“SO, you gave him a chance? Is that it?” tanong ni Sheena sa kaniya.
“Chance? I don’t know, basta ginawa ko lang kung ano ang dapat. Marcos deserves to know the truth, and it was the perfect time to confessed everything.” sagot niya at pinankitan ang kaibigan. “And don’t play dumb and innocent, because we all know na ikaw ang may kagagawan nito.”
Ngiting aso lang si Sheena.
“Okay nga yun diba? Masaya na si Marcos dahil kilala na niya ang tatay niya. Finally, napunan mo rin ang bagay na kulang sa kaniya.” bumuntong-hininga siya at sumang-ayon sa kaibigan.
“Pasalamat ka at may punto kang bruha ka. Kung hindi, matagal ko nang hinablot yung buhok mo at nilunod kita sa pool.” aniya sabay nguso sa pool.
Nasa likod-bahay sila at kasalukuyang nag-eenjoy sa katamtamang sikat ng araw habang nakahiga sa lounger, ang anak naman niyang si Marcos ay nasa pool, kasama nito si Nadit na siyang nagbabantay sa anak. Ewan ba niya sa babaeng ito, umagang-umaga nambubulabog, mag out of town daw sila dahil gusto nitong lumayo at magliwaliw. Ang gaga, may dala pang maleta, girls scout talaga, palaging handa, pero hindi siya pwede, syempre kailangan niyang bisitahin ang mama niya araw-araw. Pansin niya na may itim na ulap sa ibabaw ng ulo nito na parang wala ito sa mood. At dahil hindi siya pwedeng umalis, dito na lang sila sa kanilang pool naligo, at baka mahimasmasan ang ulo ni Sheena na hindi niya alam kung bakit ganun ang asta. Ang gaga, girls scout, laging handa talaga, may dala ng isang set ng bikinis.
“Pustahan tayo, babalik kayo sa dati.” anito na parang sigurado.
Nagkibit-balikat lamang siya. Hindi parin niya alam kung babalik nga ba sila sa dati. Oo, napapansin niya ang magandang pakikitungo sa kaniya ni Marco, gusto niyang isipin na dahil gusto nitong bumalik sila sa dati, o baka naman dahil sa anak nila kaya ganito na lamang ito kabait sa kaniya. Baka ayaw lang nitong nakikita ni Marcos na hindi maganda ang estado nilang dalawa. Maybe the latter.
“Parang malabo. Siguro maganda lang ang trato niya sakin dahil na diyan si Marcos, o dahil kay Marcos. Kasi sigurado ako, kung hindi dumating si Marcos, hindi niya ako papansinin at kikibuin. Baka nga hanggang ngayon, galit parin siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya.”
Umingos si Sheena.
“Tsk! Pustahan tayo freeny, ulol na ulol parin sayo yun.” determinadong nitong sambit.
Natawa siya.
“Talaga? Kahit magkahiwalay pa kayo ng Peter mo?” biro niya.
Nang mabura ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Sheena nang banggitin niya ang pangalan ng nobyo. Umasim ang mukha nito at umirap.
“Pakialam ko sa manlolokong iyun!” nagulat siya sa sinabi nito. “Tsaka hiwalay na kami. Wala na kami!” confident pa nitong sabi pero may pait sa boses nito. Halatang bitter.
Pero nagulat talaga siya. “Are you joking me, Sheen? Nag-away kayo, no? Dahil ba kay Marco? Kasi wala na siyang oras sayo, ganun ba yun?” pagtitiyak niya at baka si Marco nga ang dahilan at mapepektusan niya talaga ang binata.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 2 : Marco Xenones [COMPLETED] (EDITING)
Tiểu Thuyết ChungMature Content || R-18 || SPG