*ONE-SHOT*
"TEARY LOVE STORY"
by: RP
Ginawa ko ang kwentong ito sa di malamang dahilan bigla ko nalang naisip ang konsepto habang nagmumuni muni ako isang araw.
Joseph & Cindy nagkita sa isang Mall.
"Oy, Cindy kumusta kana?" si Joseph na di maialis ang mga mata sa dalaga.
"J-Joseph? Ikaw ba yan?" si Cindy na parang nagagalak ng makita si Joseph.
"hindi . . . Hindi . . . Ako nga to! Di mo na ba ako namumukhaan?"
"di nga? Gumwapo ka kasi eh. ." pabirong sabi nito.
"Ganun? Ikaw nga tong tumangkad at gumanda ehh. Hehe"
pero di maipaliwanag ng binata kung bakit maputla si Cindy at parang matamlay ang mga mata nito.
"Tangi! . Maiba tayo? Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Paalis na ako ng bansa. Hinintay ko nalang ang tawag ng kuya ko na nasa Manila kung okey na ang Visa."
"Mabuti naman." walang siglang tugon ni Cindy.
"i ikaw?
"ito. . . Isang hamak na Call Center Agent lang."
"bagay sayo yan! Sabi ko naman sayo noon di ba? Makakamit mo yan!"
"s-salamat."
"di mo ba ako na mi miss?"
umiwas si Cindy sa tingin ni Joseph.
"o okey ka lang ba? May nasabi ba akong masama?"
"Wa-Wala naman. Naalala ko lang ang nangyari satin nung College."
"S-Sorry. . . "
"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ginusto natin yun ." si Cindy na napayuko.
"Musta na pala kayo?"
di kumibo si Cindy.
"S-sorry sa tanung ko."
"di okey lang. Okey na ang buhay ko ngayon. Iniwan niya na ako. Di ko narin siya kailangan." sabi ni Cindy na namumugto ang mga mata.
"Sinaktan ka niya?"
"Kung sinaktan man niya ako. Di na siguro natin maitatama yun."
"Nagparaya ako noon. Hinayaan kitang maagaw niya dahil sa mga sinabi niya sa akin na sasaya ka sa piling niya."
napaluha na si Cindy.
"d-di ko naman akalain na magbabago siya. Nagkamali ako . . Patawad!"
pinahid ni Joseph ang luha ng dalaga at niyakap niya ito.
"ssshh. . . Tama na. . . Makakatagpo ka rin ng lalaking bubuo ulit ng puso mo."
kumawala sa yakap ng binata si Cindy.
"sa sana nga. ."
Tumingin sa kanyang relo.
"kailangan ko nang umalis."
"Teka lang."
hinawakan ni Joseph ang kamay ng babae.
"bakit?"
"Akin na muna yang cellphone mo."
binigay naman ni Cindy ang kanyang phone kay Joseph.
May tinype ang binata sa cellphone ng dalaga. At binalik agad ito.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (c) LBOS Writers
Novela Juvenilall one shot compilation from lavender Book of Stories BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga...