*ONE SHOT*
ETERNAL PROMISE
POSIBLE nga ba na mahalin ng isang vampire ang isang tao o mananatili na lamang iyon na isang ilusyon? Magiging hadlang nga ba ang lahing kinabibilangan nila upang mapalapit sa isa't isa?
———————————————————————————————————————————-
"JIRO!!! ASAN KA NA BA???!!!" sumisigaw na naman si Anna, hinahanap niya ang matalik niyang kaibigan na si Jiro.
Naririnig naman siya ni Jiro sapagkat napakalakas ng pandinig niya. Kasalukuyan siyang nasa lilim ng puno at nagpapahinga. Ni ayaw niyang umalis sa lilim ng puno sapagkat natatakot siyang masunog ang mala-porselana niyang kutis. Ipinikit na lamang niya ang mata at pinakiramdaman ang paligid niy. Narinig niya na may mga hakbang na papalapit sa kinapupwestuhan niya kaya nagpanggap siyang tulog. Agad niyang naramdaman ang isang papalapit na bagay sa mukha niya kaya mabilis siyang umilag at umakyat ng puno.
"JIRO, BUMABA KA NGA! KANINA KA PA HINAHANAP NI MASTER!"
"Ayaw ko...hayaan mo na lang ang matandang iyon..." sabi ni Jiro sa kaibigan.
"Jiro naman..."
"Pupuntahan ko ang matanda kung..." ibinitin pa ni Jiro ang sasabihin.
"Kung?"
"Hahayaan mo ako na kagatin uli kita..." ang nakangiting sabi ni Jiro..
Napahawak agad sa sariling leeg si Anna, "Hindi pa ako baliw para magpakagat uli...uubusin mo lang ang dugo ko eh..."
"Sige na kasi..." nagpuppy eyes na si Jiro. "nakakaadik kaya ang dugo mo..."
"A-Anong nakakaadik ka dyan?! Tigil-tigilan mo nga lang akong bampira ka!"
"Sige na kasi..."
Hindi agad namalayan ni Anna na nasa tabi na pala niya si Jiro at ang pangil ay nakatapat na sa isang bahagi ng leeg niya na may bakas pa ng huling kagat ng binatang bampira. Nagulat na lamang si Anna nang naramdaman niya ang pagbaon ng pangil ni Jiro sa leeg niya.
"J-Jiro..."
Hindi kaagad tinigilan ni Jiro ang leeg niya hangga't hindi niya nauubos ang dugong umaagos sa leeg niya. When he was sure na malinis na uli ang leeg niya ay saka pa lang siya tinigilan nito.
"Thank you," ang nakangiting sabi ni Jiro sa kanya.
"Anong thank you ka lang dyan?" biglang inilahad ni Anna ang palad. "Bayaran mo kaya ang kinuha mong dugo sa akin..."
"Wag na...mabilis namang bumalik ang dugo mo eh..." sabi ni Jiro. "Sige, puntahan ko muna si Tanda ah!"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (c) LBOS Writers
Teen Fictionall one shot compilation from lavender Book of Stories BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga...