"Kalawakan"
Sa ilalim ng tahimik na kalawakan,
Kumikinang ang mapayapang kalangitan.
Damdamin ko'y sumisigaw,
Natatanging minamahal ay ikaw.Kumikinang ang iyong mata,
Kasabay ng ngiti mo'ng nakakabighani.
Saksi ang mga bitwin at buwan
Kung gaano kawagas ang ating pagmamahalan.Yakap mo ay nakakakalma,
Puso ko'y nagwawala pag nakikita ka.
Mahal kita ng sobra,
Kahit pa kalawakan ay kumontra.Tanging ikaw ang iibigin,
Ikaw lang ang aking tinatangi.
Sa mundong walang kasiguraduhan,
Merong ako na ang nais ay ikaw lagi.April 30,2023
