Micaela’s Point of View
Hindi nga ako iniwan ni Anthony na mag-isa kagabi dahil nang magising ako kaninang umaga ay katabi ko siya at mahimbing na natutulog. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang nangyari kagabi. Hindi ko pala naikwento kahapon na mag-iisang linggo na rin akong hindi pumapasok pati si Anthony. I’ve been under my recovery state. Sinabihan ako na magpahinga muna ng about one week bago pumasok sa school para mabilis na maka-recover since baka daw biglang bumukas ang tahi sa akin.
“Ano ba kasing nangyari kagabi at bigla ka nalang sumigaw?” Tanong sa akin ni Anthony habang magkaharap kaming dalawa sa lamesa at kumakain ng tanghalian
“Wala, may napanaginipan lang naman ako eh. Masyado lang akong natakot kaya sinigaw ko ang pangalan mo” Paliwanag ko sa kanya habang patuloy ako sa pagkain samantalang siya ay nakatitig sa akin na wari mo ba'y hindi naniniwala sa sinabi ko sa kanya
“Micaela....” Kahit pagbantaan mo pa ako Anthony
“Hmm?” Sagot ko sa banta niya sabay subo ng pagkain sa may plato ko
“You’re lying, habang tulog ka ay nagsalita ka” Napatigil ako sa pagkain nang sabihin niya ‘yon
I never do sleep talking ever since bata pa ako. Ni hindi rin ako nagi-sleep walk. How come na—p*ta!
“Anong sa-sabi ko?” Kinakabahan kong tanong sa kanya
Naalala ko na nagsimula na nga pala ako na mag-sleep talk mula nung mag-college kami hehe.
“You said na natatakot ka, then ayon nakatulog ka na ng mahimbing” Hoo, kala ko naman kung ano sinabi ko eh
“Fine, every midnight nagigising ako ng isang boses. She’s creepy, kaaduwa, hanapin ko raw sya” Kinikilabutan kong sagot sa tanong niya
“Nakita mo ba sya?” Tanong na naman niya
“Hindi 'no! Bakit ko naman sya hahanapin? Ayoko na muna makakita ng ghosts, nadala na ako kay Mary no’n haha. Ngayon nalang naman ulit may nanggulo sa’kin eh” Natatawa kong paliwanag sa kanya
“Just tell me kung may problema at kung ginugulo ka niya, okay?” I just nodded at him, “By the way Love, papasok na tayo bukas” Dagdag pa niya
Tinanguan ko lang siya at natapos na ang pagkain namin. Sya na ang nagligpit at naghugas dahil ayaw niya talaga akong pakilusin. Kaya ako nabo-boring dito sa bahay niya eh.
*****
Hapon na ngayon at ang bilis lumipas ng oras. Umalis muna si Anthony para kumuha kina Tita Allison ng hand-outs ng lessons na na-miss namin. Kung hindi ko pa nasasabi ay sasabihin ko na ngayon, nag-aaral kami sa college nila Tita Allison. Kalapit lang nung school namin yung school namin nung High School at Senior High School. Kaya ayon, na-trauma na yata si ako sa mga multo.
Biglang lumakas ang hangin at bumigat ang pakiramdam ko na wari ba'y may masamang mangyayari ngayon, and i don't want to feel this kind of feeling right now. Natatakot ako, natatakot ako sa isang bagay na hindi ko naman alam tulad nalang tuwing gabi na magigising ako ng eksaktong hatinggabi.
Ano bang nangyayari? Ayos naman kanina ah?
“Ela...” Narinig ko na naman ang boses na ‘yon
“Si-Sino ka ba?!” I yelled and roam around my sight finding where that voice is coming from
“Hahaha, hindi mo ba ako maalala?” Natatawa niyang sambit pero nagdala ‘yon sa’kin ng kilabot at takot
“Sino ka!” Kailangan kong maging matapang dahil kapag naging mahina ako ay lalong lalakas ang kung sino mang nilalang na ito
“Ako...si...Micaela...hahaha” Sh*t ka talagang multo ka! Napapamura ako sa isip ko sa’yo eh
“Imposibleng ikaw si Micaela!” Sigaw ko ulit
“Sinabi ko na sa’yo ‘yan noon....ako si Micaela at kukunin ko ang katawan mo!” At bigla nalang nawala ang kakaibang hangin kasabay ng paglalaho ng mabigat na awra ng paligid kanina
Hindi kami lumalaban sa mga multo. Dinadaan namin sa pakikipag-usap ang lahat at nakikinig kami sa kung ano ang side nila kung bakit nila ginagawa ang mga ginagawa nila. Wala kaming planong labanan sila dahil tanging ang mga pari at exorcist lang ang lumalaban sa kanila. Kinakusap lang namin sila ng maayos para umalis na sila at manahimik.
But, not all ghosts are nice. Madaming beses na rin akong napahamak sa kanila dahil dinadala nila ako sa nakaraan nila o 'di naman kaya ay nananakit sila ng pisikalan.
“Hey, Love!” Rinig kong tawag sa akin ni Anthony na kararating lang galing sa labas
Pumasok siya ng bahay at naglakad palapit sa akin habang nakangiti. Hindi ko alam pero agad akong napaatras mula sa pagkakatayo ko. I-I feel scared towards him! He’s smilling so creepy!
“Why are you walking away from me?” Nakangiti pa rin niyang tanong sa akin
“Lu-Lumayo ka sa’kin!” Sigaw ko sa kanya habang ako ay patuloy na umaatras at sya naman ay patuloy na lumalapit sa akin habang may nakakakilabot na ngiti ang nakapaskil sa labi niya
Nanlaki ang mga mata ko at halos kapusin ako sa hininga nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin. Napapikit nalang ako ng mariin at marahil dahil sa takot ay unti-unting tumulo isa-isa ang mga luha ko bago ako nawalan ng malay.
~*~
“Love! Wake up! Micaela!” I heard someone calling me by my name so i slowly open my eyes
Malabo sa umpisa pero nang maaninag ko kung sino ang nasa harap ko ngayon ay napabalikwas ako ng bangon at natatakot na tumingin sa kanya.
“Lu-Lumayo ka sa’kin!” Natatakot kong sigaw sa kanya habang unti-unting lumalayo sa kanya paisod dahil nakaupo ako sa sahig ngayon kung saan ako nahimatay kanina
“He-Hey! Why are you scared? May nangyari ba habang wala ako?” Nag-aalala niyang tanong sa akin pero mas nangibabaw sa akin ang takot sa kanya, “I rushed to you after i heard a loud thud, nakita nalang kita dito kanina na walang malay. I tried waking you up several times pero hindi ka pa rin gumigising. I was about to call a doctor when you open—” Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit at umiyak nang umiyak sa kanya
“Natatakot ako...” Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya ng mahigpit at umiiyak
“Shh...I’m here, don’t worry okay? Hush now Love, hmm?” Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko habang hinahaplos niya ang buhok ko
“Natatakot ako...” Ulit kong sambit habang patuloy sa pag-iyak
“I’m here, I’ll protect you everytime, Love”
*****
6:00 am, Monday, February 14. Hayst, araw na ngayon ng mga puso at araw na din para pumasok na kami ni Anthony sa school. It’s time to be back on track haha.
Kahapon lang nangyari ang lahat, sobra akong natatakot at pasalamat ako na nandyan siya sa tabi ko. I’m happy to have him by my side and in my life.
“Love, tara na?” Tawag sa’kin ni Anthony na nasa labas na nitong kwartong tinutuluyan ko
“Oo, eto na!” Sigaw ko pabalik habang inaayos ang suot kong damit
Well, pinapayagan naman na mag-freestyle ang mga estudyante even though may uniform kami. Tsaka Valentine’s Day ngayon kaya syempre naka-freestyle talaga kami. May program ngayon sa school bilang celebration ng araw ng mga puso.
“Ba’t antagal mo?” Takang tanong niya sa’kin pagkalabas ko ng kwarto
“Mabilis ka lang talaga kumilos kesa sa’kin kaya ganon” Talaga naman kasi eh, ang bilis kaya niya kumilos kesa sa’kin
“Tara na nga, 6:30 dapat kasi nasa school na tayo” Sabi niya habang inaalalayan ako pababa ng hagdan
Napairap nalang ako sa kwalan. He’s starting to be so over, overreacting na akala mo naman ay ‘pag nawala ako sa paningin niya ay makikita na niya ako sa kabaong.
Kaya ko naman but he still insisted to help me. Ayaw pa nga niya ako pauwiin sa bahay namin kaya ayon, tuwing bibisita dito ang mga bwusita este mga kaibigan namin ay inaasar nila kami na mag-asawa.
My parents didn’t argue with him na dito ako patirahin. Ewan ko ba sa mga magulang ko at botong-boto dito kay Anthony. Binayaran ba niya parents ko? Tsh, kung anu ano na naiisip ko.
“Hey, Love, anong iniisip mo dyan?” Tanong sa akin ni Anthony na nagda-drive na
Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa kotse niya? Ganon na ba kalalim ang iniisip ko para hindi ‘yon mapansin?
“Nothing, iniisip ko lang kung may relasyon na sina Kate at L. They looks so close and sweet” Tama ‘yon, mukha silang may relasyon
“Ayaw mo ba non? May lovelife na ‘yung kaibigan mo?” Natatawa niyang balik sa akin
“Masaya naman....pero, may mga bagay pa akong nakaligtaan nung tulog pa ako?” Parang ang bilis kasi ng nga pangyayari eh
“Wala naman, baka kasi matagal na sila kaso ngayon lang natin napapansin” Paliwanag niya, “By the way, Happy Valentine’s Day, Love” Dagdag pa niya sabay abot ng kamay ko at hinalikan ang likod nito
“Happy Valentine’s Day din, Anthony”
*****
Mag-isa ako ngayon dito sa corridor papuntang locker area para ilagay itong bag ko na may lamang damit pamalit at ilang notebooks. Wala namang klase ngayon eh, kaso dapat sinabi nila ‘yan bago ngayong araw. Buti nalang at ilan lang ang klase dapat namin ngayon.
Tumigil ako sa tapat ng locker ko at binuksan ito. But i was stunned for a moment nang may makita akong letter sa loob nito. Parang de ja vu. Kinuha ko ito at nilagay ko naman ang gamit ko sa loob. I open the letter and read the message, pero muntik ko na itong mabitawan nang mabasa ko ang nakasulat.
‘ Happy Valentine’s Day, Micaela. Antagal din mula noong huli kitang sinulatan. It was years ago pero sana ay natatandaan mo pa ako. Yes, tama ang nasa isip mo ngayon na ako ang admirer mo na sumusulat sa’yo noong high school pa lang tayo. Tumigil lang naman ako sa pagsusulat sa’yo nung nagkaroon ka na ng boyfriend. Masaya ako na masaya ka. Pero.....sa tagal ko na sinusulatan ka noon ay never mong nalaman kung sino ako ‘di ba? Well, ngayong araw ay mukhang ang tamang panahon para aminin ko sa’yo kung sino nga ba akong sumusulat sa’yo noon at muling nagparamdam ngayon.
BINABASA MO ANG
Till We Meet Again (The Final Meet-up)
RomanceAs time passed by, she just found herself in a world where she found a new version of herself, a new version but stronger than before. She can now face the crowd and give them a fierce look. But behind of those, there is a worried one hiding. She us...