FIVE

5 1 0
                                    

"Nandito na tayo."

Nauna akong lumabas ng sasakyan kasunod si Sofie. Dahil masyado akong nag focus sa mga sinabi niya, hindi ko na napansin kung saan kami pumunta.

"Paboritong lugar ng magkakapatid." Sabi niya mula sa likuran. Nilingon ko siya at ngumiti naman ito ng matamis. "Dito mo sila matatagpuan kapag wala sila sa bahay, o kung hindi naman kaya ay kapag madami silang problema."

Sa harapan namin ay isang malawak na ilog. Napapalibutan ito ng matataas na puno ng kahoy. Dito sa kinatatayuan namin ay puro malilit na bato at sa unahan ay mga malalaking bato na. Hindi maganda ang panahon ngayon at medgo makulimlim, isabay mo pa ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig, ngunit natigilan ng may mag lagay sa akin ng jacket. Nilingon ko kung sino ito at si Sofie ang tumambad sa akin.

Bakit pakiramdam ko sa likod nang mala angel niyang mukha ay nagtatago ang isang Sofie na puno nang lungkot at pighati? Bakit parang nakikita ko sa kanya iyon sa tuwing napapatingin ako sa kanya. She's hiding something.

"Plano ko pa naman na mag picnic tayo, kaso mukhang uulan panga." Nakanguso niyang sabi. Tama nga siya, mukhang may paparating na malakas na ulan.

Inaya na niya akong bumalik sa sasakyan dahil baka ma abutan raw kami ng ulan. Sumunod naman ako sa kanya ng walang imik. Iwan, hindi ko alam anong sasabihin. Naninibago lang siguro ako dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Hindi panga nag sisink-in sa utak ko ang isiping ikakasal ako bago ako mag college.

Ang akala ko ay uuwi na kami sa amin, ngunit napansin ko na sa bahay kami nila Tita Georgia papunta. Bumukas ang malaking gate sa harap namin, kasabay nito ang pag buhos ng malakas na ulan. Sinalubong kami ng isang katulong na may dalang payong at inalalayan kami papasok. Meron naman pala silag mga katulong, bakit wala akong nakita kahapon?

Ang dilim, parang walang kuryenti sa loob ng mansion. Subrang tahimik din na parang walang tao ang nakatira.

"Manang? Nasaan po si Mommy?" Si Sofie. Mommy? Nandito ang nanay niya?

"Umalis po si Ma'am Georgia kasama si Sir Harold, Ma'am Sofie." Sagot naman nito.

Huh? Mommy ang tawag niya sa kang Tita Georgia? Sabagay, siya narin nag sabi na sabay silang lumaki ni Yuno kaya siguradong inalagaan din siya ni Tita Georgia noon. Si Tita Georgia siguro ang  tinutukoy niya kanina sa bahay, akala ko naman nanay niya talaga. Napatingin kami sa hagdanan ng marinig namin ang yapak ng kung sino mang naglalakad pababa. Dahil nga madilim ay hindi ko masyadong maaninag kung sino iyon. Mabibigat ang yapak nito na parang malaking tao ang naglalakad.


"Sofie, bakit ang dilim?" Tanong ko.

"Oo nga, bakit ang dilim?" Balik niya namang tanong. Malay ko, tinatanong nga kita eh. Sagot ko sana sa kanya kaso tumambad sa harap namin ang isang higanti.

"Sofie, why are you here?" Bungad nito sa amin. Hindi man lang ito tumingin sa akin, siguro hindi niya ako nakita dahil sa liit kung' to.

"Kasi gusto ko." Sagot naman nong isa. Kahit madilim, kita ko kung papaano sila nagbatuhan ng matutulis na tinging sa isa't-isa.

Akala ko ba close na close sila dahil sabay silang lumaki? Bakit parang magkaaway sila ngayon? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, siguro umabot ng 30 seconds bago umiwas ng tingin si Yuno. Nakita ko namang napangisi si Sofie dahil dun. Okay, I smell something fishy here.

Tumingin siya sa akin sabay sabing 'weak', at tumawa. Awkward naman akong ngumit. Napatingin ako sa lalaki at nawala ang ngiti ko ng makitang nakatingin ito sa akin. Katakot, para akong lalamunin ng bou sa mga tingin niya.

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon