ONE

5 1 0
                                    

"Ang init."

"Kanina subrang lakas ng ulan tapos ngayon naman subrang init."

Reklamo nong dalawa kong kasama, kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa tabing daan papunta sa malapit na mall. Bibili raw kasi itong si Ryl nang libro at takot na takot maubusan. Wala naman akong bibilhin pero napilitan lang nong hilahin ako nitong dalawa. Kakatapos lang nang exam namin ngayong hapon, gusto ko sanang umuwi ng maaga para ma simulan ko na ang pag impake nang gamit, Two months din kasi ako dun mamamalagi. Maaga kasi kaming natapos kaya may oras pa para gumala.

Pagkarating namin sa mall inaya muna kami ni Bea na mag ice cream, pantangal narin daw sa init. Hindi naman ako umangal pa at sumunod lang sa kanila.

Kanya-kanya kaming pila para bumili, nang matapos ako na ang unang nakahanap nang mesa. Iyong malapit sa glass wall ang pinili ko dahil gusto kung pinapanoud ang mga taong naglalakad sa labas. Tahimik lang ako habang iyong dalawa ay may pinag-uusapan, tungkol sa isang libro na hango raw sa totoong buhay.

Wala naman akong plano na sumali sa usapan nila dahil hindi ako mahilig sa mga libro, tamad akong mag basa. Naisipan ko nalang na kunin ang cellphone ko at mag laro nalang ng kung ano-anong games.

Kaagad akong binaha nang message na halos hindi na tumigil kaka tunog at vibrate ang cellphone ko, napatingin tuloy si Ryl at Bea sa akin dahil sunod-sunod ang tunog nitong cellphone ko. Mabilis kong hininaan ang volume nito bago pinatay ulit.

Pinanliitan ako nang mata ni Ryl na para bang may ginawa akong kasalanan. "May ka text-mate ka noh? Sino yan ah?"

"Wala, nasira na ata tong cellphone ko. Luma na' din kasi." Pagsisinungaling ko pa. Hindi naman kasi big deal sa akin tong nag t-text sa akin, baka may nang t-trip lang. Mamaya pag-uwi e-b-block ko na' din tong number na' to.

Mabuti nalang at hindi na ulit nag tanong si Ryl, bagamat bakas sa mukha niya na hindi siya kumbensido sa sinabi ko. Bumalik na sila sa pag-uusap kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Kaya nong makauwi na ako nang bahay kaagad kong binuksan ang cellphone ko, pero pinatay ko lang din ulit. Naisipan ko na mamaya nalang at marami pa pala akong gagawin.

Kakatapos ko palang maligo at nagpapatuyo na nang buhok. Nakalapag sa kama ko ang cellphone ko at para akong iwan na titig na titig dito. Bigla nalang itong umilaw dahil may message na naman akong natanggap galing sa unknown number nayun.

Hindi na ako nakapagpigil pa at mabilis itong dinampot. Binuksan ko ang mga message niya na ikinagulat ko.

From: 0908+

Nakita kita kanina sa may mall, kasama mo ang mga kaibigan mo. Ang ganda mo talaga!

Iyon ang kakapasok palang na message niya. Nangilabot ang buo kung katawan at ramdam ko ang panlalamig nang aking mga kamay. Tinignan ko pa iyong mga message niya na hindi ko nabasa kanina, napatakip nalang ako sa aking bibig at binalot nang takot ang buo kung systema.

From: 0908+

Hindi ko gusto yang uniform nyo, naiiklian ako sa palda! Ayokong tinitignan nang ibang lalaki ang binti mo!

From: 0908+

May nahuli akong lalaki na sinusundan ka. -_-

From: 0908+

:>>>

From: 0908+

Bakit ang ganda mo? Ah!

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon