Chapter Thirty-Five

2.2K 28 1
                                    

May in-add po akong scenes sa Chapter 34. Check it out if you have time. Sa mga nakabasa na, Godbless. Happy reading! ❤

***

"THANK GOD, she doesn't have memory loss," ani doktor sa kanila. "Nagreresponse na rin ang katawan niya sa mga gamot, her condition is getting okay. Ang problema lang talaga ay ang kaniyang paa na malalang naapektuhan ng aksidente, she needs wheelchair for support, ngunit maaagapan parin naman natin yan." dahan-dahan silang napatango sa sinabi ng doktor.

Nasa hospital sila ngayon, kasama niya si Marco at Marcos. Dumaan muna sila rito para kamustahin ang kalagayan ng kaniyang ina bago nila ihatid si Marcos kina Tita Avelina.

"Sa tingin niyo po dok, kailan babalik ang lakas ng mga paa ni mama?" tanong niya.

"May mga ehersisyo na angkop para sa mga kondisyon tulad ng kaniya. Hindi naging madali ito sa karamihan lalo na at hindi sila nagko-cooperate, hindi nila tinutulungan ang sarili nila na makalakad ulit... We have to motivate her to walk again, kung gusto niyang makalakad ulit." napatingin siya sa kaniyang ina. "Don't worry, I'll hire a nurse to take care and handle everything for you mother's recovery." napatingin siya sa doktor sa huli nitong sinabi.

"Talaga po?" tumango ang doktor na siyang ikinangiti niya nang malaki. "Maraming salamat po."

"Thank you, Cedric."

Napatingin siya sa kaniyang Tita Arielle. First name basis, huh?

"W-what? Nagpapasalamat lang naman ako sa kaniya, a-anong problema nun?" depensa agad nito sa kaniya.

Pinanliitan niya ng mata ang kaniyang Tita. Something's fishy.

"I'll go ahead. Excuse me." paalam ng doktor. Nilingon pa nito ang kaniyang Tita Arielle bago lumabas ng kwarto.

Lumapit si Marcos sa kaniyang ina at hinawakan nito ang kamay, dahilan para mapalingon ang kaniyang ina sa kaniyang anak.

"Mama La, get up na po... I miss playing with you, Mama La."

Napangiti siya sa sinabi ng anak. Dahan-dahan na ginalaw ng kaniyang ina ang kamay nito at ngumiti kay Marcos.

"S-soon... b-baby..." mahinang usal nito.

Nilapitan nilang dalawa ni Marco ang anak. Kinarga ng binata si Marcos. Umupo siya sa silya at hinawakan ang kamay ng ina.

"Makakalakad ka rin, ma. Don't worry, we'll help you walk again, nandito lang kami ni Tita, Marcos, ako..." nilingon niya si Marco. Ngumiti siya. "... At si Marco. Nandito lang kami para sayo, ma." nilingon niya pabalik ang ina na ngayon ay naluluhang pinagmamasdan siya.

Hinaplos niya ang buhok ng ina at hinagkan ang noo nito ng isang pinong halik.

"T-thank you... H-honey..."

Mabilis niyang pinahid ang luha na nagbabadya ng bumagsak sa kaniyang mata at ngumiti sa ina. Kailangan niyang magpakatatag sa harap ng ina, she needs to be strong for her mom. They served as her motivators, and as motivators, they need to be positive, always, no matter what happens. Napansin niya na bumaling ang mata ng kaniyang ina kay Marco.

"M-marco... r-right...?"

Nilingon niya ang binata. Parang hindi nito narinig ang sinabi ng kaniyang ina dahil bahagya pa itong lumapit sa kaniya.

"I didn't hear your mom... What did she say?" he looked clueless.

"I think she wants to say something to you," tumayo siya. "Akin na muna si Marcos." tumango siya at ibinigay nito si Marcos sa kaniya.

Lionel Princes Series 2 : Marco Xenones  [COMPLETED] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon