*HER LAST THREE WISHES*
(no copy-pasting allowed!)
written by Ian Joseph Barcelon
~ ~ ~ ~
“I don’t want to go....I want to live more.....but my life span is too short, maybe I’ll ask god to give me little more time....before I die, I want to fulfill my three last wishes...I want to live my life to its fullest.....they really are right, life’s too short – short to be wasted...”
**
nakahiga lamang si Celin sa kaniyang kama. nanghihina na siya, sobrang nanghihina.
“hindi ko na kaya.....pero.....hindi pa ako pwedeng bumitaw....bago ako umalis, gusto kong tapusin muna yung 3 kong kahilingan....panginoon, bigyan mo pa ako ng konting oras.....konti pa....” tumulo ang luha ni celin. gumapang ang luha sa kaniyang namumutlang mga pisngi.
oo, may taning na si Celin. isang simpleng babae, ngunit biniyayaan ng isang karamdaman. minsan, kung sino pa yung mga mabubuting tao na humihiling ng kakaunti, sila pang mga di napagbibigyan.
“masyado ba akong masama para bigyan ng sakit na ‘to? may nagawa ba akong kasalanan para makuha ‘to?” nahihirapan na sa paghinga si Celin.
may sakit siyang kung tawagin ay “cancer.” iniligid ni celin ang kaniyang mga mata, pinilit na tumayo sakaniyang kama at maupo.
kinuha niya ang maliit na papel sa ilalim ng unan niya. binasa ang isinulat doon,
ang tatlong kahilingan ni celin bago siya lumisan:
1.makasama ang taong mahal niya sa isang lugar kung saan tahimik at sila lang dalawa.
2.sabay nilang papanuodin ang paglubog ng araw.
3.bago siya pumikit, gusto niyang makitang nakangiti ang taong tinutukoy niya.
bumukas ang pintuan. napatingin naman si Celin kung sino ang pumasok, naroon pala si Greg.
“Celin, binilhan kita ng gamot. sabi ng doctor ituloy mo lang daw ang pag-inom nito at may chansa pang gumaling ka....” pilit na nilalalakasan ni Greg ang kaniyang loob habang sinasabi iyon.
hindi makatingin nang maayos si greg kay celin dahil sa twing nakatingin siya dito, hindi maiwasan ng kaniyang mga mata ang lumuha.
“wag na nating lokohin ang sarili natin greg, mamamatay na ako. may taning na ako di ba? bakit kelangan pa nating ipilit yung mga bagay na kailanman ay hindi pwede? ang ano? ang gagaling ako mula sa sakit na ‘to?! ilang pursyento ang tiyansang maka-recover ako?! 5%? yun ba?! yun ba ang aasahan mo! masasaktan lang tayong parehas greg! gumising kana!” umiiyak namang anas ni Celin.
ngunit pinilit pa ding iniwas ni greg ang kaniyang mga mata, ayaw niyang makita siya ni celin na lumuluha, dahil alam niyang panghihinaan pa itong lalo.
“kahit pa ilang porsyento yang tiyansang mabuhay ka! basta alam kong mabubuhay ka! di ba sabi mo sabay tayong tatanda?! di ba sabi mo di mo ‘ko iiwan?! my god celin! akala mo ikaw lang ang nahihirapan ?! akala mo ikaw lang!? pagod na din ako celin....hindi ko makayanang titigan ka celin...mahal na mahal kita! wag ka namang umalis kaagad! hindi ko kakayanin kapag nawala ka!” kahit po sobrang pinigilan ni Greg ang kaniyang sarili sa pag-luha, kusa pa ding lumabas ang likido sakaniyang mata.
“p-pasensya na ha? pasensya na greg....sakin kasi binigay ang sakit na ‘to eh....kung hindi sakin, siguro matutupad ko yung mga sinumpaan kong pangako.....pero alam mo? kahit pa saan ako makarating, I’ll always watch you.....mamahalin kita kahit saan pa ako mapunta, basta masaya ka, mas masaya ako....kaya greg, wag ka na sanang umasang mabubuhay pa ako....ayaw kong masktan ka ng sobra....” bigla namang napa-ubo si celin,
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (c) LBOS Writers
Teen Fictionall one shot compilation from lavender Book of Stories BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga...