MADALING pinahid ni Zianna ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo sa kaniyang mga mata nang makita ang kaniyang Tita Arielle na nakaupo. Mapait siyang ngumiti rito at umupo sa tabi nito.
"M-masasalinan na po ng dugo si mama, ta." ngiting imporma niya.
Her Tita Arielle smiled and took a deep breath. Yumakap ang ginang sa kaniya.
"Salamat sa diyos," marahan niyang tinapik ang likod ng ginang.
Masaya din siya, pero ang puso naman niya nag nagpipighati ngayon dahil sa sagutan nila ng binata kanina. Hanggang ngayon sagad parin sa buto ang sakit na sinabi ni Marco sa kaniya.
Humiwalay ang knaiyang Tita Arielle at ngumiti sa kaniya.
"Will you extend my gratitude to Mr. Xenones, since magkakilala naman kayong dalawa?"
Gusto man niyang tumanggi ay tumango na lamang siya. Baka hanggang ngayon ay ayaw pa siyang makita ni Marco. Hinawakan ng ginang ang kaniyang kamay, humilig naman siya sa balikat nito at wala sa sariling nakatitig sa tiled floor ng hospital.
"In fairness, Mr. Xenones is a good-looking guy. Businessman in his field, halatang successful na tao. Don't you think so?" tumango siya, sumang-ayon sa sinabi nito. "So you agree? Na gwapo siya?"
Gwapo ho talaga siya, nooon hanggang ngayon. Mas gumwapo nga lang ata ngayon.
"Hindi naman maipagkakaila yun, Tita. Of course, he's a handsome and successful guy." and the father of my baby.
Gusto niyang dugtungan ng salitang iyun, pero pinigilan niya ang sarili at baka mahimatay nang wala sa oras ang kaniyang Tita Arielle.
"Are you sure na magkakilala lang kayo? Because I can say that there's something between you and that guy---"
"Si Tita, ma-issue." rinig niya ang pagtawa nito at marahan na hinaplos ang kaniyang balikat.
"It's not like that, Zia. But hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi siya sasailalim sa blood transfusion kapag wala ka? Isn't suspicious to you?" tanong nito na may halong pagdududa sa boses nito. "Na parang nakasalalay lang ang sayo kung ano ang gagawin niya. Hindi siya kikilos kung wala ka, like he depends on you."
"M-magkakilala lang po, t-talaga kami." lumunok siya. Patawarin sana ako ng Panginoon sa pagsisinungaling. Mukhang kailangan na niyang mangumpisal dahil tambak na ang mga kasalanan niya.
"Hays, hindi sa pinapangunahan kita hija, but I think you have to find someone who will take care of you and Marcos." umayos siya ng upo at hinarap ang ginang. Tita Arielle smiled. "Panahon na siguro na sarili mo naman ang asikasuhin mo, you did everything for us. Give yourself a break. Wala ka bang balak na magmahal ulit? You know Marcos's been craving for a complete family, you know that, Zianna. Wala ka bang balak na punan ang isang bagay na makapagpapasaya sa anak mo? Ang pagkakaroon niya ng ama?"
Sinandal niya ang likod sa sandalan ng silya at marahas na bumuntong-hininga. Kung alam lang talaga ng Tita Arielle niya ang totoo, na nakaharap na nito ang totoong ama ni Marcos.
"I understand your situation, hija. Siguro na-trauma ka sa ginawa ng ama ni Macros. Gago rin kasi yang tatay ni Marcos, whoever that man. Curse him for abandoning and leaving you after he knew you were pregnant." napangiwi siya nang makita ang galit sa mukha ng kaniyang Tita Arielle.
That's her excuses nang tanungin siya nito sa Seattle kung sino ang ama ng dinadala niya. She didn't give a name, basta iyun lang ang sinabi niya. Napakamot tuloy siya sa batok nang wala sa oras. Ginawa pa niyang masama si Marco sa mata ng Tita niya.
"Pero hindi naman siguro lahat ng lalaki ay kagaya niya, hija. Nandiyan naman si Daniel," umikot ang mata niya. Heto na naman at pinagkalulo na naman siya ng kaniyang Tita Arielle kay Daniel. "He's a good and decent man, successful and a husband material for you and a father material to Marcos. Tsaka komportable si Marcos sa kaniya, hindi mo man lang ba nakikita ang saya sa mata ni Marcos kapag nakikita niya si Daniel? He's happy, Zianna."
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 2 : Marco Xenones [COMPLETED] (EDITING)
Genel KurguMature Content || R-18 || SPG