SEVEN

1 1 0
                                    

"Welcome back! Bitch!"

"Hello bitches."

Niyakap ko ng mahigpit si Bea at Ryl, I miss this two. Mas tumangkad ata sila ngayon at mas gumanda, pano naman ako na mas naging haggard ang hitsura dahil sa mga problema sa buhay.

"Kamusta mga hampas lupa? May boyfriend na ako." Si Ryl. Na ipinagyabang dahil nakapag boyfriend kuno.

"Mabuti kung ganon, akala ko talaga walang papatol sayo eh." Sagot naman ni Bea sa kanya. Inirapan lang naman siya nong isa bago humarap sa akin.

"Girl, mag chika ako." Excited niyang sabi sabay abot ng dalawa kung kamay.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kakatapos lang namin magpa enroll at naisipang magkita dito pagkatapos. Maraming tao ngayon dito at halos karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin, iilan lang ang hindi na mukhang mga transferee.

"Kanina kasi nong hinihintay ka namin ni Bea, giirrrll! We saw someone na subrang gwapo at hoott! Halos lahat napapatingin sa kanya kanina!" Nagtitili silang dalawa ni Bea habang panay ang pagpapantasya sa tinutukoy nilang lalaki.

Akala ko ba may boyfriend na tong si Ryl? Kung makatili sa ibang lalaki wagas. Napapailing akong nagpatuloy sa pagkain, na miss ko' to. Iyong samahan naming tatlo, maliit lang kami kumpara sa iba pero solid naman iyong pagkakaibigan namin.

Ng matapos ay nag pasya kaming mamasyal, matagal na' din kasi nong huling beses kaming pumunta ng mall. Nakahawak sa braso ko sir Ryl habang si Bea naman nauunang mag lakad, siya raw kasi ang mag papasya kung saan kami pupunta.

"Narinig mo na' ba ang bali-balita, Su?" Mahinang sabi sa akin ni Ryl.

"Anong balita?" Taka ko namang tanong.

"May ka relasyun daw si Bea, anak nang mayor. Si Darrel, naalala mo?" Tinuro niya ang likuran ni Bea habang nagsasalita. Darrel?

Napatigil ako sa paglalakad at kunot noong napatingin kay Ryl. Si Darrel, o mas kilala bilang 'Basagurilo'. Anak siya ng Mayor sa syudad na' to kaya hindi ito mabilanggo, subrang dami na nitong kaso pero napupunta lang sa basurahan dahil sa pera. Maraming kumakalat na balita tungkol sa kanya, nagnakaw, nambugbog, nang-gahasa, at mas higit pa ay pumatay.

Si Ryl at ako ay isa na sa naging biktima ng walang hiya nayun. Klarong-klaro pa sa utak ko ang gabing iyon. Pauwi na kami ni Ryl at nag-hihintay ng masasakyan ng huminto sa harap namin ang kotse ni Darrel, kasama niya ang dalawa niyang kaibigan sa loub. Gusto niyang sumakay kami dahil sila naraw ang mag hahatid sa amin pauwi. Syempre dahil kalat ang balita sa mga ka-gagohan niya, hindi kami pumayag.

Pinilit nila kami pero hindi parin kami pumayag at naisipang lumipat nalang nang station pero nainis ito at bigla nalang nila kaming hinablot at pilit isinasakay sa sasakyan. Mabuti nalang at may napadaang police na nag papatrol nun kaya hindi sila nag tagumpay sa balak nilang gawin.

"Saan mo naman nakalap ang balitang yan?" Hinila niya ako para mag lakad ulit. Tumingin siya kay Bea para tignan kung nakatingin ito sa amin.

"Kaibigan ko yung ex-girlfriend ni Darrel, si Shantal. Sinabi niya sa akin na nakita niya raw si Bea at Darrel na naghahalikan sa labas ng bahay nila Darrel. Patay na patay kasi iyong babaeng yun sa halimaw nayun kaya kahit hiniwalayan na siya ay pumupunta padin siya sa bahay nila."

"Naniniwala ka naman?" Sasagot palang sana si Ryl ng biglang lumingon si Bea sa amin. Napaayos ng tayo si Ryl at pekeng tumawa.

"Bakit?" Takang tanong ng babae. "Kayo ah, pinag-uusapan nyo ako noh?"

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon