Anthony’s Point of View
Grabe ang kaba ko habang naggigitara ako kanina, pero mas dumoble ang kaba ko nang nandoon na ako sa harap niya at nasabi na ang mga katagang dapat nung una pa lang ay sinabi ko na sa kanya.
I feel like a kid who did something that afraid to be scolded by his mother. Ang pinagkaiba lang ay naglihim ako sa babaeng mahal ko at hindi ko alam kung tatanggapin ba niya ang lahat.
“Y-You mean...” Sambit niya habang nakatulala sa akin
Akala ko nung una ay maiinis or magagalit siya sa’kin dahil sa ginawa ko, but I’m wrong. She hugged me so tight and whispered the words i never imagined she will say after i confess that i am her secret admirer when we were in high school.
“Akala ko hindi na kita makikilala....I love you, Anthony” She whispered while hugging me so tightly
“T*ng*na! Bro! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka-move on sa nangyari kanina?!” Sita sa akin ni Josh habang nakaturo pa sa akin
Napa-iwas nalang ako ng tingin dahil kanina pa niya ako tinutukso mula nang dumating kami dito sa tambayan namin kasama ang barkada.
“D*mn you, Josh, kanina ka pa!” Sita ko sa kanya sabay tingin ng masama
“Eh kanina ka pa rin tulala eh! Hindi ka pa rin ba makamove-on sa nangyari? Just be thankful na hindi nagalit ‘yung pinsan ko sa’yo dahil tinago mo sa kanya ‘yon ng mahabang panahon!” Balik niya sa akin sabay inom ng juice niya
Wala eh, nagmimeryenda nalang kami dito sa tambayan. We’re actually eating since we arrived. Puro usap at kain nalang. Pero ngayon naman ay kami na naman ni Josh ang maingay.
“Kung makapagsalita ka dyan eh parang tinaguan ko si Mica ng anak ah?!” Ganti ‘kong balik na salita sa kanya sabay tapon ng nakuha kong tissue sa mukha niya na hindi naman niya naiwasan
“Sh*t! Masakit ‘yon ah!” Sita niya sa akin habang nakahawak sa kanyang mukha
Pigil na pigil ko na ang tawa ko habang ang iba naman ay wala ng nagawa kundi ang tumawa. Halos malaglag na sa upuan kakatawa si Marcos at Jameson at ang iba naman ay napapabaling ang atensyon sa grupo namin.
“Gosh! Anong ginagawa nyo? What’s so funny at para kayong mga baliw dyan na tumatawa?” Biglang singit ng kadadating lang na si Marjorie
*****
Micaela’s Point of View
Habang nagtatawanan kami ay biglang dumating si Marjorie. Everyone of us stop laughing and look at her. Hindi ko alam pero ngayon, kumukulo na ng sobra ang dugo ko sa kanya. Why do I suddenly felt the urge to slap her hard? Ambad ko na.
“Oh, why did you all stop? Bakit? Kasi dumating na ang maganda?” She said then flip her hair
“Gosh! Bakit kaya naging mahangin dito ano? May bagyong Marjorie ata ang biglang dumating at manlalandi!” Maarteng sambit ni Kate na ngayon ay katabi ko kaya naman tinakpan ko kaagad ang bibig niya
“Manahimik ka dyan, Kate” Bulong ko sa kanya habang nakatakip pa rin ang nga kamay ko sa bibig niya
Mahirap na pakawalan ‘tong babaeng ‘to, pahamak ang bibig eh.
“What did you say?” Tanong ni Marjorie kay Kate at bumaling kay Anthony, “Hey, Anthony, look! Inaaway ako niyang mga itinuturing mong mga kaibigan...” Pagpapaawa niya sabay lingkis sa mga braso ni Anthony na ngayon ay katabi ng mga kaibigan naming lalaki
“Hoy! Hindi ka lang pala bruha! Ahas ka rin pala!” Biglang sita ni Andrea kaya napalingon ako sa kanya na naging dahilan para matanggal ni Katelyn ang pagkakatakip ko sa bibig niya
“Higad!” Napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Katelyn
Ako na girlfriend pero nananahimik lang tas sila gusto na atang sugurin si Marjorie? Oo, masakit makitang may ibang babaeng nakadikit sa lalaking mahal ko, pero kaya ko namang kontrolin ang emosyon ko.
I don’t want that woman to know that she has an effect on me, na may epekto ang mga ginagawa niya sa akin. Because when that happens, she wins.
“Guys, tama na” Pag-awat ko sa kanila pero bigla namang bumaling sa’kin si Marjorie
“You!” Sabay turo sa akin
“Marjorie...stop this” Pagpigil sa kanya ni Anthony pero hindi man lang niya iyon pinansin
“Bait-baitan ka lang naman eh! Why don’t you show your real attitude ha?!” She shouted sabay lapit sa akin
“Marjorie, tama na—” Di ko na naituloy ang dapat ay sasabihin ko nang bigla siyang higitin palayo ni Anthony sa grupo namin
Nakita pa naming nagpupumiglas si Marjorie mula sa pagkakahawak ni Anthony sa kanya pero nagawa pa rin namang mailayo ni Anthony si Majorie sa amin.
“Ela! Hindi mo ba sila susundan?!” Biglang sita sa akin ni Raquel
“Oo nga! Baka mamaya may gawin silang kung ano dyan!” Segunda naman ni Hannah
“Micaela! Ikaw ang girlfriend!” Gatong pa ni Janna
Hindi nagsasalita ang boys pero nakatanaw sila sa kung saan nagpunta sina Marjorie at Anthony.
“Ela, go, ahas ‘yung babaeng ‘yon kaya naman dapat hindi mo hinahayaan na lumapit sya sa boyfriend mo!” Dagdag pang gatong ni Camille kaya naman napabuntong-hininga nalang ako sa kanila
“Fine, but gagawin ko ‘to hindi dahil sinabi nyong sundan ko sila, gagawin ko ‘to dahil ibibigay ko ‘tong regalo ko kay Anthony, okay?” Sabi ko sabay pakita nung regalo ko kay Anthony na nakabalot pa
Laman nito ay frame kung saan nakalagay ang picture naming dalawa noong graduation namin ng high school. Pareho pa kaming nakangiti at magkahawak ng mga kamay.
“Sige na, basta sundan mo na sila, now na!” Sabi ni Katelyn na may kasama pang tulak sa akin papaalis
“Dun sa may likod ng building sila pumunta, M” Sabi ni L habang nakatingin dun sa dinaanan nila Anthony at Marjorie kanina bago sila nawala sa paningin namin
“Sige, mauna na ako!” Pagpapaalam ko sabay tahak ng dinaanan kanina nung dalawa
Hindi ko alam pero habang naglalakad ako patungo doon sa lugar na pinuntahan nila ay bumibigat ang pakiramdam ko. Suddenly, i felt something strange na para bang may hindi magandang mangyayari. Binalewala ko nalang lahat ‘yon at isinantabi dahil baka dahil sa operasyon ko lang ‘yon kaya ganito mag-react ang katawan ko.
Pero, sana pala naniwala ako sa pakiramdam ko. Parang gumuho ang mundo ko nang pagdating ko sa likod ng building na ‘yon ay nakita ko ang eksena nilang dalawa. Parehong nakalapat ang labi nila sa isa’t isa at nakasara ang mga mata.
Anthony is pinning her to the wall while they are busy kissing each other. Masakit, oo masakit kasi girlfriend ako eh.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang pinapanood ko sila. Unti-unti rin ay nabitawan ako ang regalo ko para sa kanya. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod. Pagod na ang dahilan ay ang patuloy na pananahimik at pagsasawalang-kibo.
“Happy 7th Anniversary, Love...” Kasabay ng pagsambit ko sa mga salitang ‘yon ay ang paghatak sa akin palayo ng taong laging andyan sa tabi ko tuwing wala si Anthony
“Gag* talaga ‘yang si Mark eh ‘no? Gusto mo banatan ko?” Sabi niya kaya agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanya kaya naman napatigil kami sa paglalakad
Niyakap din niya ako pabalik habang patuloy pa rin akong umiiyak...
“Salamat, L.....”
*****
Bakit ba masakit kapagka nagmamahal? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan? Nasaktan na ako noon nang mawala si Lolo at ang kapatid ko, nasaktan na ako noon nang malaman ‘kong may sakit pala ako, pero, sa lahat ng ‘yon ay eto ang pinakangmasakit sa lahat.
“L.....bakit ansakit? Bakit ansakit dito oh?” Umiiyak ‘kong tanong sa kanya sabay turo sa may bandang puso ko, “Bakit ansakit-sakit nung nakita ‘ko? Bakit nagawa niya ‘yon? D-Di ba mahal niya ako? D-Di ba?” Lumuluha kong dagdag
“M....nagmamahal ka lang kaya ganyan. Patunay ‘yan na mahal mo talaga sya and you can’t stand there watching how he cheat on you...” Sabi ni Lorence sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa mga hita ko
Nandito kami sa loob ng kotse nya. Half day lang kami ngayon dahil may Valentine’s Ball mamaya. But, can i attend that ball despite of what I’ve seen? Kakayanin ko bang makita sya matapos ko siyang makitang nakikipaghalikan sa araw ng ika-pitong Anniversary namin? Can i?
“Masakit kasi eh!” Inis kong sigaw sabay yuko at humagulgol na ng iyak
I felt his hands on my back, dahan-dahan niyang hinihimas ang likod ko habang patuloy ako sa pag-iyak.
“Iiyak mo lang ‘yan, M. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo ngayon, let the pain be released, pero ipangako mo sa akin na magiging matatag ka. Promise me that you’ll be strong to face him later. ‘Wag mong ipakita na nasaktan ka, don’t let them think that you’re hurt kasi nandito naman ako para sabihan mo dahil makikinig ako. Mas okay ng ako lang ang makaalam na nasasaktan ka, alam ko naman kasing ayaw mo silang mag-alala sa’yo...” Sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit
He knows me...alam niyang ayaw kong mag-alala sila. He’s the one who’s always by my side when I’m hurt and when i need someone beside me. Sya ‘yung taong laging nasa tabi ko tuwing kailangan ko o hindi. He’s always there to save me and stay by my side until i became okay.
“Thank you...Thank you kasi lagi kang nasa tabi ko, L” Mahina kong bulong but i know na narinig nya dahil nakayakap pa rin sya sa akin habang umiiyak ako
“It’s okay, ‘di ba nga para na tayong magkapatid? We’re even bestfriends...” Bulong niya habang hinihimas ang buhok ko na unti-unting nakapagpakalma sa akin
“Wouldn’t they search for us? Si Katelyn, baka hinahanap ka na niya” Sabi ko sabay hiwalay sa yakap niya at punas nga mga luha ko
“She’s fine, kasama naman niya ang nga kaibigan natin. Then, even though malaman naman niya kung nasaan ako at sino ang kasama ko ay ayos lang sa kanya ‘yon. Why? Because it’s you” He said and then someone called him on his cellphone
“Hello?.....Ah yeah, si Ela?” Nilingon niya ako saglit pero inilingan ko lang sya, “She’s not with me, pero kapagka nakita ko sya ay sisiguraduhin kong makakapunta sya mamaya sa Ball.....Yeah, bye” Huling mga salita niya bago ibinaba ang tawag
“W-Who's that? *sniff*” I asked him
“Si Kate, kasama daw niya ang barkada at hinahanap ka nila” He answered
“Thank you...” I’m happy that i have a bestfriend like him
“Okay lang ‘yon, do you wanna go somewhere? Ilalabas natin lahat ng sakit na nararamdaman mo” Sabi niya na tinanguan ko lang
Alam kong ligtas ako sa kanya, alam kong mapagkakatiwalaan ko siya, alam kong hindi niya ako iiwan at pababayaan, at alam kong hindi niya ako sasaktan...
*****
Third Person’s Point of View
Maririnig ang tunog ng alon ng dagat, makikita ang dalawang taong sa buhanginan ay magkadikit. Pareho silang nakaharap sa dagat na kakikitaan ng paglubog ng araw. Magkatabing naka-upo habang nakasandal ang babae sa balikat ng lalaki. Umiiyak ang babae samantalang inaakbayan siya ng lalaki.
“Lilipas din ‘yan...” Pagpapagaan ng loob ng lalaki sa babaeng walang tigil na naman sa pag-iyak
“Masakit kasi eh....girlfriend niya ako pero....pero nagawa niya akong saktan...” Muling paghagulgol ng iyak ng babaeng lubos na nasasaktan sa nasaksihan kanina
Pero, lubos ding nasasaktan ang lalaking ngayon ay kasama ng babaeng nasasaktan. Nasasaktan siya na makitang umiiyak at nasasaktan ang babaeng kanyang pinahahalagahan. It is hurftul to see the woman you wanna protect crying beside you because of a man who hurt her emotionally. It’s like knives that was stab on him like what the girl is feeling right now.
It’s Micaela and Lorence, they are looking directly to the sunset that any moment of now will happen. Katatapos lang sumigaw ni Micaela kanina para ilabas lahat ng nararamdaman niyang sakit, sakit na paulit-ulit niyang nararamdaman sa hindi na mabilang na pagkakataon.
“Lorence...kayo na ba talaga ni Katelyn?” Micaela asked him as she wipe her tears alone
“Y-Yes..” Mahinang sagot ni Lorence sabay iwas ng kanyang tingin mula kay Micaela
“Promise me, promise me this one, L.” Micaela said as she look at him and smile even though she’s hurting too much inside
That’s her talent, hiding what she feels even though she’s hurt too much. Hiding that she is hurt, hiding her true feelings to make everyone around her to not be worried about her. Hiding everything and pretending to be happy in front of them.
“Ano ‘yon?” Tanong ni Lorence kay Micaela
“Promise me that you will never hurt her, ipangako mo sa akin na hindi mo siya lolokohin at sasaktan. Promise me...” Nakangiting sambit ni Micaela ngunit kita sa mga mata niya ang sakit at lungkot na kanyang nararamdaman
“I promise” Nakangiting sagot ni Lorence bago sila sabay na tumingin sa paglubog ng araw sa kanilang harapan
Nasa tabi sila ng dagat at sabay na pinagmamasdan ang napakagandang tanawin. Nasasaktan man si Micaela ay nagagawa pa niyang makangiti. Kahit na nasasaktan na siya ay nakakaya pa niyang maging matatag at ipakitang ayos lang siya.
“Tara na, the ball will be starting in just a few hours. Hindi tayo pwedeng mawala don dahil kawawa naman ang mga partners natin hahaha” Pagbibiro ni Lorence na nakapagpatawa naman ng kaunti kay Micaela
“Sige, tara na at baka bugahan pa ako ng apoy ni Katelyn kapagka hindi ako, tayong dalawa umattend” Nakangiting sagot ni Micaela bago tumayo si Lorence at inalalayan siya
‘Kahit na masakit na ay kailangan kong maging matatag, hindi dapat magpatalo sa sakit na nararamdaman dahil parang pinakita ko na rin na talo na ako, na naapektuhan ako dahil parang pinakita ko na rin na nanalo na siya, at ‘yun ang hindi ko hahayaan’ Tahimik na sambit ni Micaela sa kanyang isipan habang naglalakad sila ni Lorence papalayo sa kanilang pwesto kanina.....
BINABASA MO ANG
Till We Meet Again (The Final Meet-up)
RomanceAs time passed by, she just found herself in a world where she found a new version of herself, a new version but stronger than before. She can now face the crowd and give them a fierce look. But behind of those, there is a worried one hiding. She us...