Chapter 17 - Meet

1 0 0
                                    

Micaela’s Point of View
     
        
            
“Lorence Cruz!” Inis kong pagtawag sa buong pangalan nya

“What?” Inosenteng tanong nya sa akin

Nakuha pa nya na tumingin sa akin ng ganyan? Akala ba nya ay gagana sa akin ‘yan?

“Ano na namang ginawa mo?!” Gigil na bulong ko sa kanya dahil baka makatawag na kami ng atensyon nito

“What?” Natatawa namang aniya ngayon

“Geez, nang-iinis ka bang talaga?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya

“What?” Mas lalo lang akong nainis sa sinagot nya sa akin habang natatawa

Sinamaan ko sya ng tingin at binalingan ang mga anak ko na kumakain na naman ng chocolates at ng ice cream. Bumagsak ang balikat ko dahil pakiramdam ko ay inaasar talaga ako ni Lorence.

“L, alam mong hindi sila pwede ng maraming matatamis ‘di ba?” Baling ko kay Lorence na nakakrus din ang mga kamay sa dibdib nya tulad ko

Pero hindi tulad ko ay nakangiti sya at ako naman ay seryoso ang mukha at masama ang loob sa kanya.

“Gusto nilang kumain, M. Pagbigyan mo na” Nakangiting sambit nya kaya’t sinamaan ko sya ng tingin

“Ano pa nga bang magagawa ko ‘di ba?” Inirapan ko sya at iniwan sila doon

Narinig ko pa syang tumawa bago puntahan ang mga bata na nakaupo sa may bench. Alam ko namang babantayan nya ang dalawa kaya naman umalis muna ako doon. May bibilhin lang ako para sa mga bata since malapit na naman ang pasukan nila sa eskwelahan. Magki-kinder na sila this school year since they are now five years old.

I need to buy them things they need dahil kapag kasama ko sila lalo na si Lorence sa pamimili nito ay baka matagalan pa kami dahil kung ano-ano ang kinukuha nila kahit na hindi naman kailangan.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil dalawang bata na nga ang inaalagaan ko, may isa pang baby damulag na mas malala pa kina Angie at Michael.

Pagpasok ko ng bookstore kung saan may nabibiling mga gamit pang-eskwela ay dumiretso na agad ako sa likod para maghanap ng bibilhin. Habang naghahanap ako ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga nakahilerang mga libro sa may shelf malapit sa akin.

Nilapitan ako ang shelf at bumungad sa akin ang iba’t ibang klase ng mga babasahin na libro. More likely they are fictional or novels. May iba’t ibang genre pa pero mostly na nandito ay romance. Meron din naman na mystery, science fiction, horror, and other genres na nakalagay din dito sa shelf na ‘to.

Kusa nalang akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga librong nakalagay ngayon sa harapan ko. It’s been years since the last time that I’ve read a novel. Kailan pa ba ‘yon? High School era or College? I don’t know dahil after kong mabuntis kina Angie at Michael ay nawalan na ako ng time para sa mga ganito.

Siguro sinabi ko noon na never akong titigil maging mambabasa, pero I think things just didn’t happened the way I imagined it before. Nagbabago ang lahat sa paglipas ng panahon, tulad nalang halimbawa sa nangyari sa amin noon. I picked up one book from the shelf and read a line from it’s back.

“The end isn’t the end if it’s not a happy ending” Pagbasa ko sa unang linya na nakita ko sa likuran ng libro

Looks like happy ending yata ang libro na ‘to. But, remember that don’t judge the book by it’s cover at lalo na sa mga ganitong libro na akala mo may masayang katapusan pero paiiyakin ka naman pala sa dulo.

Napatawa nalang ako ng mahina at napailing. I wonder if I could buy some books for me to read again?

“Hindi ko alam” I heard someone talking behind from me

Umisod ako ng kaunti para makita sya dahil baka nakaharang pala ako sa dadaanan nya. Pagkaisod ko, I noticed the familiar face of her while holding her phone and talking with someone on the line.

Unti-unti nalang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko sya na nakatayo malapit sa akin. She still looks so beautiful like what I can remember to her before. It’s been years and I can say that she’s more matured now in her looks.

I don’t know if I should approach or even talk to her. Taon na rin ang lumipas mula nang huli kaming magka-usap at magkita. She have grown up, she may have changed.

“Yeah, I told you na ayoko nga. Find someone else not me!” I blinked several times after hearing her bratty attitude

Is she still the old Katelyn that I used to be with before? Is she still the same old Katelyn which used to be protective over me before? Is she still the old friend that I’ve missed for the years we have been apart from each other? Or she is now my enemy for I left his brother?

That, are the questions I can’t answer by myself if I don’t do any action. I want to approach her, talk to her, ask her things that I’ve missed after leaving her and everyone behind. I want to see her smile at me like how she used to do before.

I missed her, this enemy to my friend girl.

“Katelyn...” I whispered softly as I stared at her still talking with someone else in the phone

“Yeah, I’ll hang up na. Basta ayoko, okay?” She then put her phone inside of her pouch and turn herself in my direction

Nang makaharap sya sa akin ay napakunot ang noo nya nang makita ako. Nagtataka sya at agad na nawala ang kunot ng noo nya nang mapansin na nakatingin din ako sa kanya.

“Kilala ba kita?” Tanong niya sa akin

Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. I never imagine that I’ll be this emotional after seeing one of my friends that I chose to left before. Ni hindi ko nga naisip na magkikita-kita pa kami kahit na bilog ang mundo.

Pero, heto ako at nakatayo sa harap ng isa sa kanila. Standing in front of a girl I once called sissy before.

I smiled, “M-Maybe? I don’t know”

Hindi ko alam kung bakit ‘yan ang lumabas sa bibig ko. I’m afraid that she might be mad at me all those years that have passed. Natatakot ako na sumbatan nya ako sa nangyari sa amin ng Kuya nya noon. I’m still not ready to face any of my friends’ questions about the past.

“Are you sure? Hindi kita kilala?” She sounds like...she recognized me

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na tuluyang bumagsak. Hindi ko na napigilan pa na mapaiyak sa harapan nya. The soft and fragile Micaela seems to be awakened by this sudden meet up with an old friend from the past.

“Gosh! Don’t cry nga! Baka isipin nila inaaway kita, sissy!” Natatarantang sita nya sa akin na ikinatawa ko naman ng mahina habang umiiyak pa rin

Sissy. Her endearment to me before dahil girlfriend daw ako ng kapatid nya. But we have ended our relationship before and I think that, that endearment doesn’t suits me now.

“Katelyn, gosh I missed you!” Sabi ko at agad siyang niyakap ng mahigpit na ginantihan nya rin ng mahigpit na pagyakap sa akin

Naramdaman ko na medyo nabasa ang balikat ko and I just heard her also crying while we are hugging each other.

Napatawa naman ako ng mahina dahil nagdadramahan na kami dito. I pull myself off the hug and wipe my tears away.

“Sorry, it’s just that..” Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko at napatawa nalang ng mahina

“Alam mo, nakakainis ka!” Napatingin ako kay Katelyn at sumilay ang malungkot na ngiti sa akin

“Kate...” Mahinang pagtawag ko sa pangalan nya

“N-Nakakainis ka..u-umalis ka ng h-hindi nagpapaalam s-sa’kin. Y-You left without e-even informing me why. N-Nakakainis ka!” Umiiyak na sambit ni Katelyn kaya hindi ko maiwasan na maisip ang dahilan ko kung bakit ako umalis noon

The painful memories are all coming back now and flashing in my mind like everything that had happened was just yesterday. Paunti-unti ay tila dinudurog na naman ang puso ko. Pero, kinalma ko ang sarili ko at pilit na ngumiti.

“I left for good, Kate, sorry...” That’s all that I can say right now

“I-Iniwan mo si K-Kuya, ni siya ayaw rin magsabi! Nakakainis ka! Akala ko ba sissy tayo?!” Umiiyak pa rin sya habang sinusumbat sa akin ‘yon

Napabuntong-hininga nalang ako and calm myself down. I may not be expecting to meet her her, but I already told myself before that whenever this day might come, I will be strong. I won’t let my old self be back again. Tama na.

“Kate, I hope you understand. Mas mabuti pa na wala ka nalang alam, o mas mabuting ‘wag mo nalang alamin pa ang nangyari sa nakaraan” I uttered as I place my hand on her shoulder

“Pero, I know you wouldn’t left without a valid reason. Kaya inaway ko si Kuya, knowing that maybe he did something to upset you” She even sniffed while wiping her tears and calming herself

Yes, kilala mo nga ako, Katelyn. I wouldn’t left without a valid reason, but sadly that valid reason is the one I don’t want you to know. Mas mabuti ng hindi nya malaman kung bakit kami naghiwalay ng kapatid nya.

“You shouldn’t, kapatid—”

“Wala akong kapatid na manloloko!” Putol nya sa sinasabi ko

So she knew already...

“Nagalit ako sa kanya after ko malaman kung bakit ka umalis. Although I already know that, that bitch is flirting my brother, I never thought that papatulan sya ni Anthony...” She sighed and hold my hand

“Kate...” I was lost of words

“Sorry, sorry for what have my brother did to you before. I’m sorry if you felt that pain, hindi mo deserve ‘yon” She said as she smiled at me, “Sorry, sissy. I should have know...” She added

I smiled at her and hold her hand too.

“It’s all in the past now. Nakapag-moved on na ako, Katelyn. I’m all good” Tanging naisatinig ko sa usapan namin

She hugged me one more time as I responded. Saka ko lang naalala kung bakit nga ba ako nandito.

Yung mga anak ko baka kung ano na naman ang ipakain ni Lorence kapag hindi pa ako nakabalik. Mamaya amos-amos na naman ang dalawa na ‘yon dahil sa Daddy nila.

“Wait, bakit ka nga pala nandito?” I asked her after she pull herself away from the hug

“A-Ako? Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” She fired back my own question to me

Should I tell her what? What should I tell her? Na andito ako para bumili ng gamit ng mga anak ko? No way.

“Napadaan lang ako, tapos napansin ko itong mga libro so I went here to take a look of it. Mukha namang maganda so I was planning of buying some to read” I explained, luckily I didn’t stuttered while talking

“G-Ganon ba?” She asked me, feeling relieved?

“Bakit? Ikaw ba, bakit ka nandito?” I asked her the same question I asked her earlier

“Ano...nautusan, oo, nautusan kasi ako then ayun napadaan na din” She explained but trying to avoid my gaze

She’s definitely lying. Hindi sya magaling magsinungaling. Napabuntong-hininga nalang ako at hinuli ang tingin nya.

“Kate, why are you really here? May kausap ka pa nga sa telepono mo kanina but you know where to go here, at papunta ‘yon sa mga school supplies. Now tell me, may anak ka na ba para bilihan ng gamit pang-eskwela?” I asked her seriously so she can be caught off guard

If ever na may anak na nga sya, who could possibly be the father? Ilang taon na kaya? Ilang anak na ba ang mayroon sya inside of those five years that I’m gone.

She chuckled nervously before answering.

“W-Wala akong anak ano ka ba naman, napadaan lang eh” She stuttered, halatang nagsisinungaling

I sighed. I don’t care about her life now, I shouldn’t be here right now and talking to her. Baka mamaya kasama pala nya ang iba naming kaibigan edi nagkita-kita kami dito at nagkaroon pa ng unexpected reunion?

What about my kids and Lorence? Baka mamaya ay may nakakita na pala sa kanila na kakilala namin. How will we explain everything to them then?

“Anyways, I need to go now, Katelyn...” I smiled at her before turning my back

Hindi naman siguro nya nahalata na gusto ko ng umalis ‘di ba?

“W-Wait!” Nilingon ko si Katelyn na humawak sa braso ko para pigilan ako

“Bakit?” I asked her

“A-Are you here for good? Magkikita pa ba tayo?” She asked me the questions that I can’t gave an answer

Magkikita pa ba kami?

Till We Meet Again (The Final Meet-up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon