ADONIS by RP.

170 1 0
                                    

Si Adonis

by: Admin RP

Mag wawalong taon na simula ng iwan si Adonis ng papa at mama niya na pumunta ng maynila para maghanap ng trabaho. Tanging ang lola lang niya ang nag aalaga sa kanya simula nung umalis ang mga magulang niya ngunit nagpapadala lang ang mga ito ng pera para sa pang araw araw na gastos ni Adonis. Maselan si Adonis at lageng nakakapitan ng sakit, sa katunayan hikain ang batang ito na nagmana sa papa niya. Kahit sakitin siya hindi ito hadlang para di niya ma enjoy ang pagiging bata, marami siyang kalaro , kaibigan na kapwa kaedad niya at karamihan sa mga iyon ay kapitbahay at kaklase niya.

March ng taong 2009 ay magtatapos na siya sa Grade 3 at sa buwang din iyon ay kadarating lang ng mama niya galing maynila. Laking tuwa pa nga niya na makita at mayakap ang mama niya for the first time. Maraming pasalubong ang mama niya kabilang na ang mga laruan at bagong damit. Kahit matagal silang di nagkita alam naman niya na mahal siya ng kanyang mga magulang kasi palage naman siyang sinasabihan ng kanyang lola na ang kanyang ginagastos sa pagpapa aral niya ay galing sa mama at papa niya kaya di siya nagtampo. Sinabi ng kanyang mama na ang papa niya ay uuwi din sa susun0d na buwan para magbakasyon.

Sa March 31 pa ang graduation at nangangalahati pa lamang sa buwan ay palage nang nagtatanung si Adonis sa mama niya na kung pwd bang sa march 31 din uuwi ang papa niya pero di daw pwd sabi ng mama niya.

Araw iyon ng sabado ng yayain si Adonis ng mga kaibigan niya maglaro. Wala ang mama niya sa mga time na yön dhl pumunta sa palengke kaya sa lola nalang siya nagpaalam, khit tutol ang lola niya pinabayaan nalang siya kasi nga bata.

Lingid sa kaalaman ng lola niya pumunta pala si Adonis kasama ang mga kaibigan niya sa isang DAM na nasa kalapit barangay nila.

Bandang alas tres y media ng may isang binatang pawis na pawis ang pumunta sa bahay nina Agnes(Mama ni ADönis) putlang putla ng binalita na nalunod si Adonis sa DAM at patay na ito nang kanilang nakuha sa ilalim ng tubig. Di malaman ni Agnes at ni Rosa(lola ni adonis) ang gagawin, gusto nilang sumigaw sa narinig at dali dali umagos ang luha sa kanilang mga mata na walang ibang ipabatid kundi dalamhati sa nangyari. Agad silang pumunta sa Dam kung saan nangyari ang pagkalun0d at nang malapit na nilang marating ay tanaw nila ang maraming tao na pumalibot kay adonis. Umaagos parin ang luha ni Agnes nang yakapin niya ang bangkay ni Adonis at walang ibang maririnig kundi sigaw galing sa kanya. Ang sabi sa mga naka saksi sa pagkakalunod ni Adonis ay patapos na raw sila sa paliligo ng sinabi daw ni Adonis na magbabanlaw muna siya bago magbihis at para daw siyang nag dive sa di naman maxadong malalim sa parte ng dam. Nagtaka nalang daw sila na bakit di na ito umahon at di na makita ang katawan nito. Kaya dali dali nila itong nilangoy at nagtawag ng saklolo para matulungan si adonis at nung may dumating na mga mas nakakatanda sa kanila agad nilang sinisid ang tubig para makita ito. Ngunit, laking gulat nila ng matagpuan ito na nakasub sob ang mukha sa putikan hanggang leeg nito na para bang isang kahoy na itinirik.

Ngunit ng makuha nila si Adonis ay wala na itöng buhay. Hindi alam ni Agnes kung sino ang sisisihin niya sa nangyari. Iniuwi niya ang labi ni Adonis sa bahay nila at kinagabihan ay sinimulan ang dasalanan. Pagkatapos ng unang gabi ng dasal. Agad niyang tinawagan si jeff(papa ni adonis) at binalita ang nangyari at nagsabing uuwi daw siya sa mga susunod na mga araw may aasikasuhin raw muna siya.umuwi na ang tao na dumalo sa dasal at tanging si Rosa at Agnes at ibang mga kapatid niya ang naiwan sa bahay sa labas naman ng bahay ay may iilang nag iinuman at nalalaro ng cards. Mukhang balisa pa rin pa rin si Agnes sa nangyari kaya khit mag aala una na ay di pa rin siya makatulog naiisip niya ang mukha ng anak nung mga oras na kailangan nito ng tulong para di malun0d pero wla siyang nagawa. Siya nalang ang gising sa mga oras na iyon at nasa harap parin siya sa kabaöng ni Adonis na umiiyak.

Biglang nakaramdam siya ng lamig ng may biglang naglagay ng kumot sa likod niya at nagtaka siya kung sino sapagkat sa mga oras na iyon ay siya lang ang gising at wala siyang narinig na mga yabag ng paa na papalapit sa kanya para magbigay ng kum0t. Nagdadalawang isip siyang tumingin sa likuran ngunit nagawa niyang tumingin at laking gulat niya na isang batang lalaki na nakatalikod at naglalakad papunta sa nakabukas na pintuan sa kanyang bahay na sa pagkaka alala niya ay siya mismo ang nag sara. Biglang tumigil sa paglalakad ang bata at doon lang niya napansin na ang suot nito ay ang suot ni Adonis ng ito ay malunod. Hindi siya nakapagsalita sa takot ng napagtanto niya na ang batang nakatalikod na ang ulo hanggang leeg ay puno ng putik ay walang iba kundi si ADONIS na anak niya.

ONE SHOT STORIES (c) LBOS WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon