TWO

4 1 0
                                    

"Samahan mo' ko, anak."

Aya sa akin ni Mama kinabukasan. Pupunta raw kami sa bayan para bisitahin ang kaibigan niya roon, gusto niya rin akong isama para ipakilala sa kanya.

Habang nasa byahe hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko, subrang ganda na ng probinsya namin. May mga nakikita akong malalaking bahay sa hindi kalauyan na sa tingin ko ay mga mansion iyon. Nagtataasang puno ng mga kahoy at malamig na simoy ng hangin, parang iyong mga nakikita ko sa telebisyon lang.

Pagkarating namin sa bayan, marami-rami na ang mga tao at mga sasakyan kahit maaga palang. May mga nakikita din akong pasyalan.

Lumiko ang sasakyan namin papunta sa isang malaking bahay, medyo malayo ito sa mga kabahayan at maluwag din ang ispasyo sa paligid nito. Wala masyadong tao ang pumupunta sa lugar na ito kaya tahimik.

"Balikan ko nalang kayo mamaya. Ingat kayo." Paalam ni Papa.

"Ikaw din, mag-iingat ka."

Tiningala ko ang mataas na gate nito pero lumagpas ang paningin ko sa ikalawang palabag nang bahay ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa balconahi.

Nawala sa kanya ang atinsyun ko ng hawakan ni Mama ang braso ko. Saka ko lang napansin na bukas na pala ang gate sa harap namin at may isang matangkad na babae ang nakatayo doon. Nakangiti ito sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala at ngayon niya lang ako ulit nakita.

"Ito na' ba ang babae mong anak?" Tanong nito sa kang Mama.

"Oo, si Suzanne nga pala, mare. Anak, siya ang matalik kong kaibigan. Si Georgia." Sabi ni Mama.

Ngumiti ako at lumapit para mag mano kay Tita Georgia. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para bang nakita ko na siya dati? Pero alam ko namang ito palang ang unang beses na pagkikita namin.

"Kay bait naman ng anak mong ito, At ang ganda pa! Ikaw na talaga, kumare." Tumawa nalang ako ng pilit para mawala ang ilang.

Inaya niya kaming pumasok sa malaki niyang bahay, o mas magandang sabihin na mansion. Dumaan kami sa malawak niyang harden, puro rosas na kulay pula ang nakatanim dito. Mahilig siguro sa rosas si Tita kaya puro rosas ang nandito.

"Mahilig kasi sa rosas ang pamilya namin kaya halos rosas na bulaklak ang makikita mo dito." Biglang sabi ni Tita Georgia sa akin. Nagulat panga ako, ngumiti nalang ako nang pilit bago umiwas ng tingin. Iwan, naiilang talaga ako sa kanya.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, pansin ko na kaagad ang mga antique na gamit, may mga flower vase na rosas padin ang nakalagay. Wala namang masyadong kakaiba sa loob maliban sa wala akong nakikitang ibang tao maliban kai Tita. Wala man' lang ba silang katulong?

Dinala kami ni Tita Georgia sa ikalawang palapag nang mansion kung saan may malaking balconahi na makikita mo ang lupain nila sa likuran nang bahay. May mga malulumang upoan at mesa ang nakalagay doon na gawa sa kahoy.

Nag-uusap sila ni Mama tungkol sa sakit na kumakalat sa bayan, habang ako naman ay pinagmamasdan ang malawak nilang lupain. Sa likod ng bahay nila ay may malawak na kakahuyan, pagkatapos ay ang malawak na lawa. May parte din na may tanim ng iba't ibang uri ng prutas.

Ang yaman pala nila Tita Georgia. Subrang lawak ng lupain nila at mamahalin din ang mga gamit nila sa bahay. Bukod sa mahilig sila sa rosas ay mahilig din sila sa malulumang bagay. Iilan nalang kasi ang mga taong mahihilig sa malulumang kagamitan.

"Hija? Pwede mo bang puntahan ang anak kong si Leam sa kwarto niya? Sabihin mo na pinapapunta ko siya dito." Nagulat ako ng utusan ako ni Tita Georgia. Hindi sa ayokong sundin ang utos niya, pero hindi ko alam kung saan ang kwartong sinasabi niya. At isa pa, hindi ko kilala yung anak niya.

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon