NAKAUPO sa upuan ng sinasakyang private plane, hinahagod ni Zianna ang buhok ng anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kaniyang kandungan. Nasa private plane sila ngayon na pagmamay-ari ni Mr.Versoza, Daniel's boss. Sumabay na lamang sila rito dahil iyun ang naging suhestiyon ni Daniel, tatanggi pa sana siya kaso pumayag naman ang boss nito na sumabay sila. Kasama rin niya ang kaniyang Tita Arielle at si Sheena na ngayon ay natutulog rin. It's already nine in the evening, pero hindi parin siya dinadaanan ng antok, hindi parin mawala-wala sa puso niya ang pag-aalala sa mom niya. Mag-isa kaya ito sa hospital? May nagbabantay kaya rito? Ano nang kalagayan ng kaniyang ina? Hindi na siya makapaghintay, gusto na niyang masilayan ito.
"Hindi ka pa inaantok?"
She saw Daniel. Kakapasok lang nito sa pribadng kwarto at papalapit sa kaniya. Nakasuot ito ngayon ng eye glasses, mukhang may tinatrabaho.
Tumango siya. "I can't stop thinking about my mom, nag-aalala na'ko, baka walang nagbabantay sa kaniya ngayon." aniya sa malungkot na boses.
Daniel gave her a smile of assurance.
"It's okay to feel worried, but don't stress yourself too much, magpahinga ka rin. You have to be strong for her. Everything will be alright, Zia." mapait siyang ngumiti at humilig sa balikat nito. Daniel caressed her shoulder, naramdaman na lamang niya ang labi nito na hinahalik-halikan ang kaniyang buhok.
"Your still working?" pag-iiba niya ng usapan.
"Yeah. Just some papers Mr. Versoza handed it to me, but I already finished it." lumapag ang isa nitong kamay sa buhok ni Marcos. "Ang lalim ng tulog ng bubwit, ah. Napagod ata sa kakaiyak."
Napatitig siya sa mukha ng anak. Panay din ang iyak nito dahil sa kaniya, umiyak ito nang umiyak siya. Her son is the softest and purest kid, nasasaktan ito kapag nakikita siya nitong nasasaktan. Kaya hindi niya pinapakita ang pagod at sakit sa kaniyang mga mata dahil maaapektuhan ang anak niya, she needs to be strong and brave in front of her son. Masikip parin ang dibdib niya dahil sa nangyari sa kaniyang ina, but she tried her best not to cry again because it will affect him.
"Yeah. He started crying when he saw me cry, but then he stopped when I stop crying. He didn't stop hugging me until I won't be calm and I'll stop from crying."
"He's the sweetest. You did a great job as a mother, pinalaki mo siya na mabait at magalang na bata." that made her smiled.
Hindi nga niya alam kung saan nagmana ang anak niya. She's hundred percent sure hindi ito nagmana sa kaniya, hindi naman siya mabait, may sungay din naman siya, lalo nung bata siya, she's spoiled and brat. Maybe he inherit those traits with his dad. Marco is stubborn and naughty, yet he's the sweetest and caring, napatunayan niya iyun nang makasama niya ang binata sa yate. May pagkapilyo din minsan si Marcos. Will he be proud with our son like I do? Will he accept our son?
She took a very deep sighed.
NAKAHINGA siya nang maluwag nang lumapag na ang sinasakyan nilang private plane sa isang private property na pagmamay-ari ni Mr. Versoza. Sa wakas ay makikita na niya ang kaniyang ina, at hinding-hindi na niya ito iiwan pa. Naunang lumabas sina Daniel kasama si Mr. Versoza, ganun na lamang ang pag-awang ng kanilang mga labi dahil sa mga magarbong sasakyan na nakaparada. Five Black Toyota SUV and white limousine. Sa mga limang sasakyan ay nagsilabasan ang mga lalaki na nakasuit, nakasuot ng shades at may earpiece sa mga tenga nito, mga tauhan at bodyguard ata ni Mr. Versoza. They greeted Mr. Versoza.
"They look like those people in the movie Men In Black, mama." bulong sa kaniya ni Marcos. Mahina siyang natawa dun, may pagkahawig nga naman.
"They do look alike, baby." sang-ayon naman ni Sheena na nasa kaniyang tabi.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 2 : Marco Xenones [COMPLETED] (EDITING)
Fiksi UmumMature Content || R-18 || SPG