NINE

3 1 0
                                    





"Ayos kalang? Kanina kapa tulala ah?"


"Pansin ko din, may problema bah?



Tanong ni Ryl at Bea. Nandito kami ngayon sa Canteen habang kumakain. Napalingon ako sa kaliwa nang maramdaman ang pagtitig nang kung sino. Tinaasan ako nang kilay nong babaeng kaaway ni Bea kanina. Sa pagkakaalam ko ay pinatawag sila sa Guidance at sinabihang e suspend sila nang one week. Pero nagmakaawa ang bruha kaya binawalan nalang silang lumapit kay Bea.


"Oi." Sinundot ni Ryl ang tagiliran ko kaya napaigtag ako.


"Bakit?" Takang tanong ko.


"Anong 'Bakit?'?" Pang gagaya niya sa tuno nang pagkakasabi ko non. "Kinakausap ka namin. Okay kalang ba? Simula kanina parang wala ka sa sarili mo ih."

Talagang mawawala ako sa sarili ko nito. Akala ko pa naman ay makakatakas ako sa kanila. Pero bakit ba naman dito susundan parin ako?

Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis. Ano ba namang buhay to, minamalas ka nga naman. Hayst.

"Wala to, wag nyo nalang akong pansinin." Walang buhay kung sabi. Nakatakip padin ang mga palad sa mukha.


Tinanggal ni Ryl ang kamay ko na nakatakip sa mukha at hinawakan ang magkabilang pisngi. Pinihit niya ako paharap sa kanya. Nahagip pa nang tingin ko si Bea, umiling ito. Siguro inaakala niya na sasabihin ko kang Ryl ang tungkol sa pinagdadaanan niya.


"Sino ba kami sa inaakala mo? Kaibigan mo kami hoy, ano bang silbi nang kaibigan? Kami lang naman ang taong mapagsasabihan mo nang mga problema mo, matatakbuhan mo kapag kailangan mo nang tulong." Tinapik niya ang kaliwa kung pisngi nang mahina. "This is not you, dati nagsasabi ka naman nang mga problema mo ah?"


Napanguso ako. Wala talaga akong plano na sabihin sa kanila ang tungkol sa kasal. Nahihiya ako na iwan, hindi ko na alam. Siguro nga dapat ko nang sabihin sa kanila nang sa gayun ay marinig ko ang mga sasabihin nila, bakasakaling malinawan ako. Wag lang sana nila akong pagalitan sa pag tanggap ko sa kasal dahil ako man mismo ay gusto ding pagalitan ang sarili sa ginawa.


"O.M.G!!!" Malakas na tili ni Ryl kaya napatingin sa amin ang mga nandito sa canteen. Napatayo pa siya habang nakatakip sa bibig ang kamay.


Si Bea naman ay tulala lang sa akin. Nag-aalala tuloy ako sa kanya. Kanina padin siya tahimik, madalas lang kung magsalita. Alam kung mas malala pa ang dinaranas niya ngayon kesa sa akin, kinasal na sila ni Darrel nang sekrito, samantalang ako ay pwede ko pang pigilan habang hindi pa ako kasal.

Hinila ko si Ryl pababa dahil nakakahiya ang ginawa niya. Mahina ko pang kinurot ang braso niya dahil kakasabi ko lang sa kanya na huwag siyang magulat at huwag mag ingay.


"Girl! Seryuso ba?! I can't beleive it." Mahina niyang sabi sa huling kataga. "Ang swerti mo naman!" Dagdag niya pang sabi.


"Anong swerting pinagsasabi mo?" Kunot noong sabi ni Bea dahilan para mapatingin kaming dalawa sa kanya. "Force merriage is never a 'swerti'. It's a fvcking bullshit!" Nagulat kami nang malakas niyang hinampas ang lamisa at umalis.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ryl bago mabilis na sinundan si Bea. Pero bigo kaming makita siya. Nagpalibot-libot na kami sa boung paaralan pero walang Bea.

Nag-aalala na ako nang husto. Hindi ako mapanatag kahit panay ang pagsabi sa amin nong Guard na magiging okay lang ang lahat at mahahanap lang namin siya. Nandito kami para tanungin siya kung nakita niya bang lumabas si Bea pero ang sabi niya ay hindi raw. Sarado ang gate kaya walang makakalabas nang ganitong oras.

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon