Chapter 4 : Decision
Micaela's Point of View
Matapos ko syang pagmasdan na galit sa akin ay napatalikod nalang ako habang lumuluha nang tahimik. Hindi na niya ako maririnig at makikita. Ayoko siyang makita ako at makusap man lang. Ayokong makita niya ako para lang pagsabihan ng mga masasakit na mga salita. Ayokong makita niya ako para lang maipamukha sa akin na hindi na ako ang babaeng pinagkakatiwalaan niya.
Ayokong 'pag nakita niya ako ay sumbatan lang niya ako. Maging sarili niyang kapatid ay hindi niya nagawa pang paniwalaan. Mas naniwala sya sa babaeng hindi naman na niya lubos na kilala. Ang babaeng mas pinapaniwalaan na niya ngayon at pinapanigan.
Wala na siyang ibang pinagkakatiwalaan maliban sa babaeng 'yon at sa sarili nya. Mas naging prayoridad niya na sya at mas naging inportante.
Tumayo na sya at lumabas ng silid ko. Agad ko siyang sinundan at nakasalubong ko pa ang ilang mga pagala-galang multo na tulad ko. Sinundan ko si Anthony hanggang sa makasakay sya ng kotse nya kasama ang babaeng kanina pa palang naghihintay sa kanya sa loob nito.
Pumasok din ako sa loob ng kotse at naupo sa likuran nito habang sila ay nasa harapan ko at pinapanood ko. Pinunasan ko ang mga luha ko na kanina pang tumutulo habang pinapanood ko sila sa rooftop. Huminga ako ng malalim at sinubukang ngumiti ng pilit pero hindi ko rin nagawa kahit na pilit na nga.
"Saan tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Marjorie kay Mark na ngayon ay siyang nagda-drive
"Sa condo ko, gusto ko munang magpahangin" Simpleng sagot ni Anthony sabay start ng kotse nya
Ngumiti lang si Marjorie sa kanya at umandar na ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Pansin ko ang pabalik-balik na sulyap ni Marjorie kay Anthony at ganun din naman ang isa.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Marjorie kay Anthony nang mapansin nya ang pasulyap-sulyap nito sa kanya
BINABASA MO ANG
Till We Meet Again (The Final Meet-up)
RomanceAs time passed by, she just found herself in a world where she found a new version of herself, a new version but stronger than before. She can now face the crowd and give them a fierce look. But behind of those, there is a worried one hiding. She us...