Chapter 1 : Ang Nakaraan

2 0 0
                                    

Chapter 1 : Ang Nakaraan










---FLASHBACK---





▪︎5 YEARS AGO▪︎





Micaela Lim's POV





Ilang taon na ang nakakalipas mula nang maging kami ni Anthony. Marami na rin ang nagbago mula nang may dumating sa mga buhay namin. 'Yung mga kaibigan namin ayun at naging mag-girlfriend-boyfriend na. Pero...may isang tao ang dumating sa buhay namin na siyang minsan ay nagiging dahilan para mag-away kami ng mga kaibigan 'ko.


"Ito na yata ang tamang panahon para komprontahin mo na 'yung babaitang 'yan!" Gigil na sabi ni Andrea habang masamang nakatingin dun kay Marjorie


Marjorie Delgado-sya ang tinutukoy nuon ni Anthony na naging kaibigan nya dito sa maynila mula nang umalis sila ng probinsya. Nagbalik si Marjorie nuong first year namin as a Senior High School student.


Naging malapit ulit sila ng kaibigan nya na si Anthony na halos sa buong maghapon ay silang dalawa nalang ang magkasama dahil laging nakapulupot ang braso nya sa boyfriend 'ko.


Boyfriend 'ko? Ba't parang hindi 'ko ramdam? That's one of the reason why I always argue with my friends. I keep not minding her, but knowing my friends?


"Komprontahin? Bakit naman?" Takang tanong 'ko pabalik kay Andrea


"Jusko naman Micaela! Inaahas na nya 'yung boyfriend mo mula nang dumating 'yang ahas na 'yan dito! Manhid ka na ba?!" Mariing sigaw sa akin ni Hannah na gigil na gigil na talaga, 'yung tipong handa na siyang sumabunot ng kung sinong babae dyan sa tabi-tabi


Nagbago na sila sa paglipas ng panahon. Well, change is the only permanent thing in this world. They seems to be more matured, matured nga ba ang tawag do'n? Para silang mga matatanda kung umasta, 'yung para bang ganito, ayan, mukhang inaagawan ng asawa.


"Nga naman 'cous hindi ka man lang ba nasasaktan na makita si Mark na kasama ang haliparot na babaeng 'yon?" Inis na sabi naman ni Josh na kagaya ng mga kaibigan naming babae ay pilit akong kinukumbinse tungkol sa pagkompronta kay Marjorie


Well, mabuti na nga lang at medyo malayo sina Anthony at Marjorie sa aming lahat. Nasa medyo may kalayuang sulok sila away from us. Ganyan naman kasi palagi ang senaryo, Marjorie and Anthony were always together at madalas ay sila pa nga ang napagkakamalan ng mga tao at nakakakita na mag-boyfriend and girlfriend kesa sa aming dalawa dahil nga madalas silang magkasama.


Nandito ang lahat ng mga kaibigan namin including Kate na katabi 'ko ngayon na masama rin ang tingin dun kay Marjorie. Ewan 'ko ba dyan sa mga kaibigan 'ko, they always make everything big deal.


"Tara sissy resbakan na natin 'yang bruhildang 'yan" Madiing bulong sakin ni Kate habang nakahawak sa isa 'kong kamay


"Pwede ba? Ayoko ng away okay? Hayaan nyo nalang" Sabi 'ko na pilit kinakalma ang sarili


Ilang taon na ang lumipas at ngayon ay 4th year college na kaming lahat. Pare-pareho rin kami ng course na kinuha. Sa mga nagdaang taon ay sinabi sa akin ni Tito slash Doctor Martin na baka daw ngayong taon na ito ay hindi na kayanin pa ng sarili 'ko na magtagal. My condition is too dangerous lalo na kung hindi pa maaagapan.


Ilang buwan na nga lang at magtatapos na kami sa pagiging college. Five months nalang yata or less than of it. Naghahanap na rin si Tito ng pwedeng maging donor 'ko sa puso. May sakit ako sa puso at ang taning ng buhay 'ko ay hanggang ngayon nalang. Kung hindi pa kami makahanap ng donor ay mamamatay ako ng tuluyan.


Walang ibang nakakaalam ng sakit 'ko at ayoko rin na ipaalam. Ito ang dahilan kung bakit iniiwasan 'ko na maging maramdamin at kailangan lagi akong may kasama anytime na atakihin ako. Si Lorence ang isa sa mga nakakaalam ng kondisyon 'ko dahil sinundan nya ako one time nung nagpacheck-up ako sa hospital. I didn't told it to him, baka akalain nyo na una 'ko pang sinabi sa kanya ang kondisyon 'ko imbes na sa parents at sa boyfriend 'ko.


Hindi 'ko alam kung paano niya nahalata ang mga ikinikilos 'ko at sinundan niya ako pero sinabi lang niya na madalas daw niya akong makitang pumunta sa comfort room at minsan ay namumutla pa. He even noticed my sudden tiredness kaya nang makita niyang paalis ako ay sinundan niya ako. That explains kung bakit at paano niya nalaman ang tungkol sa sakit 'ko.


Sinabi rin pala sa akin ni Tito Martin na dapat lang daw na may kahit isa man lang sa mga malalapit na tao sa akin ang makaalam ng tungkol sa kondisyon 'ko. Para anytime na kailangan 'ko ng tulong ay may taong nandyan para sa akin. Para daw may bantay ako for any unexpected scenarios na pwedeng mangyari sa akin na maging dahilan para ikapahamak 'ko at mapabilis ang buhay 'ko nyan.


"Hey sissy! Bakit parang namumutla ka?" Nag-aalalang sabi ni Kate na nakapagpabalik sa akin sa malalim na pag-iisip


"Huwag kang mag-alala, okay lang ako" Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya para naman maniwala siya sa kasinungalingan 'ko


Masama na talaga ang pakiramdam 'ko ngayon pero pinipilit 'ko lang na 'wag ipahalata sa iba. Hindi dapat sila makahalata at baka mabuking ako at mabunyag ang lihim na pitong taon 'ko nang itinatago sa kanila. A secret that i don't want them to be involve. Mas okay na ako nalang ang magdusa at mahirapan kesa madamay pa sila sa pag-iintindi 'ko sa problema 'ko.


Ayoko nga nung una na madamay at malaman ni L ang tungkol sa kondisyon 'ko pero wala eh, napilit nila ako, sino nga ba naman kasi ako para tumanggi pa. Lorence offered help at laking pasalamat 'ko talaga at may kaibigan akong tulad niya. A friend that really needs to be treasured dahil bihira lang ang mga tulad nila. Ang iba kasi ay iiwan ka nalang sa ere kapag nakahanap ng iba o ng tamang pagkakataon para iwanan ka, tulad ng mga dating kaibigan ni Kate.


"Sure ka ela?" Tanong na rin ng iba pa naming kaibigan na kasama rin namin dito


Tumango lang ako sa kanila at sinabing magc-cr. Iinom kasi ako ng gamot 'ko at doon ang pinaka-safe na lugar para lang hindi nila makita.





*****





Habang naglalakad ako pabalik sa rooftop ay may nahagip ang mga mata 'ko na dalawang tao na naghahalikan. They seems too familiar to me kaya naman dahan-dahan 'ko silang nilapitan. Nakikilala 'ko kung sino ang mga ito at laking gulat 'ko nalang nang bigla nalang tinulak ni Anthony si Marjorie palayo sa kanya. Nag-uusap sila at bigla nalang ulit hinalikan ni Marjorie si Anthony na ikinagulat nya pati ako.


Hindi 'ko magawang umalis sa kinatatayuan 'ko ngayon. It feels like I'm stocked and can't do any move at all. Para akong natulos sa kinatatayuan 'ko na halos nakatitig nalang talaga ako sa kanila at hindi na magawa pang gumawa ng kahit na anong pagkilos. Ni hindi 'ko nga magawang kumurap o umiwas man lang ng tingin mula sa kanilang dalawa na nandito ngayon at pinapanood 'ko nang hindi nila alam.


Ilang beses 'ko na rin namang nakita na naghalikan sila mula sa mga nagdaang taon pero isinasawalang bahala 'ko nalang. If i need to be blind of them, i will. If this is the only chance to let our relationship not to be broken, then i need to sacrifice my own feelings kahit na sobrang sakit na. Ganun naman talaga kapag nagmamahal 'di ba? Habang mas lalo kang nagmamahal, mas lalo ka lang masasaktan. The more you love a person that you knows that hurting you, the more you will be hurt times three of how much you love that person.


Biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang breaktime kaya umalis na ako doon at tumakbo patungo sa classroom. They should not know na nakita 'ko sila do'n. Walang sino man dapat sa mga kaibigan namin ang makaalam dahil baka magkagulo na.


Ayokong dumating sa punto na baka magkawatak-watak kami dahil lang sa problemang dapat ay kami lang ni Anthony ang sumusulusyon. Friends were always there for every problems you have, but, hindi dapat sa lahat ng problema ay kasama natin sila at tutulong humanap ng solusyon.


May mga bagay na dapat na kayong dalawa lang ng karelasyon mo ang dapat na umayos. That is what important in a relationship, you should both know how to handle things without letting other people handle it when you could just do it by yourselves.


Kakayanin pa naman siguro naming bigyan ng solusyon ni Anthony ang nangyayari sa amin. Hangga't maaari ay ayokong madamay ang mga kaibigan namin. Ayokong pati sila makiramay sa sakit na nararamdaman 'ko nang dahil sa nasasaktan ako sa pag-ibig 'ko sa kanya.


If I need to fight until I can, I would. Pero kung wala na talagang pag-asa na maibabalik pa namin ang dati ay titigil nalang ako na umasa at masaktan sa lalaking minamahal 'ko pero iba na ang mahal.


Napatigil ako saglit at napasandal sa pader. Napangiti nalang ako ng mapait habang iniisip ang kung ano nga bang dapat 'kong gawin. Should I stop and let myself breathe from him, or should I let myself be hurt again and again by the him?










----------
Katelyn Mendez's Point of View





Matapos ang morning class namin ay napagdesisyunan namin na pumuntang mall para naman makapag-gala at makapahinga dahil puro kami review ngayon for our incoming periodical test or should I say na mga quarterly examinations for our last semester.


Mula kanina nang makabalik si Sissy 'ko nung recess ay hindi na sya palaimik, though sanay naman na kami sa kanya, but she's more different today than everyday na kasama namin siya, like something's strange about her today, unusual rather.


I am aware that she saw my brother with that slut KISSING and I know that it is the reason why she is too upset sometimes. Yeah, I also know na madalas magkasama si Marjorie at Anthony behind our backs, I mean like 'cheating'.


Nandon ako nung makita nya sila. Napadaan ako doon kasi nga bigla akong naihi so sumunod ako sa sissy 'ko. Who would have thought na makikita 'ko ang eksana na 'yon? Wala na sya pagpunta 'ko roon kaya matapos 'kong umihi ay paalis na dapat ako when I saw her standing and hiding. Nakita 'ko siya kanina and I've been thinking twice if I should go towards her or not, pero pinili 'kong hindi nalang at hinayaan siya.


Lumapit ako don just to see what cheating did my brother is doing. Yes, I am his sister but I wouldn't tolerate him! He's hurting my sissy more than I hurt her before! She don't deserve to be hurt my own Brother! Hindi niya dapat na sinasaktan ang babaeng nagmamahal sa kanya! I hate him! I really do!


Iniisip 'ko nga na hindi deserve ni Kuya Mark si Micaela if ipagpapatuloy pa niya ang pananakit kay Ela patalikod. My sissy deserves someone who will take care of her and not hurt her. Everyone deserves someone who will make them happy, happy not because they are together, but happy that they treasure each other and keeps each other together forever.


"Mica? Ayos ka lang?" Lorence asked her


Yeah, you read it right. She gives us permission to call her that name. Wala na siyang pakielam sa kung sino man ang tatawag sa kanya by that nickname since nakamove-on na siya sa nakaraan niya. Hindi naman sa 'pag sinabing nakaraan na ay dapat nang kalimutan na at ibaon sa limot, ang nakaraan ang siyang tumulong sa atin na maging kung ano tayo ngayon kaya dapat ay hindi natin 'yon basta nalang kinakalimutan.


Tulad 'ko nalang na hanggang ngayon ay pinapanatili sa alaala 'ko ang mga nangyari sa nakaraan namin na naging dahilan para eto at maging close kami ni Micaela, makahanap ng mga totoo at mabuting kaibigan, ang makilala ang kapatid 'ko at malaman ang totoong ako.


"Uh-huh...ayos lang ako" Matamlay na sagot nya


Nandito kami sa food court at hindi namin kasama 'yung mga taksil. I don't want to be with them either dahil baka hindi 'ko mapigilan ang sarili 'ko at mangudngod 'ko ang mukha ng babaitang bruha na 'yon sa semento.


I promised back then na hindi 'ko hahayaan na may manakit sa sissy 'ko, even my own brother. She's the friend na totoo at talagang poprotekta sa'yo like what I've witnessed before. Siya 'yung klase ng kaibigan na dapat iniingatan because she is also fragile and soft. Alam 'ko na rin ang gawain niyang pagtatago ng nararamdaman niya and i don't like it. We are friends yet she don't want to share her feelings towards us.


"Parang namumutla ka sissy?" Alalang tanong 'ko sa kanya dahil kanina 'ko pa 'yan napapansin


"Hindi yan Kate, ayos lang talaga ako" Nanghihinang sagot nya sakin. Ayan, ganyan, she keeps saying that she's okay even though she's really not.


"Ela, may masama talaga sayo" Nag-aalalang sabi naman ni Camille saka lumapit ng kaunti kay sissy Micaela 'ko


"'Cous, you look pale and I think may masakit talaga sayo" Alalang sabi ni Andrea sa pinsan niya na makulit talaga at ayaw pang umamin sa amin


Namumutla na si Sissy na parang nawalan bigla ng dugo. Matamlay din sya at parang nanghihina. Ayan ba ang okay lang? Tell me, 'yan ba? Hayst.


"Hey M, dadalhin kita sa hospital" Kahit si Lorence nag-aalala na rin sa kalagayan ni Sissy 'ko


"Wa-wag n-"


"Ela!" Sabay-sabay naming sigaw nang bigla nalang syang nahimatay habang hawak ni Lorence





*****





"Tito, how's Micaela?" Tanong ni Mark


Tinawagan namin sya kanina at sinabing nandito kami sa hospital. He's still my bestfriend's boyfriend kaya may karapatan naman siyang malaman na dinala namin ang girlfriend niya dito sa hospital nang wala siya. Tapos kanina pagpunta nya rito ay dala pa nya yung ahas. Kabugnot talaga. If I am still like the old Katelyn na hanap ay gulo, malamang sa malamang ay nangudngod 'ko na talaga 'yang babaitang bruha na 'yan sa semento eh.


"I think you all need to know what's happening" Seryosong sabi ni Tito Martin


"Doc..." Pagpigil ni Lorence pero wala na siyang nagawa pa


"They need to know, Lorence. Ito na ang tamang oras para malaman nila." Sabi ni Tito na nakapagpakaba sa akin, sa aming lahat na nandito at nakikinig


'Wag nyo nalang isali 'yung bruha dahil wala naman 'yang pakielam sa bestfriend 'ko, ahas lang siya at linta kaya nandito. Napabalik lang ako ng tingin kay Tito mula sa pagtingin ng masama kay bruha nang magpatuloy na ito sa pagsasalita.


"She has a heart disease. May butas sa puso nya at base sa kalkulasyon ko ay hanggang sa isang buwan nalang ang itatagal nya kung hindi pa rin tayo makakahanap ng donor" Nawawalang pag-asang sabi ni Tito saka tumingin sa amin isa-isa, "Pero maaaring mapabilis ang natitira niyang oras kung may mangyari mang hindi inaasahan" Dagdag pa ni Tito na nakapagpahawaķ ng isa 'kong kamay sa sintido 'ko


"A-ano?..." Halos pabulong naming saad saka ako napakapit sa may pader nang muntik na akong matumba


"Konting panahon pa Doc, may mahahanap rin ako!" Naluluhang sabi ni Lorence saka tumingin ng nagmamakaawa kay Tito


Galit na binalingan naman ni Mark si Lorence saka kinuwelyuhan. Lahat kami ay nagulat kaya naman lahat kami ay napahakbang para pigilan siya pero kalaunan ay naptigil nalang din.


"Mark!"


"Pre!"


"Alam mo ang lahat dito?!" Galit nyang tanong kay Lorence, "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?! Sa akin?!" Dagdag pa nya


He knows everything but he keep it as a secret from us?! Sarkastiko namang tumawa si Lorence bago sumagot.


"Ayaw nyang sabihin sa inyo" Sagot ni Lorence na nakapagpatigil kay Mark maging sa aming lahat, "Pati kung sasabihin 'ko ba sa inyo, matutulungan nyo ba sya? Mag-aalala ka ba sa kanya Mark?!" Galit na saad ni Lorence at tumulo ang luha nya sa mga mata niya


Halos lahat ng napapadaan sa amin ay napapatingin na dito sa pwesto namin dahil sa komusyon na nangyayari.


"Bakit hindi ka makasagot? Kasi hindi ka mag-" Naputol ang sasabihin ni Lorence nang sumabat si Mark


"Natural mag-aalala ako! Boyfriend-"


"Boyfriend ka nya? Talaga ba? Kaya pala nagpapahalik ka sa iba!" Ganting sagot ni Lorence ng mahina dahil pinagtitinginan na kami dito


So he also knows.....


"Mark, Lorence, kalma lang. Pinagtitinginan na kayo dito oh?" Pagpapahinahon ni Tito Doc sa kanila at hinawakan pa niya sila sa magkabilang-balikat


Binitawan naman na ni Mark si Lorence at tumalikod para pumasok sa kwarto ni Ela. Si Lorence naman ay masama lang na tumingin sa pinatunguhan ni Mark.


"Bakit ganyan ka kay Mark? Kayo?" Napalingon naman kami dahil sa tanong naman ng ahas na akala mo ay may concern sa bestfriend 'ko kaya nandito pero ang kapatid 'ko lang naman ang habol


"Alam mo Marjorie, umalis ka sa harap ko at baka magdilim bigla ang paningin ko at ikaw ay mapunta sa emergency room!" Gigil na sambit ko at hahaklutin na dapat ang buhok nya kung hindi ako pinigilan ni Lorence sa pamamagitan nang pagyakap sa akin mula sa likod para hilahin palayo sa bruha'ng 'to na kaharap 'ko





*****





Mark Anthony Delos Santos' Point of View





Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ng mahal 'ko. Sobra akong nabigla, at the same time natakot din. Nabigla akong malaman na may sakit sya at hindi man lang nya sinabi sa amin. Natakot ako na baka isang araw mawala na sya sa amin...sa akin ng tuluyan.


"Mica 'ko....bakit naman hindi mo sinabi?" Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha 'ko na kanina 'ko pang pinipigilan habang hawak 'ko ang kanan nyang kamay at nakaupo ako dito sa bangko na katabi ng kama nya


"Dapat alam 'ko na ito eh....Boyfriend mo ako pero hindi ko man lang nalaman na may iniinda ka ng sakit..." Umiiyak 'kong bigkas habang hawak ang kanan nyang kamay


Bakla na kung bakla kung may makakita sakin dito na umiiyak. Wala akong pake sa sasabihin ng iba. I just want to expressed my feelings right now. I am so sad at the same time mad for my self.


I am her boyfriend yet I didn't even know that the woman i love the most has already been fighting for her life.


"Pagaling ka baby ko...." Sabi 'ko at hinalikan sya sa noo...





*****





Micaela Lim's Point of View





Narinig 'ko lahat. Narinig 'ko lahat ng binigkas nyang mga salita. Nasasaktan ako na makita syang nahihirapan at sinisisi ang sarili nya. Pero mas nasasaktan ako sa part na nandito sya kahit napipilitan lang.


Alam 'ko at ramdam 'ko na may pagtingin sya kay Marjorie. Alam 'ko na may nararamdaman na sya para sa kababata nya. Alam 'kong may mahal na syang iba at ang katotohanang hindi na ako ang lalong nagpapabigat ng damdamin 'ko ngayon.


Hindi 'ko alam kung bakit namin kailangang dumaan sa ganitong pagsubok. Hindi 'ko alam kung anong kasalanan 'ko para maranasan naming lahat ito. Diyos lang ang may alam kung anong mangyayari sa amin. Diyos lang ang may karapatan upang ang buhay 'ko ay bawiin.


Pero...Sana 'wag na muna. Ayoko pa silang iwan na hindi masaya....

Till We Meet Again (The Final Meet-up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon