SIX

2 1 0
                                    

"It's me, Karlo Bernaldez. It's nice to meet you in person, Suzanne."

"K-karlo?"



Nabitiwan ko ang baso na hawak ngunit hindi ko alam kung papaano niya nasalo iyon. Nilagay niya ito sa mesa malapit sa amin.

Hindi ko alam anong gagawin. Wala akong ibang kilala na karlo ang pangalan, maliban sa nag-iisang karlo na panay ang text sa aking ng kung ano-ano. Ilang beses na ata akong nag-iba ng number pero hindi ko alam kung bakit nakaka text padin siya, paiba-iba din ang number niya.

Umayos ito ng tayo at nilibot ang paningin sa bahay. Huling dumapo ang mata niya sa akin.

"Please don't be scared, I won't hurt you." Sabi niya bago lumayo ng ilang pulgada mula sa akin at naka taas ang dalawang kamay na parang susuko.

"B-Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Paano mo nalaman ang bahay namin?" Kahit gaano ko man pigilan ang panginginig sa takot ay hindi ko magawa. Natatakot ako sa mga pweding mangyari lalo na't nandito ang mga kapatid ko, baka pati sila ay mapahamak.

"Just, visiting you. Sabi ko naman sayo noon na pupuntahan kita, remember?" Nilagay nya sa bulsa ng pantalon ang mga kamay.

Humugot ako ng lakas para harapin siya at ng magkalinawan na kami dito. Baka kasi may kamukha lang ako at napagkamalan niya lang. Aaminin ko, hindi siya mukhang masamang tao. Pero sabi nga nila, looks can be deceiving.

"Sino ka' ba talaga? Bakit mo ba ginagawa to?" Nanigas ako sa kinatatayuan ng derikta niya akong tignan sa mata. Hindi ako makagalaw, gusto kung umiwas ng tingin ngunit hindi ko magawa.

"I need you for my plans and for myself. Rhea." Seryuso niyang sabi. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla nalang akong nahilo, kasabay non ang isang alaala ang nag balik sa akin.

Napaluhod ako sa sahig dahil sa panlalambot. Nakahawak ang kanan kong kamay sa bandang dibdib habang nakahawak naman sa pader ang isa, para akong nauubosan ng hangin at pinagpawisan din ako ng subra. Habol ko ang hininga habang pilit tumatayo para pumuntang kusina.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Wala naman akong sakit, bakit ang nagkakaganito ang dibdib ko?

Tuluyan na akong napadapa sa sahig, nanlalabo na ang paningin ko dahil sa hilo at luha. Naiiyak ako sa subrang sakit ng dibdib ko.

"T-Tulong... Tulong!" Mahina kung sigaw. Wala na akong lakas pa para sumigaw ng malakas para humingi ng tulong.

"Rhea."

Kahit hinang-hina ay pinilit kung itaas ang ulo para tignan kung sino ang nagsalita. May tao bang nakarinig sa sigaw ko?

"T-tulong." Halos bulong kong sabi.

Napahawak ako sa ulo at napapikit.

"Rhea anak? Halika." Lumapit ako sa isang babae na hindi ko kilala at niyakap siya.

"Mama."

Hindi ko na alam ang mga nangyari. Basta naramdaman ko nalang ang pagtama ng noo ko sa matigas na bagay kasunod nito ang pag dilim ng paligid.

Nagising ako na mahapdi ang noo at nakahiga sa kama ko. Dahan-dahan akong umupo at hinawakan ang noo. Nakita ko ang replekysun ko sa salamin at nakitang may bandage na nakalagay sa noo ko at namumutla din ang mukha ko.

Anong nangyari? Sa pagkakaalam ko ay bumaba ako kanina, tapos sinabi ni Gian na may bisita ako. Pagkatapos, hindi ko na matandaan ang nangyari. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mama, kaagad itong lumapit sa akin na puno ng pag-aalala.

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon