MY – ANGEL ?
( a short novel written by Ian Joseph Barcelon )
story body :3
kilala mo ba kung sino ang nagliligtas sayo kapag nasa kapahamakan ka?
yung nilalang na laging kasama mo kahit saan?
kahit kaylan?
hanggang buhay kapa?
nakita mo na ba siya?
tayo ay may iba’t ibang anghel.
anghel na makakasama sa oras nang kadiliman.
hindi ka iiwan.
ililigtas ka.
ano nga ba ang itsura niya? parang katulad din ba natin sila?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
naglalakad ako nang sandaling matulala sa kawalan.
“ang sakit. sobrang sakit.”
kusa nalang tumulo ang aking luha.
nagbreak kami nang girlfriend ko.
hindi ko na alam kung ano ang gagawin ‘ko nang mga sandaling iyon.
para san pa ba ang buhay ko kung wala nang saysay ito?
wala na akong pakialam kung anong mangyari sakin.
basta ang gusto ko, mawala na ako sa mundo – dahil wala na yung taong dahilan kung bakit nabubuhay ako.
“ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”
nasa tapat ako nang dagat. dito ako pumupunta sa twing masama ang aking loob. dito ko lahat binubuhos. dito ko lahat inilalabas. sumisigaw ako nang napakalakas. pakiramdam ko, sa twing sumisigaw ako sa harap nang dagat na ito, nawawala ang mga problema ko. nawawala yung bigat na nasa puso ko. nawawala lahat. nawawala ang bigat.
para san nga ba at nabuhay tayo? minsan ba natanong mo ito sa iyong sarili?
minsan ba natanong mo kung bakit ka nilikha? para saan? anong mga bagay ang dapat mong gampanan?
“gustttooo ko nang mamatay!!!!”
napaluhod ako sa sa sahig –sa sahig na puno nang puting buhangin.
dito sa lugar kung saan kaharap ko ang dagat.
nakikita ang palubog na araw.
kung saan nailalabas ko ang sakit.
patuloy ang pag agos nang aking luha.
dito ko mapigilan aking sarili.
ang bugso nang aking damdamin.
“ang taong mahal ko.....ang taong nagbigay nang inspirasyon....ngayon ay wala na.....”
nawalan na ko nang pag asa. ayoko nang mabuhay.
humiga ako sa puting buhangin.
ipinikit ang aking mga mata.
patuloy pa din ang pag agos nang aking luha.
ang luha nang pagluluksa.
binuksan ko ang aking mga mata.
“liwanag?”
oo. liwanag ang aking nakikita.
“nasaan ako?”
bigla akong napaupo.
puro liwanag lang ang aking nakikita.
hinarang ko ang aking palad dahil sobrang nakakasilaw.
noon ko lang napansin ang isang babae, papalapit sa akin.
“Andrew?”
narinig ko ang napakagandang boses niya.
tinawag niya ang pangalan ko.
“narito ako para tulungan ka.”
napakalambing.
napaka ganda.
nakakahalina ang boses.
“sino ka?”
tanong ko sakaniya.
“anghel mo.”
anghel ko?
nagulat ako sa aking narinig.
“teka. nasaan ba ako?”
“ikaw? bakit hindi mo itanong sa sarili mo?”
“sa sarili ko?”
nalito ako.
anong ibig niyang sabihin?
hindi ko maintindihan.
“nilikha ka para gampanan ang isang layunin sa mundo. ikaw, ikaw at iyong sarili ang siyang gagawa nito. ang iyong dinaranas ngayon ay isa lamang pagsubok nang buhay. dahil ba dito aaksayahin mo ang buhay mo? tandaan mo, ano ba ang natapos? isang bagay diba? ibig sabihin ba, pati ang buhay mo ay kaylangang madamay? hindi dapat aksayahin ang ating buhay, lalo pa’t hiniram lang natin at ipinahiram lang ito nang maykapal.”
napabuntong hininga ako.
bigla akong natigilan.
ngayon ko lang ito narinig.
at sa pag kadinig ko nito, isang bagay ang aking nalaman.
tumalikod siya sakin.
“huwag mong aksayahin ang buhay mo para lang sa isang pagsubok.”
bumuka ang pakpak niya.
pakpak?
nagulat ako at namangha,
“pakpak na parang ibon. maputi. napakaganda.”
bibig ko na ang kusang nagsalita.
“tandaan mo ang mga sinabi ko.”
naglakad na siya palayo.
“teka! sino ka nga pala?”
lumingon siya sakin.
“ang iyong anghel.”
bigla akong napapikit.
sa muli kong pagdilat, nasa kasalukuyan na ako.
nasa realidad.
teka? nanaginip ba ako?
nakadama ako nang kaginhawaan.
nawala ang bakas nang luha ko sa pisngi.
pakiramdam ko ay gumaan.
ano nga ba ulit ang aking problema?
“wala na.”
isang boses muli nang babae ang aking narinig.
tumingin ako sa langit.
kasama nang palubog na araw ang pagbaon ko sa aking problema.
pag baon nito at ipaubaya na sa limot.
tatayo, at haharapin ang bukas.
lahat tayo ay may anghel.
napakabait nila.
napakaganda.
may pakpak.
siya ba ang aking anghel?
WAKAS.
(a/n : thank you for reading. sana nainspire kayo sa story ko :)>
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (c) LBOS Writers
Teen Fictionall one shot compilation from lavender Book of Stories BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga...