"HE'S the best brother to me and son to mom and dad, wala ka talagang maipipintas sa kaniya." Tito Dennis. "Kuya Danreve is the epitome of best buddy, you can count on him, you can lean on him. Siya yung sandalan ko kapag may problema ako, si kuya ang unang takbuhan ko kapag pakiramdam ko ayaw sa akin ng lahat, kuya Danreve is my s-saviour." kumuha ito ng panyo at pinahid ang luha sa mga mata nito at marahas na bumuntong-hininga.
Nasa sementeryo sila ngayon, huling sandali na makakapiling na niya ang kaniyang ama. They're having a eulogy for his dad, tapos na siyang magsalita at si Samara, pati narin ang mga kaibigan ng ama niya. At ngayon ang huli ay ang nakababatang kapatid ng ama niya, si Tito Dennis.
She holds Samara's hands dahil walang humpay itong umiiyak, kaya't hindi nito natapos ang mensahe nito kanina. Tita Avelina keep on calming her. Samara is very close to his dad, pangalawang ama na nito ang kaniyang ama. He felt her, pero ayaw niyang ipakita sa harap ng tao na mahina siya, he needs to be brave and strong kahit na mahirap. He knows his dad will rest in peace, and he will be with his mom right now, kaya alam niyang mapapanatag ito kung nasaan man ito ngayon.
But one thing that pained him... is that... the woman he expected to be there for him, wasn't here.
"Masakit man tanggapin, but kailangan. At alam kong kapiling na niya si mom at dad ngayon, and the love of his life, Dianne..." Tito Dennis looked at him. He smiled. "He will surely rest in peace together with his love ones..." Tito Dennis looked up to heaven. "Hey, buddy, magpakabait ka diyan, may pagkapilyo ka pa naman, baka mastress sayo si Lord," napalitan ng mahinang tawanan ang kaninang tahimik na kapaligiran. "But seriously, take care of mom and dad, huwag mo silang pababayaan diyan... Ako nang bahala kay Marco," ngumiti siya sa tinuran nito. "I will make sure he will be in good hands, hinding-hindi pababayaan ang pamangkin ko, I won't fail you on that kuya... I love you brother, and we will miss you."
Pagkatapos ng madamdaming mensahe ay isa-isa silang lumapit sa kabaong na dahan-dahan ng inilagay sa bangin, hinagis nila ang kulay puting rosas sa kabaong ng ama. Halos natabunan na ang kabaong sa dami ng rosas na inihagis doon. Samara was crying out loud habang nakatitig sa kabaong na ngayon ay natatabunan na ng lupa, Tita Avelina hugged her, while Tito Dennis keeps on tapping his shoulder, panay rin ang punas sa mata nito dahil sa walang humpay na iyak. A lone tear fell on his eyes as he watched his dad's coffin disappearing from his eyes. I'll miss you dad. Very.
Pagkatapos ng seremonyas ay unti-unti nang nagsipag-uwian ang mga tao, maliban sa kaniya na nakaupo parin at nakatitig sa puntod ng ama. Wala pa siyang balak umuwi, pilit man niyang igalaw ang kaniyang mga paa para humakbang papaalis ay hindi niya kaya, namamanhid iyun, wari'y ayaw iwan ang ama na mag-isa.
"Sir, let's go..." Peter's voice filled his ears. "Dumiretso na lang daw tayo sa bahay ni sir Dennis."
Tumango lamang siya at hindi na nagsalita. Naglakad si Peter at tumabi ng upo sa kaniya.
"Have you heard, already? What happened to your dad was actually an accident."
He took a deep breath. Yes, he already heard it from Tito Dennis, he saw all the investigation process, and it was a pure accident, walang taong sangkot sa pagsabog at dahilan kung bakit nawala ang ama niya. Hindi niya alam pero nanghinayang siya sa resulta, pilit niyang sinusukilkil sa isip niya na may tao sa likod ng pagsabog, kahit na wala naman talaga. O sadyang gusto lang niyang mabaling itong pinaghalong galit at lungkot na nararamdaman niya sa ibang tao. He's fucked up.
And knowing that Zianna didn't showed up, fucked him up. Kahit silay man lang ay hindi nito nagawa, hindi ito nagpakita, kahit sa huling araw man lang ng ama nito, hindi nagpakita ang dalaga. He even visited her yesterday, pero wala daw ito sa kanila. Pero alam niyang nagsisinungaling lang ang matanda. He even saw her in her room, nakatayo ang dalaga sa likod ng sliding door nito, aninag niya ang hubog ng katawan nito, at hindi siya maaaring magkamali. He doesn't know what stopping her to faced him. Oo, naiintindihan niya ang nararamdaman nito, nagluluksa ito, pero pareho din naman sila ng nararamdaman ngayon, nagluluksa din naman siya. But at least, she faced her agony and showed up, just like what he did. Ni pagbisita man lang ay hindi nito nagawa.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 2 : Marco Xenones [COMPLETED] (EDITING)
Ficção GeralMature Content || R-18 || SPG