✨32 -Elevator ✨

6 0 0
                                    

Ang bilis lang ng panahon at isang bwan na ang nakalipas simula ng magumpisa ulit ako ng trabaho sa kumpanyang ito.

However in that span of time, marami naman akong naachieved dito sa opisina at sa flower shop business namin. Hindi naman mahirap saakin imanage ang business at the same time, full-time na nag tatrabaho sa GGG Broadcasting. Nag hire din kase ako ng mga working students na kahit papaano ay nakakatulong ni Lolo at Lola sa pag mamanage. Malaking pasalamat ko rin na malakas pa ang Lolo at Lola ko.

Pinipilit ko nga sila na hwag na masyadong mag pagod pero yun nalang daw talaga ang exercise nila kaya pinagbigyan ko na.

Busyng busy kami ng mga nakaraang week gawa ng Annual Ball Event namin na dadaluhan ng mga bosses of GGG Broadcasting at ng mga invited guest speaker, celebrities at business tycoon. Ito ang pinaka matrabahong project ang meron ang kumpanya sa buong taon. Sa katunayan, this is the first time that we will see the big bosses of our company kaya naman ibayo talaga ang pag hahanda ng kumpanya.

Halos di na nga magtugma ang schedule namin ni Solana at matagal na rin kaming hindi nakakapag chikahan gawa ng lagi syang out of the town for her projects.

Pero dahil bukas na ang event, lahat kami naghahanda na ng kailangan pang asikasuhin sa office para sa the most awaited occasion of our company. Hindi lang kase pag lalatag ng accomplishments ang magaganap kundi, awarding at planning rin. At the same time, we have to make ourselves glamorous that night dahil malaking premyo ang mapapanalunan kung isa man saamin ang mapiling star of the night diba? Pero asa pa ba akong mapipili, eto nga at bukas na ang event, wala pa rin akong damit. Sa totoo lang, I volunteered myself as one of the organizers kaya hindi ko kailangan mag hanap pa ng gown na susuotin. Just a professional casual get up will do.

But the truth is, scapegoat ko lang talaga iyon kase wala akong time maghanap ng idadamit at wala rin akong alam sa pag aayos.

Isa pa, magastos lang iyon. Bakit ako mag aaksaya ng sahod ko diba?

"Son of dinosaur!!!" Nagulat ako ng biglang may umakbay saakin .

"Mam Gaia, so pano, antayin mo pa ba si Mam Solana?. Bakit ba kase nag volunteer pa kayo as one of the organizers eh, sayang naman ang premyo malay mo Mam Gaia it's your time to shine tomorrow! Sayang din 100k noh? Ang generous ng company natin para magbigay ng ganun kalaking halaga for the star of the night awards! At for sure, ikaw ang pipiliin because you are the star of the night for me!" Aniya ni Facundo, bagong empleyado, mga anim na bwan na syang nag wowork sa company and he's under my supervision.

Masyado ng marami syang nalalaman tungkol saakin kaya kahit pa isang bwan lang ako bago naka balik sa kumpanya, ganyan na talaga sya ka feeling close.

Unti-unti kong tinangal ang nakaakbay niyang braso saakin at agad siyang hinarap.

"FUC---UNDO! Wag mo nga akong gugulatin ng ganyan?!"

"Mam Gaia naman eh, ang tahimik nyo kase at kanina pa kayo nakatulala sa kawalan, ito binili kita ng kape, patawarin mo na ako Mam Gaia....Pleeeaaaaase.... Kape o ako?"

Inirapan ko siya at kinuha ang cup of coffee na hawak niya.

Nakita ko ang disappointment sa mga mata nya ng kinuha ko ang kape.

"Of course it's the coffee... Sana kape nalang ako...hayssss" Aniya niya na naka pout at parang bata. The truth is, he is! Gosh! He's only 20 years old for god's sake!

"Dahan dahan Mam Gaia! I'm hot!!! -- I mean, the coffee is hot!!!"

"Alam mo, isa pang pick up line at ipapalipat na kita sa team ni Solana."

"Wag naman, di na kita makikita niyan. Di pa nga umeepek yang coffee potion ko eh!"

"Ay nako! Ewan ko sayo Fucundo Wag ako, di ako madadaan sa mga pacute mong yan!"

Guardians of Azthralz Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon