What are friends for...
***
-ONE SHOT-
AMICI (one-shot story)
Written by: Trenzebor
Ang walong magkakaibigan na nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan ay routine nang maghintayan sa parke malapit sa pinapasukan nilang eskwelahan. Hihintayin nila ang bawat isa bago pumasok o umuwi. Kapag uwian sila nagtatagal sa parke, katulad ng mga oras na ito. Sa isang puno, kung saan may mesa at upuan na bato. Magkaharap si Jaypee at Mabel. Parehong nakayuko. Si Jaycee, isang adik sa mga virtual games. Abala sa pagkakayuko sa hawak nyang tablet. Si Mabel, adik naman sa mga tagalog pocketbooks na subsob ang mukha sa binabasa.
Nauna silang umuwi at matyaga sila naghihintay. Silang dalawa lang kasi ang walang extra curiccular activities sa school. Ang apat nilang kaibigan na sina Grace, Sam, Neil, at Paul ay mga miyembro ng isang dance group. Si Crista na isang assistant editor ng school newspaper nila at si Jane na isang volleyball player. Lamang ang huli ay dalawang araw ng absent.
"Ah!" Napaigik si Jaypee. Napaigtad naman sa pagkagulat si Mabel.
"Bakit?" Kunot-noong tanong ng huli.
"May bumato sa batok ko." Sagot ni Jaypee na hinihimas ang natamaang batok.
"Ah, baka mga demonyo lang yon." Bahagya pang nilaksan ni Mabel ang word na demonyo.
"Tingin mo?" Si Jaypee.
Tila nasamid naman si Mabel dahil sa pinipigil na tawa. Hindi nya akalaing tama ang nasa isip nya na magiging reaksyon ng kaharap na mapagpaniwalain sa mga 'unseen'.
Hindi na napigilan ni Mabel na mapahalakhak, kasabay ng apat na papalapit sa likuran ni Jaypee. Lumingon ito.
"Mga siraulo talaga kayo. Nawala tuloy ang konsentrasyon ko sa nilalaro ko."
Tumabi si Grace kay Mabel. Si Paul kay Jaypee. Sina Sam at Neil ay sa mesa umupo na tatawa tawa padin.
"Naman dude, hindi ka na mabiro." Si Neil.
"Jaypee, wala akong alam dyan ha." Singit ni Grace.
Patuloy sila sa pagkukulitan, habang sa panay ang palihim na sulyapan ni Neil at Grace.
Si Sam na may hawak na cellphone. "Guys, nirereplyan ba kayo ni Jane?" Tanong n'ya na ang mata ay nasa hawak na aparato.
"Hindi ko pa natetext, wala akong load." Sagot ni Neil.
"Ako hindi nirereplyan. Baka naman walang load." Si Grace.
"Yun pa mawalan? Sino may pantawag?" Tanong ni Sam na umikot ang mata sa mga kaibigan. At natigil kay Jaypee.
Mukhang naramdaman naman ng huli na sa kanya nakatutok ang paningin ng lahat. Kaya nag-angat sya ng mukha.
"Patext." ani Sam.
"Wala kong load." At bumalik sa pagkakayuko si Jaypee.
"Maniwala ako sa'yo. Sorry na kanina, tampuhing bata ka naman."
Nag-angat muli ng mukha si Jaypee na natatawa pa. "Sira, wala talaga akong load." Tumayo ito at dumukot sa bulsa. "Oh, paload ka." Mabilis pa sa alas-kwatro, nahablot ni Sam ang 100 peso bill. Sa barkadahan nila, si Jaypee at Jane ang angat ang estado ng pamumuhay. At galante ang dalawa sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (c) LBOS Writers
ספרות נוערall one shot compilation from lavender Book of Stories BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga...