Unexpected Stranger by Louie Barcelon

58 0 0
                                    

*ONE SHOT*


UNEXPECTED STRANGER


"A day without you in my life should never come and even if it does, let that be the last day of my life..."

Lubdub. Lubdub.

There it goes again pounding like crazy when I'm thinking about Chris, the stranger I met on airplane. I'm still crossing my fingers that maybe someday, this'll be more than just me wishing and dreaming about him.

***

PUMASOK na ang buwan ng disyembre. Malapit ng dumating ang mahalagang araw para sa mga nakararami—ang araw ng kapaskuhan. Lahat dapat ay magiging masaya dahil nalalapit na ang araw na iyon. Pero si Claire Del Monte, 'eto at nagmumuk-mok pa rin sa loob ng kanyang kuwarto. Nananatili pa rin siyang nakasulyap sa labas ng bintana habang nakatitig sa kawalan.

Pa'no, dadaan nanaman kasi ang pasko na wala pa rin siyang boyfriend. Damn! Bakit ba kasi hindi siya attractive sa mata ng mga lalaki? Shit. Every year, hinihintay niya ang "Prince Charming" kuno niya. Pero 'eto, sa awa ng diyos, wala pa rin. Yes, she do believed in fairytales, prince charming kuno, happy endings and perfect couples. Alam niyang nakatira at naninirahan siya dito sa real world at hindi sa fantasy world. Tuwing pinapagalitan siya ng kanyang Mommy Imelda tungkol sa mga paniniwala niya about sa mga iyon, ang isinasagot niya ay, "Ano naman ang masama kung naniniwala ako sa mga bagay na 'yon? I know they're only existing in my dreams—fantasy. But I just want to believe in them. 'Yun lang." And then matitigilan ang kanyang Mommy at end of conversation na nila.

And yes, she do believe that in the real world there is some perfect couples living—'yun bang palaging sweet at walang parang walang problema sa buhay—if there is, only few, maybe.

Now she's 15 years old, still no boyfriend... since birth. Damn! Kaya tuloy palagi siyang na-o-op kapag pinaguusapan nila ang about sa mga boyfriends ng mga bestfriends niyang babae. Siya na lang talaga ang walang boyfriend sa kanilang magkakaibigan.

Napabuga siya ng hangin saka tinanggal ang hairclip na nakadikit sa kanyang buhok at sinimulang paglaruan iyon. Hello kitty ang design 'non—one of her favorite girl cartoon characters.

8 years old palang siya nang magsimula siyang mabighani kay hello kitty. Kasabay 'non ang simula ng kanyang paniniwala sa mga fairytales. Una, ang mga kaibigan niya kasi ay pulos fairytales ang pinaguusapan. Nang minsang makisali siya sa mga ito, tila parang may isang bagay na nang-akit sa kanya para mabighani siya roon—at iyon ang hindi niya alam.

"A-anak..." Inagaw ng pamilyar na boses na iyon ang pagninilay-nilay niya. Dumako ang tingin niya sa pinanggalingan ng boses—inaasahan na niyang Mommy niya iyon. And she was right! Nabungaran niya ang kanyang Mommy na nakasilip sa pinto ng kanyang kuwarto. Malungkot itong nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Agad niyang pinunasan ang kanyang basang pisngi saka umayos ng upo at hinarap ang ito.

"P-po?" nag-iwas siya ng tingin dito. She don't want to see her crying. Kung titingnan niya ito ay baka lalo lang siyang umiyak. She wants to hug her Mom that time. She wants to cry on her Mom's shoulder. Ito lang ang tanging nakakaintindi sa kanya, ang nagpapagaan ng loob niya at ang taong nakakapagpasaya sa kanya sa tuwing malungkot siya.

Mommy, Daddy at Bestfriend—3 in 1, kumbaga. Iyan ang ginagampanan ng Mommy niya sa kanilang dalawa ng ate niya.

Kaya mahal na mahal niya ito. Nagiging Mommy ito kapag pinaguusapan ang tungkol sa mga luho. Yes, mahilig itong mag-shopping at maggala. Nagiging bestfriend naman niya ito kapag kailangan niya ng taong makakaintindi sa kanya. At nagiging Daddy naman niya ito kapag kailangan niya ng taong magko-comfort sa kanya at kapag kailangan niya ng advice—mostly about sa love at friendship. What a good, caring and loving Mommy, napangiti siya sa naisip.

ONE SHOT STORIES (c) LBOS WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon