𐌂𐌀𐌐𐌉𐌕𐌵𐌋Ꝋ IV

530 16 1
                                    

"Arachne..."

Napatingin ako sa tumawag her face was blurred but i am sure she is my sister.

"Umiiyak ka nanaman ba?"

Tumango ako at ngumiti sya bago pinunasan ang aking luha.

"Dont worry they will be fine, i will save them."

"But-- i am sure they will die"

"Hush now sister..." hinimas nya ang ulo ko at inayos ang buhok ko at muling ngumiti sakin.

"Your big sister will do everything for you, i promise you that."

Napadilat ako at napadaing sa matinding sakit ng ulo, awtomatikong dumapo ang kamay ko sa noo ko para hilutin ito, what is it this time, hindi na iyon katulad ng dati kong alaala, mukhang bago iyon.

Pinikit kong muli ang mga mata at sinubukang alalahanin ang panaginip ngunit hindi iyon naging malinaw ang natatandaan ko lamang ay ang babae na kapatid ko na pinapatahan ako dahil namatay ang alagang hayop.

Ganon ba ako? umiiyak para sa isang alagang hayop?

Hindi ko nalang inisip iyon dahil hindi ko parin maalala ng buo ang alaala ko.

Pangalan ko lang ang alam ko ngunit ang sa kapatid ko ay hindi pati mukha nya ay malabo parin.

Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at doon ko lang natanto kung nasaan ako.

Abot abot ang kaba ko at mabilis na napatalon paalis ng gintong kamang iyon!

Agad akong nakaramdam ng pagkahilo dahil sa mabilis na kilos kaya napaupo ako sa kama at sinubsob ang mukha ko saking mga palad.

narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong umayos ng upo at niluwa noon si Cecila.

"Your majesty you're finally awake i am so worried to you!" nag aalalang lapit sakin ni Cecilia inalis ko ang mata sa kanya nang mapansin na may kasama sya, pumasok ang ilang babaeng Servus.

"What happened Cecilia? at bakit natutulog ako dito?" naguguluhan kong tanong.

"Iyon nga po ang hindi ko maintindihan panong napadpad kayo dito samantalang iniwan ko kayo sa Hardin dahil sinabi nyo ay nais nyong maglinis ng mga paso at magtanim" sabi naman sakin ni Cecilia.

Piniga ko ang aking utak para alalahanin ang nangyare ang huli kong alaala ay nagtapos nang magdesisyon akong magtungo sa Palasyo ng Hari para magbasa sana kaya lang...

Napakurap kurap ako.

Wag mo sabihing dito ko binalak magpunta?!

Napahilamos ako ng mukha. Anong ginagawa ko? naging desperada ba ako?

Hindi maaari, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako aasa sa hari kaya imposibleng itapon ko ang aking sarili.

Mabilis na dumapo ang aking kamay saking dibdib, kinapa kapa ko ang sarili upang malaman kung may nagbago ba, ngunit wala naman.

Iyon parin ang suot ko at wala namang kulang nakasalawal parin naman ako kaya masasabi kong hindi ako nagalaw ngayon pero nasaan ang hari?

Aba malay ko at pakialam ko ba? ang mabuti pa ay umalis na ko dito at ayaw ko syang makita!

Mabilis akong tumayo na kinagulat naman ni Cecilia.

"Kailangan ko ng bumalik sa Harem Cecilia, lead the way"

Nag aalangan namang kumilos si Cecilia na agad kong pinagtaka.

"Ah kamahalan, pinag utos po ng hari na pagsilbihan namin kayo kaya heto" sabay turo sa mga servus.

The King's Harem #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon