Makinig ka

4 3 0
                                    

"Makinig ka"

Sa hangin na lang ba ibubulong?
Mga damdaming nais ihayag.
Gaano ba kahirap ang makinig?
At hindi mo magawa maski ang pagtitig.

Damdamin ko'y iyong binabaliwala,
Pinagsasarhan ng pinto at pinapalaya.
Ano ba ang aking nagawa?
Hanggang kailan mag mamakaawa?

Para sa atensyon mong aking nais,
Oh makinig ka naman sakin.
Mga hinaing ng aking damdamin,
Hanngang kailan mag titiis?

Kung pwede sana ay ibalik ang dating kay tamis.
Mga ala alang 'di na maibabalik.
Ang tanging naririnig ay ang aking pagtangis,
Sakit ay isinisigaw sa paraang tahimik.

The Comfort of teaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon