Kalangitan

4 3 0
                                        

"Kalangitan"

Dating maningning ay nawalan ng kulay,
Nag dilim ang kalangitan
Naghihinagpis ang mga bituwin
Na tila ba nawalan ng buhay.

Kalangitang nagbigay sakin ng payapa,
Ay sya din pa lang magbinigay sakin ng pangamba.
Ang dating kay sayang alaala ay nabura,
Natabunan ng ulap nang pag durusa.

Hindi ko lubos inakalang ika'y mawawala bigla,
Sumabay ka sa malakas na ihip ng hangin
Palayo saking damdamin
At iyong tinangay ang masasayang alaala

Parusa ng kalangitan,
Tanging naiwan ay mabigat na pasanin,
Damdamin na iyong winasak,
kasunod nito ang aking pagbagsak
03-05-2023

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon