WAITING SHED
By
IhEaRtZeRoThEhErO
Lagi ko siyang nakikita don. Nakaupo. Naghihintay ng masasakyan.
Parang ako lang din, naghihintay na mapansin niya...
Madalas akong nakaupo sa pinakadulo ng waiting shed, tahimik na pinapanuod siya. Tahimik na humihiling na sana, nakikita niya ko, pero bulag siya.
Tandang-tanda ko pa nung hapong yun...
Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan, habang papunta ako sa waiting shed, di pa naman ako nakapagdala ng payong. Tapos malayu-layo pa yung lalakarin ko nun papuntang eskwelahan.
Pagdating ko sa waiting shed, nandun na siya. Nag-aabang. Naghihintay.
“Nandyan ka na pala...” wika niya.
Ako ba ang kausap niya?
“Nabasa ka ng ulan noh?” wika niya pang muli.
Ako nga siguro, ako lang naman ang tao dito e...
“Oo, bigla na lang kasing bumuhos, wala pa naman din akong dalang payong.” wika ko.
Ngumiti siya...
“Ayos lang yan...” wika niya.
Umupo ako malapit sa kanya.
“Ba’t mo ko hinihintay?” tanong niya sa akin.
“Ha?” tanong ko. Ano bang pinagsasabi nito?
“May mga bagay na kahit di sabihin ng labi ay sinasabi naman ng puso.” wika niya.
Medyo nagtataka na ko sa kanya...
“Mahal kita, Cindy.” wika niyang muli.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sobrang bilis na parang nahihirapan na akong huminga.
“Mahal mo ko?” tanong ko.
“Oo, mahal na mahal.” wika niyang muli.
“Pero, di mo naman ako nakikita ah...tapos ngayon lang din tayo nag-usap.” wika ko.
“Di man kita nakikita, pero nararamdaman kita.” wika niyang muli.
Pakiramdam ko, tumigil ang oras ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Siya naman nakakatitig sa kawalan.
Mahal din kita.
Pero bakit di ko masabi yon? Bakit di ko masabing mahal ko din siya...
Hanggang dumating yung sasakyan kong bus...
Bumusina ito, tapos tinanong kung may sasakay ba...
Tumayo na ko at iniwan siya...
Bakit ang bigat ng bawat yabag ng paa ko? Bakit parang ayoko pang umalis? Bakit ayaw ko pa siyang iwan?
Di bale na, sasabihin ko na lang sa kanya kapag nagkita kame ulit...
Habang nasa bus, siya pa rin yung iniisip ko.
'Mahal kita...'
Pwede bang ulitin?
Gusto ko kasi yung pakiramdam e.
Pero bigla na lang nagpanic yung mga tao. Narinig kong may nagsabing wala daw kaming preno.
Mabilis yung takbo ng bus, kaya mabilis ding nangyari ang lahat.
Nahulog yung bus namin sa bangin. Tapos bigla na lang nagdilim. Wala na kong makita. Tapos...
***
Nandun pa rin siya, nakaupo sa pinakadulo ng waiting shed. Namamaga yung mata niya, tinanggal niya kasi yung shades niya e.
“Mahal din kita.” bulong ko sa kaniya.
Napatingin siya sa akin.
“Nakikita na kita.” wika niya.
Nginitian ko siya.
“Pero ito na rin ang huli” wika ko.
***END***
Para ‘to kay Mr. Waiting Shed, di kasi namamansin :)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (c) LBOS Writers
Novela Juvenilall one shot compilation from lavender Book of Stories BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga...