𐌂𐌀𐌐𐌉𐌕𐌵𐌋Ꝋ VII

511 13 0
                                    

Pagod akong sumalampak sa upuan at binagsak ang makapal na libro sa lamesa, naglikha iyon ng malakas na tunog at nagliparam ang mga alikabok at hindi nya naman iyon inalintana.

"This is getting mysterious..." bulong nya sa sarili habang nahulog sa malalim na isip.

After his royal highness Magnus Gannicus died, the vibrant flame of the King changed into Darkness.

Kaya dahil ako ang Royal sorrcerer ng palasyo, at miyembro ng Royal Council ay trabaho kong magsaliksik ukol dito.

At ngayon nalaman ko na hindi lang siya sa History ng Fiamma ang nagkaroon ng ganoong klase ng apoy.

At halos manlumo ako ng malaman na ang Haring si Tylus ang pinag mulan ng sumpa ng Royal Family.

at nalaman ko na delikado ang pagkakaroon ng ganoong abilidad dahil... maaari kang lamunin ng kadilimang iyon paunti-unti.

I massaged my temples repeatedly, walang araw na nagagawa kong magpahinga kakabasa ng mga libro at sa dumaang insidente na nangyari sa hari mas lalong dumami ang gawain ko, kaya ngayon nalang ako muli nakabalik sa tahanan ko.

Una sa lahat hindi ko naman talaga ideya ito, suhestiyon ito ni Lord Crassus sya ang nagsabi sa hari na maghanap ng iba at pumayag naman ito sa kagustuhan nyang makatakas sa kanyang tadhana.

Kung ako ang tatanungin ayaw ko ang ginagawang ito ng Hari dahil hindi ito makakatulong sa kanya. Parang sinusubukan nya ang pasensya ng mga Diyosa at talagang hinahamon nya ang mga ito.

It's blasphemy but i have no right to talk i am just a servant, kahit gaano pa ako makapangyarihan ay alam kong kaya akong patayin ng hari sa isang iglap lamang.

Kaya sa huli ako din ang dumanas ng hirap dahil sa padalos dalos na desisyon ng hari, kung hindi lang kasi masyadong demanding ang mga Miyembro ng Regno Oscuro hindi sana ganito ang buhay ko.

Nanlulumo ako habang pinagmamasdan ang patong patong na libro sa harapan ko, kailangan ko pang tapusin ang mga iyon dahil wala pa akong nakukuhang solusyon sa misteryong ito.

The fated companion of the King has a cresent mark on her forehead pero sa nagdaang siglo wala naman kaming natagpuang babaeng ganoon.

Ilang beses sinubukan ng mga slave traders na pekein ang markang buwan sa mga babaeng binebenta nila ngunit natutukoy ko parin kaya tinigilan na namin ang paghahanap sa babaeng nakatadhana sa hari dahil hindi rin naman sya interesado.

Hanggang sa naging alamat nalang ang mensahe na iyon tungkol sa nakatadhanang reyna ng Dark Realm.

Nabawasan narin ang mga naniniwala sa Diyosang si Seraphina dahil sa biglaang paglaho nito matapos nitong ihatid ang mensaheng iyon makalipas ang 200 taon.

Sa pagdaan ng mga taong nawala sya ay ang pagbabago ng takbo ng sistema sa Regno Escuro at pati narin sa Camere di mezzanotte (Midnight Chambers) tuluyang nabalot ng pagiging ganid ang mga miyembro ng Realm at naimpluwensyahan din nito ang mga Nobles na kabilang sa Royal Council ng Hari, inisip nila na mahina na ang hari dahil wala na si Seraphina kaya nagkaroon ng pagrerebelde ang ilang miyembro ng Regno at nagdulot iyon ng kamatayan ng dating Reyna Lucretia ang ina ni Haring Marcus.

Buong akala nila na tuluyang mamatay si Haring Pylus kapag nawala ang kapareha nito ngunit nagkamali sila ng akala hindi nila lubos na naunawaan ang sumpa ng Diyosa sa mga Immortal na nagbabalak trumaydor sa Fiamma.

Naging halimaw ang mga traydor bilang palatandaan ng kanilang pagtataksil sa Hari at pinatapon sila sa Mezzanote upang habang buhay na magdurusa.

Ngunit gayunpaman hindi nagbago ang mga miyembro ng Council at nakatanggap sila ng suporta ng ilang miyembro ng Realm upang ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.

The King's Harem #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon