THREE

5 1 0
                                    

"Pumapayag na ako."

"Talaga?! Sigurado ka Anak?"

Niyakap ako nang mahigpit ni Mama. Niyakap ko nalang din siya pabalik sabay ngiti nang mapait. Sana hindi ko pagsisisihan ang desisyun kong ito, sana hindi ako nagkamaling sundin ang gusto nila.

"Pero sa isang kundesyon." Tumingin ako kay Tita Georgia at kay Mama pagkatapos kung kumawala sa pagkakayap sa kanya. Sabay silang tumango sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Gusto kung makapagtapos nang College at makapagtrabaho sa isang kompanya."


Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko. Pumayag na akong ikasal pagkatapos kung mag graduate nang senior High pero gusto ko pading makapagtapos nang college at makapagtrabaho. Ayokong umasa lang sa magiging asawa ko, gusto ko na galing sa sariling sikap ang ibibili ko sa mga bagay na gusto kung bilhin.

Kahit iyon nalang ang huwag nilang kunin sa akin, kuntento na ako sa buhay. Pipilitin ko nalang na maging positibo sa buhay, iisipin ko nalang na magiging maayos din ang lahat.

"C-Cge. Kung yun ang gusto mo." Ngumiti ako nang pilit kay Mama at hindi na nagsalita.

Ngayon ko lang din napansin na kanina pa tahimik iyong dalawang lalaki na kasama namin dito. Mukhang nakatulog nanga itong katabi ko dahil nakapikit na, samantalang iyong Yuno naman ay may binabasang libro. Hindi ko nga alam kung saan niya iyon nakuha. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala siyang dala na kahit ano kanina nong dumating siya.

Nahiya naman ako sa ginawa naming eksina kanina. Mabuti nalang at mukhang wala naman silang pakealam. Kung iisipin, isa sa kanila ang magiging asawa ko. Aminado akong mala 'Hollywood' na ang hitsura nila, pero hindi kasi ako yung tipo na tao na sa hitsura nagkakagusto. Na aatract, oo; Malamang, tao padin naman ako.

Nasa kung papaano siya mag-isip at sa ugali ang kahinaan ko.

Pero sa lahat nang mga nanligaw sa akin, wala akong nakitaan ni isa sa kanila ang meron nang mga iyon. Oo, may iba sa kanila na maganda ang ugali, pero na d-disappoint ako sa kung paano sila mag-isip. Hindi sa sinasabi ko na gusto ko iyong mga matatalino mismo, ang akin lang ay iyong klase nang tao na may pananaway sa buhay. Iyong bibilib ako sa kung paano niya tignan ang mga bagay-bagay. Kadalasan kasi eh puro mga hambog lang alam. Matataas pa ang mga pride.

"Ngayon, Hija. Sino sa dalawa kung anak ang gusto mong makatuloyan?" Parang wala lang na sabi ni Tita.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Talagang okay lang sa dalawang anak niya na ikasal sa babaeng hindi naman nila kilala? Na hindi naman nila mahal? At kung makatanong si Tita para namang pipili lang ako nang damit na susuotin, kung alin sa mga iyon ang nagustuhan ko ay iyon na ang susuotin ko.

"T-Tita, parang ang hirap naman ho ng pinapagawa nyo." Okay lang sana kung may kilala akong isa sa kanila, kaso hindi ko nga alam kung ilang taon na sila? Kung nag-aaral pa' ba sila at kong anong klase'ng ugali ang meron sila.

Napatawa si Tita na ipinagtaka ko at ni Mama. "Pasensya na Hija at ako ay masyadong nagmamadali. Sa pagkakaalam ko ay may dalawang buwan pang natitira bago ka mag college?" Tumango ako bilang tugon. "Bibigyan ka namin ng dalawang buan para mag disisyun kung sino sa dalawa kong Anak ang gusto mong makatuloyan. Bago ka mag college, ikakasal ka sa isa sa aking mga anak"

Humarap si Mama sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Naiintindihan ko, Anak. Bibigyan ka nalang namin ng pagkakataon para makilala mo ang mga Anak ni Georgia." Nakangiti niyang sabi.

Nang araw nayun ay maaga kaming umuwi ni Mama, dumating raw kasi ang asawa ni Tita Georgia at kailangan nilang sunduin ito. Nagpasundo na kami ni Mama kay Papa sa bahay nila Tita Georgia. Tahimik lang ako sa buong byahe hanggang makauwi sa bahay. Mabuti nalang at mukhang naiintindihan ako nila Mama kaya hindi nila ako sinubukang kausapin.

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon