Tayo ay Aangat

3 2 0
                                    

" Tayo ay aangat"

Magkakaibigan na puro,
Tanging hangad ay pagka panalo.
Salamat dahil kayo ay naging totoo,
Walang halong negatibo.

Nag hihilahan paangat,
Upang pangarap ay makamit.
Walang maaiiwan sa ibaba,
Lahat tayo ay sama-sama.

May tiwala sa isat-isa,
Nakatalikod man ay nakasoporta.
Tayo ay magkasangga,
Sa hirap man o ginhawa.

Pinagbubuklod ng mga pangarap,
Magbubunga lahat ng pagsisikap.
Pagkakaibigang dika ipapahamak,
Pag sila ang kasama dika babagsak.


Written by: Lynette Ragudo
Dedicated to: Aparri United Music

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon