Minimithi

3 2 0
                                        

"Minimithi"

Ang iyong pag ibig ang tanging minimithi,
Sa pagmulat at pagpikit ng aking mga mata.
Ikaw lang ang aking tinatangi,
Minimithi kay bathala.

Na ikaw ay muling mapasaakin,
Na ako'y iyong mahalin.
Pangalan mo'y tatawagin,
Ipapaalala sayo ang nalimutang sumpaan.

Nanabik sa iyong yakap at halik,
Umaasang pagmamahalan ay maibalik.
Nalulumbay sa iyong pagkawala,
Aking mahal hanngang sa muli nating pagkikita.

Ako'y mananatili at patuloy na maghihintay,
Kahit pa sa susunod na buhay.
Damdamin ay di hihimlay,
Pagmamahal ay sayo lang iaalay.

05-09-2023

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon