"Palayo sayo"

4 2 0
                                    

Sa paglubog ng araw,
Ang buwan ay lilitaw.
Magbibigay ng ilaw,
Kasabay ng aking pag bitaw.

Maglalakad palayo sayo,
Tuluyang lalaya sa yakap mo.
Mga butil ng aking luha,
Malayang umalpas saking mata.

Pinipigilang lumingon,
Dahil alam kong pag ginawa ko iyon.
Ako'y tatakbo pabalik sayo,
Susugal ulit kahit pa masaktan mo.

Kailangan ng lumisan,
Dahil ito lang ang paraan.
Magpapatuloy sa buhay ko,
Lilimutin ang isang tulad mo.

May 08,2023

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon