Chapter 2 : Critical Condition

2 0 0
                                    

Chapter 2 : Critical Condition








Katelyn's Point of View



Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang isugod namin si Sissy sa hospital. Nakalabas na rin siya kahit pa hindi pa pwede. Ayaw daw kasi niya sa loob ng hospital dahil hindi niya gusto ang paligid, natatakot daw siya na tumigil ng matagal sa hospital. Bukod sa natatakot siya na baka may mga multo na manggulo sa kanya do'n ay natatakot siya sa hospital dahil pakiramdam niya ay mamamatay na siya.

Nagalit pa nga kami nang sabihin niya 'yon pero hindi namin siya masisisi dahil nakita niyang namatay ang lolo niya at ang pinsan niyang si Margaret. Well, matagal 'ko nang pinagsisihan ang ginawa 'ko sa pinsan niya na si Margaret, napatawad na rin naman daw ako ng pamilya nila at ni Margaret mismo. Creepy right? Multo na nagpatawad sa nagawa 'kong kasalanan sa kanya? Masanay na dapat ako dahil kaibigan 'ko lang naman ang isang taong may kakayahan na makakita at makakausap ng mga taong wala na sa mundo ng mga buhay.

Binilinan nalang kami na bantayan at alagaan si sissy 'ko ng mabuti. Makulit naman kasi at matigas ang ulo ng pasyente namin. Kaya kung anong gusto niya ay sinusunod nalang namin since bawal sa kanya ang ma-stress. Kung pwede nga lang na ilayo sa kanya si bruha'ng Marjorie ay ginawa 'ko na. She's the only person na nakakapagpa-stress sa sissy 'ko 'no!

"Sasamahan kita o sasamahan kita?" May pagbabantang sabi ni Mark kay sissy na ngayon ay nakabusangot na ang mukha habang nakaupo dito sa rooftop

Favorite na tambayan na namin ang rooftop since mahangin dito at maganda ang tanawin sa baba, garden kasi ang makikita mo sa may gilid at mga estudyante naman na naglalakad sa harapan.

"O nalang" Sagot ni sissy 'ko kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Mark

Medyo umaayos naman na si Mark, lagi na siyang nakabantay kay Micaela and he also don't let her be lost in his sight.

"Magpasama ka nalang kasi napaka-arte mo naman eh, ikaw na nga itong sasamahan ayaw mo pa. Pwede huwag kang masyadong pabebe?" Mahinhin na sabi ni bruha'ng Marjorie pero para sa akin ay sarkastiko

I hate her! Kung pwede 'ko lang siyang sabunutan at kalbuhin ay ginawa 'ko na kaso baka ma-stress ang soon to be sister in law 'ko kaya 'wag nalang. Titiisin 'ko nalang siya hanggang sa gumaling na ang sissy 'ko.

"Marjorie..." May banta sa tinig naming lahat nang sinabi namin 'yon including Mark maliban kay sissy 'ko na nakaupo pa rin at nakabusangot ang mukha

"What?" Taas kilay na sabi ni bruha sa aming lahat na hindi naman pinansin man lang ni Mark

Naku! If i can hurt her right now maybe she's already pleading me to stop hurting her. Damn her! Kung maldita sya, mas maldita ako!

"Kaya ko-"

"Sissy!" Putol 'ko sa sasabihin nya sana

Yumuko nalang siya at ngumuso. Kanina pa kasi niya ipinagpipilitan na siya nalang ang pupunta sa comfort room pero ayaw namin siyang payagang mag-isa. Maraming masasamang bagay ang pwedeng mangyari kung mag-isa lang siya, we can't afford to lose her this early!

"Maduga kayong lahat!" Parang batang sita niya sa aming lahat na may paturo-turo pa sa aming lahat," Wala akong kakampi.." Nakabusangot na dagdag pa nya

She's cute! Pero hindi pwedeng magpadala sa ka-cute-an ng best friend 'ko na ito. Kailangan manatiling hindi magpapatalo sa makulit na Micaela, para siyang bata but a cute one.

"Ako nalang sasama sa kanya" Presinta ni bruha kaya naman agad kaming naalarma, lalo na si ako

"Ay hindi! Ako nalang!" Bigla kong presinta dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa future sister-in-law ko

Till We Meet Again (The Final Meet-up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon