Dalampasigan

3 2 0
                                    

"Dalampasigan"
Ngayon ay mag isa,
Sa gilid ng dalampasigan.
Nilalamig at lumuluha,
Nasasaktan saking paglisan.

Lumisan ako dahil sobra na,
Mga pasakit na iyong pinadama.
Puro na lang pagdurusa,
Wala ng saya.

Sinubukan ko naman,
Ilang beses ngang lumaban.
Kahit alam kong wala ng papatunguhan,
Dahil talo na sa laban.

May 02,2023

Ang lahat ay may hanggan,
Lahat ay may katapusan.
Ako'y tuluyan ng lilisan,
Paalam aking tahanan.

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon