PRENTENG nakaupo si Zianna sa kaniyang swivel chair habang may inaabala at nakatutok sa kaniyang laptop, inaasikaso ang paparating na annual auction na parte ng charity na itinayo ng kaniyang ina. It's an annual auction na kung saan ang pera na kikitain ay para sa mga babaeng naabuso ng kanilang mga kabaro at mga batang wala ng pamilya at nasa ampunan na lamang. And yes, siya na ang humahawak sa charity na sinimulan ng kaniyang ina. She really meant it that she will lie low in the modeling department and focus herself to her mother's charity.
It's been a week since the photoshoot happened, and after that, masaya siya at naging successful ang kinalabasan, pumatok agad sa masa ang mga suot ng Beaufort Brand for Summer Edition na kaniyang ibinida. At kahit saan siya magpunta, nakikita niya ang kaniyang mukha sa mga naglalakihang Bill Board sa bawat sulok ng lugar, na halos dinumog na siya ng mga tao. She's not used to it, hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon dahil hindi naman siya gaanong sikat noong panahon nayun, nakakalabas naman siya nang walang lumalapit sa kaniya para magpapicture o magpa-autograph man lang. Pero ngayon, talagang naninibago siya, hindi siya sanay na pinapalibutan ng mga tao and after her work in the Beaufort Brand, mukhang doon nagbago ang ihip ng hangin, Beaufort Brand is famous and prominent clothing company and all, umabot na ang pangalan nito sa ibang bansa at naibida ang mga suot sa mga fashion show kaya hindi kataka-taka.
Binulabog din ang kaniyang Manager na si Kee ng mga tawag galing sa mga naglalakihang kompanya, the company wanted her to be their brand endorser and model. She was so happy and overwhelmed knowing that other companies appreciated her, pero ni isang kompanya ay wala siyang tinanggap because she promised to herself na magpapahinga muna siya sa modeling at doon niya ibubuhos ang kaniyang attensiyon sa charity ng mom niya. Though Kee is pursuing her not to stop from modelling and continue what she started, but she insisted, naaawa siya sa kaniyang manager, hindi rin naman niya aakalain na magiging maganda ang kinalabasan ng kaniyang trabaho sa Beaufort Brand. But Kee understands her, pero halata parin sa mukha nito na nalulungkot ito sa desisyon niya.
Napatingin siya pinto ng kaniyang opisina nang may kumatok.
"Come in," aniya.
Pumasok si Vicky, ang secretary ng mom niya. And speaking of her mom, pinabakasyon na muna niya ito sa Paris for one month at nang makapagpahinga naman ito at makapagrelax dahil napakaworkaholic naman kasi nito. She wants her mom enjoy kaya yun ang regalo niya lalo na at papalapit na ang birthday nito, kaya ibinigay na niya ang early birthday gift niya sa kaniyang ina. Though wala pa siyang experience sa paghawak ng charity ng mom niya, kaunti lang din ang alam niya sa mga bagay na ito pero sinisiguro naman niya na tama ang mga ginagawa niya, may katuwang din naman siya para mapaayos at mapadaloy ng mabuti ang charity ng kaniyang ina. She wants her mom to be proud of her, kaya gagawin niya ang lahat.
"G-good morning, ma'am Z-zia." nginitian niya si Vicky, halata sa mukha nito na kinakabahan. Natawa na lamang siya.
"Magandang umaga rin sayo, Vicky. Okay ka lang ba? You look bothered." usisa niya.
Napakamot na lamang sa ulo ang babaeng sekretarya at alanganin na ngumiti.
"S-sorry ma'am.. Na-starstruck lang po talaga ako sa inyo, ang ganda niyo po sa magazine, pero mas maganda pa pala kayo sa personal. H-hindi ko po akalain na magiging boss ko po kayo. Kahit po hanggang ngayon, hindi parin po ako makapaniwala." halata nga sa mukha nito na hindi makapaniwala. Natatawang ngumiti siya rito.
"Nah, wag kang ma-starstruck sakin Vicky, ako lang to." pareha silang natawa dahil sa kaniyang tinuran. "Salamat, tsaka salamat din sa mainit niyong pagtanggap sakin. Maraming salamat talaga."
"Naku ma'am, maliit na bagay lang po yun." natawa siya sa sinabi nito.
Noon kasing ikalawang araw niya bilang tagapamahala ng charity ng mommy niya, papasok pa lamang siya sa kompanya ay sinurprisa sa ng mga empleyado ng kompanya. She was very happy for their warm welcomed to her, noong unang araw kasi niya ay napakatahimik ng mga tao, bumabati nga ito sa kaniya at ngumingiti pero alanganin naman, para tuloy-ng hindi siya welcome at hindi tanggap ng mga empleyado na siya muna ang papalit sa mom niya. But everything's changed when they surprised her. Nahihiya lang daw kasi ang mga ito sa kaniya, lalo na at model siya at kilala siyang tao bilang isang modelo.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 2 : Marco Xenones [COMPLETED] (EDITING)
Ficção GeralMature Content || R-18 || SPG