay naka tungo lang dahil iniiwasan ko na mag tagpo ang tingin naming dalawa.


Kanina nong bumaba ako ay tinawag ako ni Tita dahil kakain naraw kami. Hindi sana ako papayag dahil kailangan ko ng unuwi para mag review dahil may long quiz kami bukas pero ng makita kung nakasunod si Leam sa akin ay patakbo akong lumapit sa kay Tita na nag hahanda sa hapag. Takang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Leam.

Nong tignan ko ang lalaki ay walang emosyun itong nakatingin sa akin. Iyong dati niyang hitsura noon. Galit ba siya sa ginawa ko? Masyado ba akong naging aggressive? O_o



Dapat sa tabi ako ni Leam umupo, pinaghila niya pa ako nang upuan pero mabilis kung hinila ang upuan sa tabi ni Yuno at dun umupo. Mas lalong dumilim ang mukha niya dahil sa ginawa ko kaya ngayon ay hinihiling ko na sana ay lamunin ako nang lupa para tumakas sa kanya.


"Nag away ba kayong dalawa?" Tanong naman ni Tito. Nagtaas ako ng tingin at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ni Yuno.



"We just had a little talk, Dad. I think I said something that makes her uncomfortable." Rinig kung sabi ni Leam. Napalunok ako, parang bumabara sa lalamunan ko ang kinakain.


"Haha! That's normal. Me and your mother had a little arguments back then." Inabot ko ang tubig dahil pakiramdam ko mabibilaukan ako ano mang oras. "Boys? Do you want me to tell you any tips? Just tell me."



"And what tips is that?" Nagkatitigan si Tita Georgia at Tito at ilang saglit lang ay sabay silang nagtawanan.


Gosh, hindi ko na alam ano ang gagawin. Gusto kung umalis dahil subrang naiilang ako. Tumayo ako kaya napatigil sila Tita sa pag tawa.

"Uh, c-cr lang po muna ako." Mabilis akong naglakad papunta sa banyo at ikinulong ang sarili dun.


Hindi ko kayang makisalamuha sa kanila, pakiramdam ko para akong isang ligaw na pusa na napunta sa bahay nang mga lion. How come my life became like this? Bakit? All I want is a simple life. Lord? Para po ba talaga sa akin ito?



Ilang minuto din akong nanatili doon hanggang sa nagsawa na ako. In fairness ah, ang bango nang banyo nila at ang linis. Tinignan ko muna ang refleksyun ko  sa salamin.


Maganda ba ako? Karapat dapat ba ang mukhang to na magustuhan ng isang Leam? Mahinang hinampas ko ang ulo dahil sa naisip. Malala na ako. Kung ano-ano nalang pumapasok sa utak ko.


Pagkabukas na pagkabukas ko nang pintuan ay may humila sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Tinitigan ko ang likod nang tao na humila sa akin. Ipagdasal nyo sana ako.



Dinala niya ako sa likod nang bahay. Ngayon ko lang napansin na marami palang rosas na nakatanim dito. Katulad sa mansion nila sa probinsya. Hindi ko kasi napansin nong nasa kwarto niya ako kanina. Maliwanag naman dito dahil may mga ilaw. Meron ding maliit na fountain. Meron ding swings at mga bench na pwedeng maupoan.


Binitiwan niya ako at hinarap. Hinawakan sa magkabilang balikat at pinaupo sa isang swing. Hindi ako pumalag. Malamang, gusto ko pang makaalis dito ng buhay noh. Binitiwan niya ako at namiwang siya sa harapan ko.



Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon