TEN

1 1 0
                                    





"B-Bakit ka nandito?!"


"Bawal ba?"


Gulat akong napaatras nang makita si Leam sa labas nang clasroom namin. He stood there blockin my way kaya hindi ako makalabas. Ryl was on ny back, kinurot niya ako sa likod. I know she's greening right now. Naririnig ko din ang usapan nang mga classmates namin. 


Kakatapos lang nang klase namin at pupunta kami sa lamay ni Bea. Ngayon ang last vigil niya kaya dun na kami matutulog. Sunday ang libing niya, saturday ngayon. As a college student, may klase padin kami sa sabado. Half day.


"B-Bakit nga?!" Binasa niya ang labi gamit ang dila kaya napaiwas ako nang tingin.


"Ihahatid ko kayo, sasamahan kita. Okay na?" Masungit niyang sabi. Aba, bakit nagsusungit siya ngayon? Para namang inutusan ko siyang gawin ang mga yan.

"Ayo—." Hindi ko pa natatapos ang sasabit nang biglang takpan ni Ryl ang bibig ko.

"We gladly accept that!" Sabi niya sabay hatak sa akin palabas.

Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya sa akin. Umiiwas nga ako eh! Bakit ba ginagawa sa akin nang tad-hana ito?

Nilingon ko si Leam na nakasunod lang sa amin. Deritso lang ang tingin niya at taas noong naglalakad. Ibinalik ko ang paningin sa harap at inisip kung bakit niya ginagawa ito? Kung noon nga eh hindi siya sumisipot sa date namin—na si Sofie ang may gawa, tapos ngayon hito siya at panay ang lapit.

Napatingin ako sa daan at kaagad ding napaiwas nang tingin. Palaging tumatatak sa utak ko ang nangyari, limang na araw na ang nagdaan simula nong nangyari ang pagkitil ni Bea sa sarili niyang buhay. May nagsabi na nakita nilang tumalon si Bea galing sa 5th floor, which is the rooftop. May nagsabi namang may nakita silang tao bago nahulog si Bea.

Hindi ko alam kung ano ang totoo, basta ang alam ko ay hindi kayang gawin ni Bea ang magpakamatay. Pero hindi ko din maipagkakaila na dahil sa dinaranas niya ay sapat na iyon para kitilin niya ang sariling buhay. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala na wala na siya, parang kailan lang ay masaya kaming nagkita-kita. Tapos iyon na pala ang huling masaya kaming magkakasama.


"Okay kalang?" Bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Ryl. Nakakapit siya sa braso ko. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa parking lot nang school.


"O-Oo naman." Ngumiti ako nang pilit pero alam kung pansin niya na peki iyon.


"Everything well going to be okay, babalik din tayo sa dati." Sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Sana nga.


May sasakyan ang huminto sa harap namin. It's a BMW, lumabas si Leam at binuksan ang pintuan sa harap namin. Nangingiting tinulak naman ako ni Ryle papasok. Balak ko sanang maupo sa likod dahil ayukong mapalapit sa lalaking ito, pakiramdam ko eh iligal ang mapalapit sa kanya.


Habang nasa byahe ay tahimik lang ako, nakahilig lang ang aking ulo sa upuan habang nakatingin sa harap. Mabuti nga at tahimik lang din si Ryle, akala ko nga e magtatanong siya kay Leam nang kung ano-ano.


Mula sa hindi kalayuan ay kita ko mula dito ang bahay nila Bea. May mga sasakyan ang naka parking sa labas nang kanilang bahay. May bulaklak din na puti na nakalagay sa entrance nang kanilang Gate.


Ito ang unang beses na pumunta ako dito, dahil sabi ko nga hindi ko kayang makita si Bea. Gusto kung iyong mga ngiti niya ang tumatak sa utak ko at hindi ang mukha niyang natutulog sa loob nang kabaung. Si Ryl ay nakapunta na dito nang isang beses.

Veiled Vows: The Bloodbound Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon