FOURTEEN

0 0 0
                                    




"Okay kalang? Mukhang puyat na puyat ka ah?"


"Halata ba?"

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Halata nga. Kasalanan talaga to ng lalaki nayun.
Nandito kami sa cr ngayon dahil kanina paraw naiihi itong si Ryl. Kakatapos lang nong long quiz namin at halos dukutin ko na ang mga mata ko dahil sa lahat nang oras na pwede akong antukin, saktong sa long quiz pa talaga namin.


"Oo Teh, ang tamlay mo nga eh." Nag hugas siya nang kamay at nag tagpo ang tingin namin sa salamin. Sumilay ang nakakalukong ngiti sa labi niya. "Ano bang ginawa ni Leam sayo? Bakit mukhang pagod na pagod ka?"

"Tigilan mo ako, Ryl. Kasalanan talaga nang lalaki nayun kaya ganito ako ih." Nauna na akong lumabas nang cr at mabilis namang sumunod sa akin si Ryl.


"Bakit? Share mo naman sa akin!" Pangungulit niya. Binilisan ko ang paglalakad para iwasan ang mga tanong niya. Alangan namang sabihin ko sa kanya na sa apartment ko natulog si Leam. Halos tumakbo na ako makatakas lang sa mga tanong niya.

"Wag mo ng itanong!" Sagot ko.

Hindi ko namalayan na meron pala akong kasalubong kaya bumanga ako dito. Dahil sa lakas ay natumba ako at tumama ang pwet ko sa sahig. Grabe, para akong tumama sa pader.

"Are you okay?" Nilahad nong taong iyon ang kanyang kamay sa akin. Tinignan ko ito at lumagpas ang tingin ko sa mukha niya.


"I-Ikaw." Turo ko sa mukha niya.


"B-Bakit?" Taka niyang tanong. Dumating na din si Ryl at tinulungan akong tumayo. Hindi ako nagkakamali, siya talaga ang lalaking iyon.


"Ikaw iyong lalaking tumulong sa amin noon sa isang coffee shop." Tinignan ko si Ryl pero sa reaksyun niya halatang hindi niya namumukhaan ang lalaki.


"Sorry, but I think your talking about someone else." Akmang lalagpasan niya kami pero mabilis kung hinawakan ang braso niya.


"Wait!" Huminto siya at nilingon ako. "Can I at least know your name?"


"Miguel. Now if you excuse me." Binitiwan ko siya at mabilis naman siyang naglakad paalis.

Bakit tinatanggi niya na siya iyon? Klarong-klaro sa utak ko ang mukha niya kaya impossible na magkamali ako. Tulalang naglakad ako kasama si Ryl pabalik ng classroom. Hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon, nag f-flash back pa sa utak ko iyong mismong pag bali niya sa daliri nong Rod na humawak sa akin.


Naguguluhan ako. Bumalik lang ako sa ulirat ng hawakan ni Ryl ang mukha ko.


"Girl, kanina ka' pa tulala." Pumitik siya sa harap ng mukha ko at para naman akong natauhan. Bumuntong hininga ako at padausdos na umupo.


Hanggang kailan ba ako lulubayan ng mga tanong na ito? Halos laman ng utak ko ay puro tanong. Nakakabaliw, gusto ko nalang maging sandwich.


"Fuck this life." Bulong ko na mukhang narinig niya. Mahina siyang umismid.


"Yeah? Buti nalang may Leam ka." Kunot noong tinignan ko siya. Lumapad lang lalo ang ngisi niya kaya napangiwi ako. Duh! Isa pa ang Leam nayun.


Nagising nalang ako na wala na siya sa kama ko. Late nanga ako nong nagising kinaumagahan kaya halos wisik-wisik lang ang nagawa kung pag ligo. Pag punta ko ng kusina ay may nakalatag na pagkain dito, balot na balot pa nang plastic kaya halatang inorder niya. May note din siyang iniwan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon