Nakakapagod din palang umintindi,
Pakiramdam ko kasi balewala din,
Sinusubukan ko naman ang lahat,
Hindi pa ba sapat?Para akong nauupos na kandila,
Kahit gaano ko pa piliting mahliwanag,
Balewala kasi wala ng pag asa,
Mawawalan din ng sinag.Ganito na lang lagi,
Nakakapagod na kasi,
Nauubos nako,
Masakit na sa pusoSiguro hanggang dito na lang,
Wala ng susunod na pahina,
Ito na ang wakas natin,
Hanggang sa muli nating pagkikita