ELEVEN

2 1 0
                                    




"Mababaliw na ata ako."


"Baliw ka naman talaga, dati pa."



Hinampas ko sa braso si Ryl dahilan para matawa siya. Nandito kami sa field nakaupo sa isang bench. Inaya ko siyang magpahangin dito dahil wala iyong prof namin. Nababagot ako sa loob nang clasroom. Magkaharap kaming dalawa habang sumisipsip nang juice.


"Alam mo bang, kalat na sa boung school na nililigawan ka raw ni Leam?" Kumunot ang noo ko. Kaya pala kapag naglalakad ako papasok nang school ay tinitignan ako nang mga estudyanti. Tapos may mga naririnig din akong bulong-bulongan. Kasi naman pala may chismis na kumakalat nang hindi ko alam.


Napasabunot nalang ako sa sariling buhok. Pagod na akong mag-isip sa mga problema ko, bahala na sila kung anong iisipin nila. Wala na akong pakealam.

"Speaking of, look whos here." Nagtaas ako nang tingin sa kanya at nakitang nakatingin siya sa likuran ko kaya nilingon ko rin iyon.


As usuall, naka taas noong naglalakad ito habang nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa nang kanyang slacks. Napapatingin sa kanya iyong mga studyanti na nakakasalubong niya. Sino bang hindi?

Matangkad, maputi, matipuno ang pangangatawan at gwapo. Maitim ang buhok niya na sakto lang ang haba, bagay na bagay sa mukha niya. Perfect na kung iisipin. Papaanong hindi ako maaakit sa ganyang klase na tao?


Narinig ko ang tawa niya, saka ko lang napansin na nasa harap ko na pala siya. Yumuko siya para magkatapat ang aming mukha.


"Na aaatract ka naba sa akin?" Napakurap ako nang dalawang beses. Sht, ito nanga ba ang sinasabi ko.

Hindi ko alam kung kailan titigil ang malakas na pagpintig nang puso ko simula nong sabihin niya sa akin na gusto niya ako. Hindi padin ako makapaniwala hanggang ngayon. I mean, duh? Out of nowhere sasabihin niya bigla sa akin iyon? After all the things and 'pakipot' na ginawa niya. Saksi si Sofie sa lahat nang iyon. Gusto kung umirap dahil sa mga naisip.



"Ahem! Baka nakakalimutan nyo na andito ako." Napalayo ako sa kang Leam at ibinalik ang tingin kay Ryl na halos umabot na sa tenga ang ngisi. "Asan na ba kasi yung boyfriend ko? Nang sa ganon hindi ako magmukhang lonely." Sinamaan ko siya nang tingin dahil halatang inaasar niya ako. Kanina pa siya niyan.


Halos magmakaawa ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at niligpit ang mga gamit niya. Hinawakan ko siya sa braso pero tinabig niya lang ako. Nakangiti padin ito sa akin nang nakakaluko. "Maiwan ko muna kayo ah? Pupuntahan ko lang BF ko." Hindi man lang niya ako hinintay na magsalita at kaagad siyang tumalikod.


Napalunok ako habang parang toud na nakaupo. Naglakad si Leam papunta sa harap ko at umupo. Sinulyapan niya ako nang tingin habang nakasilay sa labi niya ang isang ngiti. "Why so tense? Wala naman akong gagawing masama." He chuckled.


Umayos ako nang upo, hindi paharap sa kanya. Humalukipkip ako at hindi nagsalita. Sa totoo lang gusto ko na talagang tumayo at iwan siya dito, pero hindi ko magawa. May parte sa akin na gustong manatili, kaya naiinis ako.


"Bakit ka' ba nandito?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. Umisog din ako sa kabilang dulo kaya halos isang depa ang layo naming dalawa.


"Para mag aral?" Napaismid ako sa hangin dahil sa sagot niya. Aral my ass!


"Ilang taon ka na' ba?" Hindi ko kasi alam kung ilang taon na siya. Hindi din nabanggit sa akin ni Sofie iyon, at hindi ko din natanong sa kanya dati. Mamaya baka nas matanda pa ako sa kanya o baka malayo pala gap namin sa isa't isa. Eh bakit ba inaalala ko iyan?


Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon