Chapter 6 : Relieved

2 0 0
                                    

Mark Anthony’s Point of View

              

                 

                   

                  

                      

I can hear her voice. I can see her standing infront of me while she’s facing the balcony.

        

               

“Mica? Hey, baby ikaw ba ‘yan?” I called her but no response

        

               

Unti-unti akong lumapit sa kanya pero napatigil ako nang bigla siyang magsalita.

        

               

“You're always making a promise but you're a promise breaker” I heard her say like a whisper at tumingin ulit sa labas mula dito sa second floor ng bahay 'ko, bahay naming dalawa kapag kasal na kami

        

               

“Mica....H-Hindi 'ko naman sinasadyang hindi matupad—” Pinutol na niya agad ang sinasabi 'ko

        

               

“Iniisip ko tuloy kung saan ako nagkulang para masaktan ako ng ganito” Sambit niya ulit pero nagpupunas na ngayon sya ng luha habang nakatalikod sa’kin

        

               

Agad 'kong tinawid ang pagitan namin at agad siyang niyakap ng sobrang higpit. Hindi 'ko kayang marinig o makitang umiiyak sya. Hindi 'ko kaya dahil para akong sinasaksak na makita siyang nasasaktan at wala akong magawa.

        

               

“I love you” Bulong 'ko habang nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha 'ko habang nakayakap ako sa kanya mula sa likod

        

               

“You love me yet no one of your promises have been done” Mapait niyang sabi sabay subok na kalasin ang pagkakayakap 'ko sa kanya pero hindi 'ko siya hinayaan, hinigpitan 'ko pa lalo at sumiksik sa kanya

        

               

“Please, sorry na sa lahat” I don’t know kung bakit ganito ang sinasabi niya, i even don’t know kung totoo ba ito o panaginip lang

        

               

“Sorry? Ilang sorry mo na ba yan na inulit mo pa rin na gumawa ng mali?” And that made me realize something

        

               

Unti-unti 'kong niluwagan ang yakap 'ko sa kanya. Ipinihit 'ko sya paharap sa akin at nakita 'ko ang namumugto niyang mga mata habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Till We Meet Again (The Final Meet-up)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon