Sulyap

6 4 0
                                        

Ayan ka na naman,
Nag iiwas ng tingin,
Alam kong hindi mo ako gusto,
Pero sana naman lingunin mo

Ang lapit mo pero
Pakiramdam ko tayo'y magkalayo,
Sulyap lang naman ang hinihingi ko,
Pero bakit ang damot mo?

Hindi ko naman hiniling na gustuhin mo,
Sapagkat isang sulyap mo lang ay higit na.
Ang hapdi ng aking puso
Dahil sa pag iwas mo

Masakit ba ako sa mata,
Para iwasan mo nang ganto?
Ganon ba ako kababa,
Para hindi maging karapat dapat sa sulyap mo?

03/22/2022

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon