EIGHT

2 1 0
                                    

"Mabuti at ayos kalang."


Narinig ko ang iyak ni Ryl at Bea kaya kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin. Tumingin ako sa dalawa bago ibinalik ang paningin sa taong nasa harapan ko.

"S-Sino ka?" Hindi ko alam kung bakit pamilyar siya kahit alam ko namang hindi ko pa siya nakita. At kung bakit ayos lang sa akin na yakapin niya ako. Ano bang nangyayari sa akin?

"N-Napadaan lang ako, tapos nakita ko ang mga nangyari kaya naisipan kung tumulong." Sabi niya. Pero mukhang hindi naman iyon totoo. At hindi din naman ako naniniwala.

"S-Salamat." Ang tanging nasabi ko. Gusto ko sanang mag tanong pero pinigilan ko ang sarili. Tumalikod ako at nilapitan sila Bea.


Nang araw nayun napuno ako ng pagtataka. Hindi ko matanggap ang sinabi ng lalaking iyon, may parte sa pagkatao ko ang nagsasabing kilala ko siya. Pero alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang mukha niya, hindi ako mabilis makalimot, alam ko kung nakita ko na siya noon o hindi. Kaya nagtataka ako kung bakit ganito ang pakiramdam ko. At isa pa, kung papaano niya ako tignan at ang kilos niya ay parang kilala niya ako.

Nagugulahan ako sa mga nangyari. Sino ang lalaking iyon? Naisip ko bigla si Bea, ano ba ang pinasukan niya at bakit may ganong nangyari kanina? Sino iyong 'Boss' na binanggit nong Dave? Si Darrel kaya?

Hindi ko na alam! Ang dami ng nangyayari sa buhay ko. Gusto ko munang magpahinga kakaisip. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng apartment, gusto kung bumili nang Ice cream para kumalma ako at makapag-isip nang maayos.

Umupo ako sa labas ng store sa binilhan ko ng ice cream at tulalang tumitig sa kawalan. Bumuntong hininga ako at pumikit, pagdilat ko ay saktong napatingin ako sa dumaang lalaki. Sino yun?

"Yuno?" Wala sa sariling nasabi ko. Napatakip pa ako sa sariling bibig. Huminto ito sa paglalakad at napalingon kaya na kumpirma ko na si Yuno nga.

"Oh, Suzzane." Bumalik siya at umupo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at napatingin sa hawak niya. Ice cream, at pareho kami nang flavour. Cookies and cream.

"Business." Kumain na' din siya at hindi na nagsalita pa. Ang tipid sumagot.

"So, uh. Mahilig ka' din pala sa ice cream?" Tumango siya. "Kamusta si Sofie?"

"Good." Napa 'uh' ako sa sagot niya. Iyon lang? Wala ng kadugtong? Halatang ayaw niyang makipag usap.

"Alam mo? ang saya mong kausap." Irita kung sabi. Nakakainis siya, sila nong kapatid niya! Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na hindi niya pala sout ang specs niya.


"What? May dumi ba ako sa mukha?" Sabi niya pero hindi ko ito pinansin. Kung hindi lang siya masungit siguro magugustuhan ko siya. Pero malabo iyan kasi ayukong makaaway si Sofie. Iwan ko din sa babaeng iyon bakit wala siyang ginagawa para magpapansin sa lalaking ito. Samantalang ang dami niyang ganap para kuno mapansin ako nong dalawa.

Ni hindi ko siya gets bakit pinagtutulakan niya ako kay Yuno minsan. Halatang-halata ko naman na may gusto siya sa kababata niya.

Napapailing akong nagpatuloy sa pagkain. Ilang segundo lang ay napansin ko na hindi gumagalaw ang nasa harap ko. Nagtaas ako nang tingin at nakitang kanina pa pala siya seryusong nakatingin sa akin. Bakit?


"Ano?" Nahihiya ako at natatakot sa kanya dati. Pero ngayon iwan ko ba at nagkaroon ako nang lakas para kausapin siya. "Masyado ba akong maganda para matulala ka diyan?" Biro ko habang nakangisi. Ni hindi ko alam bakit bigla nalang lumabas sa bibig ko iyon.


Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon