Dangerous Love by Dearly Evergreen

37 1 0
                                    

Kakambal ng sarap ang hirap

Asawa ng lungkot ang saya

Bago ka magmahal

Ihanda mo ang sarili na MASAKTAN!



***


-ONE SHOT-



Love is Dangerous



I'm Valdemor Valentine, Valve for short. I'm 21 years old. I'm tall,dark and handsome. Mabait, masipag, maalalahanin at higit sa mapagmahal. Anak ako ng aking mga magulang or should I say anak ako ng isang sikat na singer na si Angelyn Reyes Valentine at isang sikat na businessman sa bansa na si Henry Sy Valentine. I'm not famous like my parents because I prefer to stay in our house during vacation or during my free times. Hindi ako mahilig makipagsosyalan. But Im famous in our school because of my intelligence. Lage akong may honor at lageng may tinatanggap na karangalan mula pa nang magsimula akong mag-aral. May ribbons,medals at certificates akong natatanggap tuwing graduation. At sa kabila ng lahat ng mga natanggap kong karangalan, hindi ko naramdamang naging proud ang parents ko sa akin. And it hurts even more to know na mas priority nila ang work nila kaysa sa akin. Sanay na ako at di ako nagrereklamo.


After I graduated from College, I equipped myself busy through work. Im working sa isa sa pinakamalaking company sa bansa as the Manager. Matapos ang posisyon ko dahil sa magaling ako, hindi dahil sa impluwensya ng mga magulang ko. So, at my young age, I'm really working hard to prove to myself that I can live alone,away from my parents. Actually, I'm planning to move out from our house and live alone. In short, hindi masaya ang aming pamilya. I'm alone most of the time. Hindi kami sabay kumain. Halos hindi nagkikita sa loob ng isang linggo. Yaya at helpers lang ang lage ko nakikita at nakakasama sa bahay.


Isang gabi nagising ako. 1am in the morning. Kadarating ni Mama galing rehearsal at papaalis naman si Papa papuntang Europe for a business trip. Dali-dali akong bumaba para makita ko sila. Mga dalawang linggo na ring di ko sila nakita.


"Mama" tawag ko sabay halik at yakap sa kanya. Gumanti din ito ng halik at yakap sa akin.


"I miss you Mama. May sasabi——-"


"Miss you too Valve my son! Anak, excuse me. pagod si Mama. Kailangan ko na magpahinga ha" sagot nya sa akin. Hindi na nya hinintay na sabihin ko yung gusto ko sabihin. Tinalikuran na ako at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto nila. Ganun lang kami mag-usap. Sa loob ng isang buwan, bihira kaming mag-usap.


Nakasalubong nya si Papa na noo'y pababa ng hagdan.


"Hon, I have to go" narinig kong sinabi ni Papa kay Mama.



"Sige hon, mag-iingat ka ha. I love you" sagot ni Mama.


"I love You too hon" sagot naman ni Papa.


Nagkiss, nagyakapan at naghiwalay. Ganun lang sila mag-usap. Oo, hindi sila nag-aaway pero lagi namang wala silang oras para sa isa't isa. At lalong wala sila oras sa akin.

ONE SHOT STORIES (c) LBOS WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon