"Calle"
Tanawin ay makaluma,
Napaglipasan ng panahon.
Lumang kabahayan,
Calle na kay payapa.Bawat parte ay may nakaraan,
Mga kwentong kay sarap balikan.
Kung pano tayo nagwagi sa labanan,
Mula sa pananakop ng mg dayuhan.Makalumang tanawin,
Sa makabagong panahon.
Tila ba binabalik sa kahapon,
Na syang nagpatatag sating pundasyon.Kahit saan ka tumungo,
Makikita mo ang bakas nang nakalipas.
Alaalang hindi magwawakas,
Kahit dumaan pa ang ilang dayo.@Calle Crisologo, Vigan City
